"Sige lang Alex. Saktan mo lang hanggang mapagod ka." sabi naman ni Henry.

"Oy tangna pre ha, salamat sa pagmamahal mo." Sabay batok ni Geoff kay Henry na prenteng nakaupo habang nagte-text.

Pasimple naming sinilip ni Geoff kung sino ang katext ni Henry at... Paula? Sino nga ba siya? I am sure I’ve heard of her already. Hmm.

"Hala sino 'yan?" tanong ko.

"Nako Des!" sigaw ni Geoff habang tinuturo-turo pa si Henry. "'Wag mo na bigyan ng chance 'to, niloloko ka lang! May babae! Nako!"

Tumalim ang tingin ni Des. "Ano 'yan ha?!" Nanatili lang naman siyang nakaupo.

"Wala pinagkakalat ko lang sa lahat ng babae sa phonebook ko na mahal ko si Desiree." sagot ni Henry.

"Weh, utut mo." sabat nanaman ni Geoff.

Sumingit na rin si Belle. "Tange seryoso siya! I got the message!" winagayway ni Belle ang iPhone niya.

Kinuha ko na rin sa bulsa ko ang cellphone ko. Oo nga, may message galing kay Henry.

From: Henry
Just wanna share. I'm in love with the girl named Desiree Galvez. If you know her, feel free to let her know.

Tapos pati ang ilan naming kaklase na babae ay sinabi rin kay Des 'yung text na natanggap nila. Kitang-kita naman ang pamumula ni Des.

Tumayo si Henry at umupo sa upuan ko at nakipag-kwentuhan kay Des. Umalis si Belle do'n para walang istorbo at sa amin siya ni Geoff nakigulo.

Hay, si Des. She's just like any other normal in love teenage girl. Bibigyan naman na daw niyang chance si Henry eh. May date na kung kailan niya sasagutin ito. May ganoon naman talagang pag-iisip ang mga babae, 'yun bang may sine-set silang date kung kailan sasagutin ang nililigawan para memorable. Weird as it may seem but that is how it goes at times.

Nalingat lang ako sandali pagtingin ko sa tabi ko sinasabunutan na ni Belle si Geoff pero hindi ito pumalag. Akala ko ba iniingatan niya buhok niya? Dyino-joke ba niya ako.

Shet naman. Nami-miss ko lalo tuloy si Casimir.

The DestroyerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon