CHAPTER 6 : Cheng's Household

61.5K 2.4K 1.9K
                                    

Louise POV

"Bumalik ka na dito Louise.."

"....."

"Louise Lazaro!"

"Bakit ba dad? May ipag-uutos na naman kayo na ayaw ko? Wag na lang!" kasalukuyang kausap ko si dad sa kabilang telepono. Ang aga nga niya mambulabog eh.

"Please dad, hayaan nyo na lang ako."

Ang drama lang talaga ng buhay ko, ayan na naman si dad alam kong may gusto siyang iparating sa akin. "I would take that answer as a no Louise. Gusto mo pa yata lalong mahirapan."

Napabuntong hininga ako sa inis, tatay ko pa rin naman siya para galangin pero sasabog na talaga ako.

"Dad!"

"Narinig mo ako Louise! Wag mo laging isipin na kaya kita pinapabalik dito ay dahi--"

*TOOT TOOT*

Di ko kasalanan yun ha biglang namatay yung tawag sa kabilang linya pagtingin ko sa cellphone kong hawak, low battery naman pala.

Perfect timing ata ang pagkawala ng battery ng cellphone ko, kausap ko ba naman si dad baka isipin nun binabaan ko siya ng tawag. Paano ba naman kasi ay nagpupumilit na naman siya, okay na rin naman ako sa pamumuhay ko ngayon kahit na sabihan pa akong CHEAP!

Naalala ko na naman tuloy ang malditang yun! Maka-cheap siya wagas. Kahit na namimiss ko na pamilya ko wala pa rin talaga akong balak umuwi.

Hindi lang talaga maganda ang kutob ko kay dad ngayon eh, insticts ko na kung baga na parang may mangyayaring di maganda.

Tama na muna ang kaiisip ng mga bagay-bagay. May importante pa akong dapat tapusin, yung partner activity namin ni arte ay nasa akin (tracing paper). Todo walk out pa nga ako sa kaniya naasar na talaga ako sa kaka-cheap niya sa akin. 

Asar lang naman, siguro nainis lang ako ng konti paano ba naman ay lagi na lang. Hmp. Pero kailangang tanggapin ang katotohanan Louise, totoo ngang cheap ka na! Wag mo na lang patulan ang intsik na yun, puro masasamang salita lang naman ang lumalabas sa bibig niya.

Ipag-bahalang wala na lang yun. Yun lang naman, wag nang gawing big deal. So ito na nga, tatapusin ko na yung pinakang outline ng bahay. Bahala siyang magreklamo kung sakali man.

Basta hanggang isang palapag lang ng bahay ang gagawin ko, dahil kung gagawin kong third floor ang dami pang ka-ek-ekan. Madadagdagan pa ng dalawang platform na gagawin, medyo nakakangawit ng leeg at nakakalugaw ng utak sa pag-cocompute at pagsusukat pa lang.

Kaya ang mangyayari eh, parang dream house ko na itong partner activity namin. Bahala siya noh, third floor ang kanya siya na gumawa, pwede naman naming tapusin ngayon sa school pero ayaw niya, edi wag diba?

Ay teka nalimutan kong i-charge yung cellphone ko. Hinanap ko pa kung saan-saan nakalagay yung charger, nasa ilalim lang pala ng kama. Sorry may pagka-kalat ako, mamaya na lang ako magliligpit.

Pagbukas nung cellphone may biglang nag pop up na message. Unknown number, pero pamilyar sa akin yung numbers eh.

(1) +63945******* 
Look for this address and bring the tracing paper or whatsoever. I don't wan't you to ruin my dream house. ASAP!

Message received: 8:16 am

Hala. Anong oras na ba?? Tiningnan ko yung oras sa cellphone 1:18 pm. Tanghali na. Nako po, si arte yung nagtext kanina pa palang umaga yung text niya.

Pasado ala una ako nagising dahil sa tawag ni dad, di ko naman namalayan na tinanghali pala ako ng gising? Akala ko umaaga pa eh. Nanonood ba naman ako ng TV magdamag. Bawi-bawi lang dahil pag weekdays di ako nanonood.

Secretly Married A Nerd (GirlxGirl) [Complete/Editing]On viuen les histories. Descobreix ara