CHAPTER 27 : Santorini, Greece

74.6K 2.7K 3K
                                    

A/N: The continuation. Happy New Year :) photocrdtstotheowner.

Louise POV

Nagising ako sa hampas ng sariwang hangin mula sa nakaawang na bintana ng kwarto. Nakalimutan ko nga palang isara ang bintanang yun kagabi. Napadako naman mukha ko sa tagiliran at tsaka kinusot muna ang mata.

Bumungad sa akin ang mukha ni Vienna na napaka-payapang natutulog. Isama pa na nakayakap ang braso niya sa may parteng bewang ko.

Grabe 'to maka-yakap ah? Ang likot niya talaga matulog, sa ilang beses ba naman naming magkatabing natulog nasanay na ako. Kaya hinayaan ko na lang na yakapin niya ako, para saan pa nga ba at uhm .. mag-asawa kami, diba?

Bale naka-tagilid ang ayos niya kaya dahan-dahan akong gumalaw para tumagilid rin sa kanya para face to face kami, syempre may distansya pa rin dahil baka paggising niya hampasin na naman niya ako ng unan na lagi niyang ginagawa. Gusto ko lang pagmasdan ang maamo niyang mukha kapag natutulog, lagi kasi siyang naka-simangot tatanda talaga agad ang mukha nito.

Nakaka-tiyak naman ako na walang sumilip sa amin kagabi, tsk dahil kung oo nakita na nila siguro yung ginawa namin kagabi.

Oh, ang ibig ko lang naman sabihin eh yung moment na biglaan niya akong hinalikan. Nakakapag-taka pa nga pa rin hanggang ngayon na nalaman niya na isa ang Malapascua Island dito sa Cebu ang gusto kong destination na puntahan sa Pilipinas. Sabi niya, magtiwala lang raw ako sa kanya dahil basta alam niya. At ano sa tingin niya? Maniniwala ako?

Isa pa, yung binati niya ako ng happy birthday qīzí. Alam kong nabanggit ko sa kanya na birthday ko kahapon sa pag-aakalang tulog na siya, pero parang ano kasi.. parang dati pa niya alam? At iniisip ko na regalo niya sa akin ang pagdala dito sa isla.

Imposible naman na hinulaan niya yun diba? Di ako mapalagay sa mga ganitong bagay, parang ang dami na kasi niyang nalalaman tungkol sa akin kahit pa na ang tingin ng mga nakaka-alam sa amin ay mag-asawa, kahit ang turingan namin sa isa't isa ay hindi talaga.

Dahil pakiramdam ko may kulang pa, siguro sa mga susunod pang araw o buwan ko pa matutuklasan kung ano nga yun.

Pinagmamasdan ko pa rin siya, naalala ko tuloy yung mga pinuntahan naming lugar. Minsan kaming naglakad para naman ma-exercise rin kami kahit papaano, nandyan na nag-inarte siya dahil napagod agad, nagutom at nagturo ako na kumain kami ng street food na alam kong sa una pa lang ay aayawan niya, pero sa huli siya yung pinaka-maraming nakaing kwek kwek. Nagustuhan niya raw.

Oh diba? Napaka-pabebe niya talaga sa una pero bibigay rin pala. Pero sa lahat ng kaartehan niya, masasabi kong nag-enjoy naman ako.

Pilit na inabot ko ang phone ko sa drawer, tinigil ko na ang pagtingin sa katabi ko mahirap na at baka matunaw naman.

Pag-check ko sa oras, 9:17am na pala. Napa-o shaped ang bibig ko ng mapansin ang wallpaper sa phone ko.

Si Vienna lang naman, naka-pout.

Ang cute niya.

Totoo yun. Lumabas na naman pala ang cute side niya, yung alam kong ako lang ang makakakita ng side niyang yun. Hiniram nga pala niya ang phone ko kahapon, at nag-selfie buong araw.

Hindi lang pala kahapon, maging nung pagdating namin dito wala siyang ginawa kundi mag-selfie. Sinabi naman niya na puno na raw ang memory card niya kaya pinabayaan ko na lang.

Hinayaan ko na lang rin na naka-wallpaper ang mukha niya sa phone ko, tutal wala namang ibang makiki-alam nito.

Kailangan ko na nga palang mag-handa dahil ang alam ko ngayon ang alis namin pabalik ng Maynila. Hindi naman ako maka-kilos ng maayos dahil may taong nakayakap pa rin sa akin.

Secretly Married A Nerd (GirlxGirl) [Complete/Editing]Where stories live. Discover now