21. / author's

4K 153 22
                                    

Sana has been very oblivious of the happenings around her.

It was nearly 4:51 am and Sana was still talking to her last caller for this work shift. But it was not Tzuyu.

Tzuyu never called this time, Sana doesn't know why. Kaya ayun, mas lalo pa siyang determinadong umuwi na at matulog. Kapag nabo-boring kasi si Sana, tinutulog niya na lang. Sakto, antok na antok na siya.

But unfortunately, hindi pa muna pagtulog ang gagawin ni Sana pagkatapos ng work shift niya. Siya kasi ang last operator na matatapos kaya hinihintay nalang siya ng mga kasama niya dahil may meeting daw sila sa convenience store, specifically about sa special booth na gagawin nila sa JYP University a day from now.

"Sige, good midnight!" Sana cheered on the microphone as she immediately dropped her headphones and began to breathe heavily sa sobrang pagod. Sa wakas, tapos na din ang shift niya. Nayeon suddenly approached her and gave her a pat on the back.

"Tara na. . ." The older one uttered softly as Sana was rubbing her tired eyes and stretching her arms upward. Alam naman ni Sana na pare-parehas lang silang pagod kaya sumama na siya sa 'meeting' nila. She stood up and saw Dahyun happily playing an unknown game with Chaeyoung, and a smile suddenly formed on Sana's lips. Seeing Dahyun after a killer work shift could make her feel better, as if Dahyun is her vitamin.

"Uy. . . si Sana unnie oh! Tara na guys! Libre mo'ko Chaeyoung ha!" masayang sabi ni Dahyun habang ginising naman ni Chaeyoung ang group leader nilang si Momo na kanina pa tulog sa sobrang tagal matapos ng shift ni Sana.

"Unnie-yah!~ gising na! Tapos na si Sana unnie!" sabi ni Chaeyoung habang inaalog niya si Momo nang malakas. Nagising naman agad si Momo at lumingon-lingon sa paligid, "Uhhhh. . . tara na sa jokbaaaaaal. . . ay este sa convenience storeeee. . ." sambit ni Momo habang naka-pikit parin ang kanyang mga mata hanggang sa lapitan siya ni Nayeon at binatukan ito nang malakas, nagising naman si Momo agad at tumayo mula sa inuupan niya.

Dumating na ang next group na magta-trabaho naman sa umaga nang saktong lalabas na ang grupo ni Momo mula sa office nila. Sa wakas, makakakain na din sila sa convenience store. . . at magme-meeting din pala.

~//~//~//~

"Sana unnie, libre mo ako."

"Manahimik ka nga, Dahyun," pa-taray na sagot ni Sana habang inirapan niya si Dahyun, "Maayos lang naman ang pakikitungo mo sa akin kapag may kailangan ka. . . kaya manahimik ka kasi antok na ako," dagdag pa nito habang kumuha siya ng tinapay at fresh milk. Ibinato niya ang tinapay kay Dahyun at naisalo naman niya ito. Nag-tinginan silang dalawa habang binigyan naman ni Sana ng nakaka-lokong ngiti si Dahyun.

"Joke lang. 'Yan na. . ." Walang ganang sambit ni Sana habang kumuha siya ng bagong tinapay at ngumiti nang palihim. "Bakit ba mahal na mahal kita?" tanong ni Sana sa kanyang sarili habang pumunta na siya sa counter at binayaran ang mga binili pati na yung tinapay na binigay niya kay Dahyun. Habang kumukuha siya ng pera sa wallet niya ay may naramdaman siyang mga braso na yumayakap sa kanya. Tinignan niya ang gilid niya at nakita niyang naka-patong na ang ulo ni Dahyun sa balikat niya habang naka-yakap naman ito sa tagiliran niya. Napa-ngiti nalang si Sana kaya ibinayad na niya ang perang nakuha sa wallet.

"Unnie, thank you. . ." mahinang sabi ni Dahyun habang hinawakan niya ang kamay ni Sana, "Sorry kung masyado akong pa-fall, promise babawi ako sa'yo," dagdag nito na mas lalo pang ikinalapad ng ngiti ni Sana.

"Hoy! Mamaya muna landi! Tara na dito!" biglang sigaw ni Nayeon habang dali-dali namang pumunta sina Sana at Dahyun sa isang table kung saan naka-upo ang iba.

"Sooo guys, naka-face mask bukas ah? Wala tayong mga name tags dahil huhulaan din nila kung sino sino tayo kapag lalapit na sila sa atin. Sasabihin niyo lang kung sinong operator kayo kapag naka-lapit na sila sa inyo. . ." mahinang sabi ni Momo habang nakikinig nang mabuti ang iba sa kanya. Marami silang napag-usapan tungkol sa booth nila nang may biglang pumasok na apat pang babae, at kasama doon yung magandang babae na nakita ni Sana noong isang gabi.

"Sino manlilibre?" sigaw ni Jeongyeon, "Si Tzuyu!!!" sigaw naman nilang tatlo nina Jihyo at Mina habang naka-simangot na ng todo si Tzuyu pero tahimik parin.

As soon as Sana heard the name, her focus went to the four girls who just entered the store.

She couldn't be wrong.

One of them should be Tzuyu, the girl who calls her every midnight.

Pero bakit hindi niya ito mahulaan kung sino sa kanila?

Pinapalagitnaan kasi nilang tatlo si Tzuyu kaya siguro hindi pansin ni Sana na siya na yung katawagan niya gabi-gabi. Sana swayed her head from left to right para hanapin kung sino si Tzuyu. . . but she failed. Sabay-sabay kasing nagsisigawan yung tatlo kaya hindi rin pansin na nananahimik lang siya. Sana focused on Momo again as she sighed frustratedly. Nandyan na nga ang presensya ni Tzuyu pero hindi niya man lang makita kung sino sa apat.

~//~//~//~

short chapter dahil sabaw nanaman si ako.
btw. . . happy 1k GH at happy twice day mga kababayan!!~

Girlfriend Hotline » satzuWhere stories live. Discover now