'2

1.6K 86 36
                                    

'2

Nakasunod lang ako kay Hyemi Unnie habang hila-hila ko yung maleta na dala-dala ko simula pa kahapon. Nang ma-cast ako ng isang talent scout ng BigHit sa U.K ay doon din ako nagtraining kasama ng iba ko pang trainees. Half-Korean, Half British ako, pinanganak at lumaki sa U.K pero marunong akong magkorean dahil kay Mom na nagturo sa akin.

Tumigil kami sa isang malaki pero may katandaan na na building. Agad syang pumasok sa loob nito kaya agad din akong sumunod. Pumasok kami sa elevator at ang akward nung atmosphere. Bigla kong naalala yung mga nangyari kanina sa agency, yung weird nilang tingin hanggang sa tensyon na namuo dahil sa pagannounce ni PD-nim na ako na magiging kapalit ng isang member nila.

"Hera di ba?" Narinig kong biglang nagsalita si Hyemi Unnie kaya napatingin ako sa kanya at tumango. Kita ko ang pilit na ngiti na ibinigay nya sa akin, naiintindihan ko naman kung di pa nila ako tanggap ngayon. Mahirap na may mawala sayo tapos bigla-bigla na lang papalitan. Just like my Mom. At mukhang kailangan kong magadjust ng sobra-sobra para sa bagong buhay ko ngayon.

"Ilang taon ka nagtraining?" Sunod na tanong nya sa akin at napa-isip naman ako. Ilang taon nga ba?

"Isa't kalahati po ata, not sure kasi tumigil din po ako dahil nahuli ako ng Dad ko" After my Mom's death, it seems like Dad already forgotten that he has 2 children that should be taken care of. I hate him, 1 year haven't passed since Mom's death but he already married some other girl who looks like an Angel but actually she's a devil. Also after Mom's death, Dad never let me do what I want. When he found out that I'm a trainee at an agency based in U.K he got mad and send me to Ireland but I managed to go back and continue my training and now I'm here in Korea and he did not know it.

"Passion mo ba ang pagsasayaw?" Napaisip ako sa tanong nya. Never ko kasing nakita ang sarili na nagpeperform sa harap ng maraming tao dahil natatakot ako may masabi sila pero para kay Mom, I tried to overcome my fear.

"Siguro po, hindi kasi talaga ako mahilig magsayaw sa harap ng maraming tao pero I really like dancing" napatango naman sya sa sinagot ko. Bumukas na yung pinto ng elevator at nauna syang lumabas sa akin at sumunod ako.

May isang maliit na hagdan ang kailngan naming akyatin at tinulungan nya ako na buhatin ang maleta na dala-dala ko. Nagulat kami pareho ng biglang bumukas yung pinto ng isa sa mga kwarto sa hallway na iyon. Lumabas ang isang pamilyar na lalaki mula sa loob at mukhang badtrip sya.

"Kim Taehyung!" Kasunod nya ay lumabas din yung lalaking nagpakilalang leader ng BTS at tinawag yung lalaking malapit na sa amin ngayon.

"Shiruh Hyung, shiruh" matapos nyang sabihin iyon at iniwan na nya yung tumawag sa kanya. * I don't like Hyung, I don't*

Nakita kong napakamot sa batok nya yung kausap nya at napatingin ako sa tinawag nyang Taehyung dahil papalapit na ito sa direksyon ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakita kong napakamot sa batok nya yung kausap nya at napatingin ako sa tinawag nyang Taehyung dahil papalapit na ito sa direksyon ko.

Nakita kong napakamot sa batok nya yung kausap nya at napatingin ako sa tinawag nyang Taehyung dahil papalapit na ito sa direksyon ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nung madaanan nya ako ay binangga nya ang balikat ko kaya napaatras ako at muntik pang matumba. Pagsasabihan ko sana sya dahil ginawa nya pero pinigilan ako ni Hyemi Unnie. Ano bang problema ng mga tao dito? Bakit parang lahat sila galit sa mundo, kanina si Jera Unnie ngayon naman yung lalaking yun.

Hinila ako ni Unnie papalapit dun sa lalaking leader ng BTS at nakita ko ang pagbuntong-hininga nya. Tinapik ni Hyemi Unnie ang balikat nya at tinignan nya ito.

"Pabayaan mo muna sya, Namjoon" sabi ni Hyemi Unnie sa kanya at napatingala naman sya at napahilot sa sentido nya.

"Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa kanilang dalawa" kahit na hindi ko pa sya gaanong kilala, pakiramdam ko hirap na hirap sya dahil sa mga nangyayari ngayon kaya medyo naaawa ako sa kanya pero ano bang nangyari at ganito ang mga kinikilos nila?

"Bigyan mo muna sila ng oras, hindi madali ang pinagdadaanan nila" tumango-tango sya tapos nagpaalam na may gagawin pa daw sya kaya pumasok na sya sa loob ng dorm nila.

Napatingin naman sa akin si Hyemi Unnie at nagulat ako ng hawakan nya ang kamay ko at pinisil nya iyon.

"Mianhe, alam kong naguguluhan ka sa mga nakikita mo ngayon pero intindinhin mo muna sila ok?" Paki-usapn nya sa akin, gusto ko pa sanang magtanong tungkol sa sinabi nya pero tumahimik na lang ako dahil bakas din sa mukha nya ang lungkot.

Lumapit kami sa sumunod na pinto at inenter nya ang passcode na 122995 at pinaunana akong pumasok sa loob. Isang simple dorm ang bumungad sa akin sa loob, hindi sya kagaraan pero sobrang linis at maayos.

Napatigil ako ng mapansin ko ang isang malalaking poster na nakasabit sa dingding ng living room. 4 na babae na nakangiti ang makikita sa poster na iyon, nakita ko si Hyemi, Eunsoo at Jera Unnie sa picture pero yung nasa dulo hindi ko sya nakita sa agency kanina. Sya siguro yung dati nilang member na pinalitan ko.

"Sya si Yoora, yung maknae at dating Main Dancer namin kaso wala na sya ngayon" Wala? As in, umalis na sya or something?

"She died because of a plane crash last year" Ipinaliwanag sa akin na nawalan ng isang miyembro ang Empress pero hindi nila sinabing patay na ito.

"Mianhe" yun na lang ang nasabi ko ng marinig ko yung kwento nya. Ang hirap din siguro ng pinag-dadaanan nila ngayon.

"Gwenchana, alam ko namang magagalit si Yoora kung patuloy kaming ganito pero hindi ko din naman masisi si Jera at Jungkook" Jungkook?

"Jungkook? Di ba yun yung maknae ng BTS?" Anong kinalaman ni Jungkook kay Yoora?

"Jungkook was Yoora's Namjachingu, pero may nangyari kaya nagkagulo ang lahat at pinili ni Yoora na iwan kami para matapos na lahat ng problema namin, hindi namin alam na tuluyan na rin nya pala kaming iiwan" napaupo si Unnie dahil biglang pagbreak down nya. Hindi ko naman alam ang gagawin ko kaya hinaplos ko na lang ang likod nya at maya-maya ay yumakap sya sa akin.

Ng kumalma si Unnie ay nagsorry sya sa akin at pumunta munang kusina para ipaghanda ako ng pagkain.

Nilapitan ko yung poster na iyon sa salas at tinitigang mabuti ang nakangiting mukha mukha ni Yoora napatanong tuloy ako.

"Kaya ko bang maging ikaw, Yoora?"

-----
Hello!

If you're reading this and you're also reading Hold Me Tight sana wag kayong malito ok?

Yung settings ng first chapters ng story na to ay 5 years before ng sa HMT although may cameo paminsan-minsan si Janna sa HMT kasi connected sila ok?

May mababasa din kayong konting spoilers sa HMT pero konti lang naman, hanggang sa makakaya kong wag palabasin si Janna sa HMT gagawin ko ok?

Yun lang!!!

The Other SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon