CHAPTER 35 : Make Me Love You

92.6K 2.8K 2.8K
                                    

A/N: Read at your own risk. SPG mga bes! Bare with me, first time ko lang gagawin 'to haha.

--
NARRATION

Kasalukuyang nagkakasiyahan pa ang ilan sa mga bisita ni Vienna at kung iisipin mistulang mas party pa ito ng mga dumalong ka-sosyo ng kanyang ama kaysa sa mismong kaarawan niya. Pero di na alintana pa yun sa dalaga sapagkat halos manlamig siya sa mga sinabi ni Louise sa kanya, ang pag-amin ng nararamdaman nito.

Isa sa mga bisita nito ang sinto-sinto kuno para sa kanya na si Audrey Belmonte, hindi rin mawawala ang isang Cedric Yu dahil na rin sa mag-pinsan ang dalawa. Bored lang naka-tingin sa unahan si Audrey dahil gusto na niyang matapos agad ang gabing yun. Hindi naman talaga sila close ni Vienna at alam niyang kahit kailan hinding-hindi yun mangyayari, ni hindi nga sila matatawag na mag-kaibigan. Pinilit pa siya ng ama niya na dumalo sa gaganapin para sa gabing yun para ipagdiwang ang kaarawan ng isang Vienna Cheng.

"Tss. Why do I need to celebrate her birthday right now?" ito ang tumatakbo sa isip niya ngayon, kanina pa ang panay sulyap niya sa phone niya kung may matatanggap ba siyang kahit tuldok manlang na reply mula kay Louise.

May ilan naman na nagpapa-cute sa kanyang mga lalaki na anak ng mga kasosyo ng magulang niya, pero wala na siyang interest sa mga ganung bagay. Nagsimula lang yun nung makilala niya si Louise, she's not really into girls dahil marami na rin naman siyang guys na naka-date noon, pero ano nga ba ang meron kay Louise at ganun na lang ang pagpapansin niya sa huli? Simula pagka-bata niya walang pagkalito siyang nagraramdaman when it comes about her sexuality, pero kung bakit ba naman kung kailan wala ng teen sa edad niya saka pa siya nalito?

Hindi na lang niya iniisip yun. Basta ang alam niya lang sa sarili niya na gustong-gusto niyang makuha si Louise. Gusto niya yung atensyon na binibigay ni Louise para sa kanya, ikaw ba naman yung solong anak ng magulang mo pero na sa ibang bagay naman atensyon nila. She's only seeking for attention, care and speacially love.

"Saan kaya nagpunta babe ko?" sabi ni Cedric sa kanyang sarili pero narinig naman ito ng pinsan niya. "Dunno." halata talaga ang hatred sa pananalita ni Audrey, boring na nga para sa kanya yung party tapos kinaiinisan pa talaga yung taong dinaluhan niya. Alam niyang mainit ang dugo ni Vienna sa kanya at ganun rin naman siya, masyado lang ma-papel si Vienna para sa kanya. Hindi lang yun dahil siya rin ang may dahilan noon kung bakit natumba si Louise sa friendly game nila ng volleyball, siguro masyadong OA kung iisipin na dahil lang dun kaya galit na galit siya dito.. pero may isa pang bagay ang gumugulo sa isip niya nang minsan niyang nakita sa hallway si Louise at Vienna na halos magka-lapatan na ang labi nila sa isa't isa.

Lalo pang dumagdag ang kulo sa dibdib niya dahil sa usap-usapan sa LCU na may nakakita sa kanilang dalawa na lagi silang magkasama. Pero para sa pinsan niya wala lang yun, kung siya naman ang mag-iisip alam niyang merong something.

Hindi kaya hindi lang basta ordinaryong estudyante si Louise? Kapag tinatanong niya ito lagi namang nag-iiba agad ng usapan si Louise, tanging Louise Gamboa lang ang nalalaman niya sa kanya.

"Dad. Puntahan ko lang girlfriend ko." maangas na sabi ng binata sa daddy niya.

"Hindi mo ba isasayaw manlang ang anak ni William Cheng?" seryosong tanong ng ama nito sa kanya, umiling lang si Cedric.

Walang pasabi na umalis na lang si Cedric, bastos talaga na bata. May girlfriend naman talaga siya pero sa ibang university nag-aaral for fxckng play lang naman daw lahat ng nagiging girlfriend. Titino lang raw siya kapag si Vienna na mismo ang girlfriend niya.

Audrey just sighed, gusto na rin niya umalis. Pero mas strict pa rin ang parents niya kaysa sa uncle niya, palibhasa walang modo ang pinsan nito kaya hinahayaan na lang siya. Siya naman bilang Belmonte na lumaki sa poder ng magulang niya masasabi namang okay kung tutuusin pero may angel-demonic attitude na tinatago, di niya yun maitatanggi sa sarili niya.

Secretly Married A Nerd (GirlxGirl) [Complete/Editing]Where stories live. Discover now