CHAPTER 47 : Revelations

65K 2.1K 1.9K
                                    

Vienna POV

"Vienna.." nasa kalagitnaan ako ng tulog ko nang marinig ang boses niya. Oh damn, napamulat agad ako ng mata nakatayo siya habang inaabot ng kamay niya ang kamay ko. Hindi ako nagdalawang isip pa na hindi hawakan ang kamay niya.

Because why not?

3 days niya akong tiniis na hindi kausapin, 3 days niya akong hindi pinansin and 3 days kong naramdaman na nag-iisa lang akong lumalaban sa relasyon namin. Simula nung dumating sila Joice, nagkasira-sira na kami.
Magka-hiwalay kaming natutulog sa tatlong araw na lumipas, kahit na alam kong nasa iisang bubong kami I still miss her damn much.

Dahan-dahan akong bumangon sa nakakapagod na pagkaka-higa. It was tiring because I keep on thinking what happened, thinking what will happen to us, thinking if I can handle alone this situation.

I felt her warm hand caressing my face, then I just felt she kissed me on my forehead.

Napaiyak na lang ako. Ako na, ako na ang OA, maarte at iyakin queen.

I pulled her for a hug, then she hugged me back.

"I love you." pagkasabi niya nun bumagsak na naman ang luha ko. I can't help to be such an emotional person.

"Iyakin mo talaga 'no?" tumango ako gusto ko pa nga sanang umangal. "Are we okay now? Are you ready to hear my explanations?" sunud-sunod kong tanong habang pinupusan niya ang mga luha ko.

Wala akong nakuhang sagot sa kanya, bigla siyang tumayo at tumalikod. Lumingon siya sa akin then, "Piggy ride." she's wearing a genuine smile, and my heart melts.

Nawewerduhan man ako sa kinikilos niya pero nag-piggy ride na nga ako sa likod niya.

"Louise you don't really need to this, I want to know if--"

"Sssh. Tumahimik ka saglit okay?" para tuloy akong bata na pinagalitan ng mommy niya.

At dahil siya ang batas ngayon tumahimik na nga lang ako at mahigpit na yumakap sa kanya lalo na nung pababa kami ng hagdan.

Maya-maya pa binaba na niya ako sa couch, tapos bigla niya akong hinalikan sa lips ko. Damn it Lazaro! "Ang bango." she kiss me again and again, "Siguro kahit na hindi ka--"

"Really Louise?" I said with sarcasm, akala ko ba sasabihin siyang bagay na importante. "Chill." whatever you nerd. "Bago ang lahat, kumain muna tayo ng breakfast." I nod, hinawakan niya pa ang kamay ko kahit na sa dining area lang kami pupunta.

She's really sweet.

Siya pa yung nagluto ng breakfast namin na dapat ako ang gagawa. In this kind of relationship, natutunan na namin sa isa't isa na dapat hindi aasa na lang lagi sa isa, you get that? Ano pa ba ang hahanapin ko kay Louise? Bonus na sa kanya ang physical appearance niya, but her heart, soul? Yun yung mga bagay na hindi ko pwedeng ipagpalit sa kahit sino mang tao o bagay sa mundo.

"Masama ang naka-tulala lang sa pagkain." Oh. Hindi ko namalayan, nilulunod na naman ako ng sarili kong pag-iisip. "I love you too." ang nasabi ko na lang, hindi ko kaya siya na sabihan ng ganun kanina. She just gave me this sweet smile.

Pagkatapos namin kumain pumunta agad kami sa living room, hindi na niya talaga binitawan ang kamay ko. Naupo kami sa couch, hawak niya sa right hand niya yung remote and search some movie channel to watch.

"Vienna, ito na ang huling beses na magso-sorry ako sayo." napakunot noo ako at naguguluhan ako sa sinasabi niya.

"Sorry kung tinalikuran kita nung sinabi mong minamanipula lang ako ng mga kaibigan mo." nakatingin lang kami ng diretso sa isa't isa, habang hinihintay ko pa ang mga susunod pa niyang sasabihin.

Secretly Married A Nerd (GirlxGirl) [Complete/Editing]Where stories live. Discover now