CHAPTER 1 : Louise Lazaro

124K 3.1K 991
                                    

Louise POV

"Hello ate, kamusta ka na? Pinapabalik ka na ni dad dito sa atin, wag na daw matigas ang ulo ate." sabi ni Lance, nakababatang kapatid ko sa kabilang linya ng tawag napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya, di talaga ako titigilan ni dad hanggat di ako napapabalik sa mansion namin.

"Lance, kung yan lang itinawag mo sa akin pwede sa ibang araw na lang? Babalik lang ako kapag di na makitid ang utak ni dad." narinig kong napabuntong hininga siya, "Ate naman miss ka na naman ni mom at kahit si dad. May pag-uusapan din daw kayo."

Ano na naman kaya? Uutusan na naman ako siguro ni dad sa gusto niya.

"Ganun miss na rin kita at pasabi na rin kay mom, ayos lang ako dito at wag na siya mag-alala." sagot ko at iniwas ang usapan tungkol sa ama ko na pinipilit ako sa gusto niyang mangyari sa buhay ko.

"Ate.."

"Wag ka na makulit Lance, ayos lang ako dito. Mag-iingat kayo bye." Pinatay ko na agad yung tawag at di na siya hinintay na sumagot pa. Magrereview pa ako para sa quiz namin bukas, advance reading na din. Nagtataka siguro kayo sa kung ano mang issue sa pagitan namin ng tatay ko.

Umalis ako sa amin pinipilit ako ni dad na kunin ang kursong kinuha niya noon kung bakit ngayon, isa na siyang kilala at matagumpay na businessman sa industriya.

Flashback

"Louise, wala namang masama kung kukunin mo ang kursong napili ko sayo. Look at me, I am now a successful businessman and I also want you to take that course." utos niya sa akin, di yan pakiusap. Tss, ano bang klaseng tatay meron ako? Pinipilit ang anak sa gusto niya.

"Dad, gusto ko maging Architect at yun ang kukuhain ko pagtungtong ko ng kolehiyo." sagot ko, nandito din si mom na kasalukuyang nakikinig sa pagtatalo naming mag-ama. Nakikinig lang siya, suportado ako ni mom pero si dad hindi. Ang gusto niya lang dapat ang masusunod at walang magawa ang nanay ko para dun, dahil si dad ang padre de pamilya. Hays.

"Anong mapapala mo dyan Louise? Dapat lang na sumunod ka sa yapak ko. Ikaw ang dapat ang susunod sa yapak nating mga Lazaro. Naiintindihan mo?" maawtoridad niyang sabi, di ko mapigilang di mainis dahil sa sinabi niya. Karapatan ko rin namang gumawa ng desisyon ko sa buhay, oo nga at magulang ko sila pero pangarap ko ang usapan dito hindi ang kanila.

"Buo na ang desisyon ko dad at walang makakapigil sa akin, hayaan niyo akong gumawa ng sarili kong desisyon, mala---" bago ko pa man matapos yung sasabihin ko eh, naramdaman ko na lang ang mabigat na palad niya na dumampi sa kaliwang pisngi ko muntik pang malaglag ang salamin na suot ko.

Dahil dun ay napatayo agad si mom at iniawat si dad, bakas na ang galit sa almond na mga mata nito, sa kanya ko namana ang almond eyes, pero sa ayaw ko nga ng gusto niya eh. Tsk.

"Arthuro ano ba? Wag mo namang idaan sa puntong sasaktan mo na ang anak natin." pakiusap ni mom at agad nilapitan ako sabay haplos niya sa pisnging kakasampal lang ng ama ko. Buong buhay ko nasunod ko na siya, sabi niya mag-aral daw akong mabuti yun naman talaga ang ginagawa ko ah? Ano pa ba ang gusto niya?

"Pagsabihan mo yang anak mo Stella! Nauubos na ang pasensya ko sa kanya!Tingnan lang natin Louise kung may mapapala ka nga sa desisyong gagawin mo." yun lang at padabog siyang umalis. Gusto ko maiyak dahil sa sinabi niya, wala ba siyang tiwala sa akin?

"Ayos ka lang ba anak? Pagbigyan mo na lang ang daddy mo sa gusto niya." pakiusap naman ni mom, ayaw kong siya yung nakikiusap sa akin dahil hindi ako makakatanggi sa kanya. Di naman dapat lagi ang tatay ko ang laging masusunod.

"Pati ba naman ikaw mom? Pero ayoko nga po ng gusto niya. Buo na po ang desisyon ko, aalis ako mom ayaw kong ipilit pa ako ni dad sa mga gusto niya nakaksakal na siya mom." totoo naman yun, grabe lang talaga si dad minsan eh. Puro pera na lang yata ang iniisip at mahalaga sa kanya, kelan niya ba kami nagawang isipin? Tsk.

Secretly Married A Nerd (GirlxGirl) [Complete/Editing]Where stories live. Discover now