CHAPTER 33 : Baby Avrille (2)

67.2K 2.5K 1.1K
                                    

Louise POV

Pagkatapos kong ihatid si grandma Cheng sa kanila dumiretso ako agad sa mall. Di ko alam kung bakit pero parang ang laki ng tuwa sa puso ko nang makita namin si baby Avrille siguro dahil naawa ako sa kalagayan nung bata dahil na rin sa iniwan ito ng mag-isa sa cr. Sino ba namang matinong tao ang iiwan sa anghel na yun ng ganun lang diba?

Pero naiisip ko pa rin na lahat may dahilan.

May dahilan kung bakit iniwan siya dun..

At may dahilan rin kaya kaming dalawa ni Vienna ang nakakita sa kanya.

Pagkarating ko agad pinark ko yung kotse sa pinaka-malapit na parking lot. Medyo maingat rin na tumitingin-tingin sa paligid, baka may mga taga-LCU na estudyante dito.

Di na ako nag-atubili pang pumunta agad sa second floor, ang alam ko dun ang bilihan ng necessities ng baby.

Paakyat pa lang ako ng escalator nang makatanggap ako ng text mula kay arte.

From: Arte (1) 11:03am
Where are you now? She's crying again, what to do?!

Nakatanggap pa ako MMS galing sa kanya, picture ni baby Avrille na namumula na sa sobrang iyak. Napahawak ako ng madiin sa phone ko, kagabi pa siya siguradong gutom na gutom.

Nakaisip agad ako ng paraan.

To: Arte 11:05am
Yung ginawa mo kagabi, gawin mo ulit sa kanya hanggang mapatahan siya.

✔SENT

Alam ko na lame ang idea na yun pero ayun lang naisip kong paraan para kahit paank naman ay tumigil siya sa pag-iyak.

Halos patakbo na ako para mahanap yung stall ng baby shop. Sa di naman sinasadya nang may mabangga ako.

"Ano ba?!" parang paiyak na yung babaeng nabangga ko. Nag-sorry naman ako agad at tiningnan kung okay ba siya.

"Sorry miss, nagmamadali lang." pinag-tinginan tuloy kami ng ilang taong nagdadaan. Hindi ko naman sinasadya, nagmamadali lang talaga ako. Akala ko sa mga pelikula lang nangyayari ang mga ganitong eksena. Masyado na kasing common.

Pinasadahan ko siya ng mabuti at tiningnan ang kabuuan niya, balisa siya at parang may hinahanap. Iniwan naman niya ako agad at parang hindi narinig ang sinabi ko, tiningnan ko lang siya hanggang sa makalayo.

Naalala ko naman bigla kung bakit ako nandito, panay ang vibrate ng phone ko kaya sinagot ko ang tawag niya.

"Ang tagal mo!"

"Sorry, kumalma ka lang pwede?"

"Paano ako kakalma, kung wala ka dito?!"

Oh..

"W-wait! It's not what I meant idiot!"

Di ko na inintindi pa ang mga tantrums ni Vienna, dahil rinig na rinig ko sa background nito ang iyak ni baby Avrille.

Binaba ko na yung tawag nang walang paalam, nahagip agad ng mata ko ang hinahanap ko. Pumasok ako agad sa stall na yun at kumuha ng cart, medyo taranta na talaga ako dahil di ko na alam kung ano na ang mga dinadampot ko. Sa tingin ko pa nga, ang ilang gamit dun mga panglalaki na.

"3,727.25 po ma'am." tiningnan pa ako ng babae sa cashier counter ng may pagtataka sa mukha, maging mga binili kong gamit halo-halo ay tiningnan niya rin.

Nag-bayad na lang ako agad at hindi na hinintay pa ang sukli, basta ang nasa isip ko maka-uwi ng maaga. Ako nga dito na kinakabahan sa isiping namumula na yung bata sa kaiiyak paano pa kaya si arte? Kaya di ko rin siya masisisi na wag mag-panic.

Secretly Married A Nerd (GirlxGirl) [Complete/Editing]Where stories live. Discover now