At ayun nga ako na lang mag-isa sa palasyo n'ya. Kanina pa ako naghihintay sa kanya. "Kailan kaya ako mag-aaral?" tanong ko sa sarili ko. Minsan kasi naging habit ko na nakausapin yung sarili ko.

*Burp!*

"Hay grabe! Sarap ng buhay ko dito. Pakain kain na lang.." kanina pa ako nangunguha ng pagkain sa loob ng ref n'ya.

Kanina ko pa din nakikita si Dominique sa tv. Teka, hindi ko alam kung bakit andun s'ya? Wanted ba s'ya at pinahahanap ng pulis?! Wahh! Grabe naman! Ang popogi naman ng mga kriminal ngayon.

Pagkakita ko sa orasan magaalas-otso na. "Bakit ba ang tagal nun?" tanong ko na naman. Nauumay na din ako sa panonood at pagkain ko. Nakailang round na din ako ng pagwawalis at pagkukuskos.

Pumunta ako sa harap ng malaking silver na kahon. Ay yung ref pala!

Binuksan ko ang pinto..

"Taray may ilaw!" namamangha talaga ako kapag binubuksan ko 'to.

Isinara ko ang pinto at mabilis na binuksan..

"Ay gyud! May ilaw na naman!" hindi ba mahal yung binabayad ni pogi dito? Malakas 'to sa kuryente!

Kahit ba sarado may ilaw pa din ba 'to?

Isiningit ko ang mukha ko sa gilid ng pinto.

"Humanda ka sa akin! Titingnan ko kung may ilaw habang nakasarado ka! Mwahaha!" ayan na nga isasarado ko s'ya ng dahan dahan.

Noong nagcoconcentrate na ako sa ginagawa ko may kumakalabit sa balikat ko. "Ano ba!" hinampas ko pa yung kamay n'ya.

Pero hindi pa rin tumigil yung kamay na kumakalabit, "Ay gyud! Jusko day! Abala naman e—— ay pogi!" napaharap ako kay pogi.

"Ah hehehe! Anjan ka na pala?" tiningnan na naman n'ya ako ng masama. "What are you doing?" tanong n'ya sa akin.

Tinuro ko naman yung ref, "Eh kasi yung ilaw nito. Hindi ba nakakadagdag 'to sa kuryente?! Hehehehehe!" nag-peace sign pa ako sa kanya.

"Insane.." sabi na naman n'ya at pumunta sa lugar kung nasaan yung hagdan ng palasyo n'ya.

"Psst pogi! Kumain ka na?" tanong ko sa kanya. Tumingin naman s'ya sa akin, "Diet." sabi n'ya at sinimulan na naman maglakad papataas.

"Anong diet?! Hindi pwede! Girl ka ba? Pang-girl lang ang diet! Bumaba ka dito kung hindi huhuntingin ko yung hotdog mo sa kwarto."

"Ha?" nabingi ata s'ya sa sinabi ko. "Did you say you will hunt my hotdog? The heck! Oo baba ako. I'm going to change first my clothes. Wait me there.." sabi n'ya.

Habang nagpapalit s'ya ng damit sa taas. Pumunta na ako sa hapag kainan. Nagsaing kasi ako kanina. Ay gyud! Buti pala meron s'yang kaldero at doon na ako nag-saing. Lalabas muna ako ng palasyo dahil may kukunin ako..

"Where are you going?" tanong ni pogi na pababa na ng hagdan. "Sa labas.." simple kong sagot.

"And what are you doing to do there?" tanong na naman n'ya.

"Saglet lang. Umupo ka na dun, kakain na tayo pagbalik ko.." sabi ko na lang sa kanya. Napatango naman s'ya at sinunod na lang ako.

Pagkapasok ko sa palasyon. Nagdere-deretso na ako papunta sa loob. Nakita ko kaagad yung masamang tingin ni pogi sa dala ko. "What's that??" tanong na naman n'ya.

"Nagsain ako kanina sa labas. Mausok kasi kapag sa loob. Hehe!" inilapag ko na sa mesa yung kaldero. Pero syempre may nakasapin naman. Marunong naman ako ng manners. "Hoy wag maarte! Hindi naman sunog 'to! Expert ako sa pagsasaing!" pagdedepensa ko. Ang lakas kasi makatingin.

"I'm not going to eat. Ikaw na lang.." sabi n'ya at tumayo sa inuupuan n'ya. Pero dahil maagap ako ay napigilan ko s'ya, "Hephep! Bawal! Jan ka lang pogi! Kakain pa tayong dalawa diba?" sapilitan ko s'yang pinaupo.

Nagsandok ako ng kanin at nilagay sa plato n'ya. Syemore ganun din sa akin..

"Alam mo ba pogi? Nagparikit pa ako ng baga para jan. Grabe! Ang ganda ng view habang nagsasaing ako. Pinagtitinginan nga ako ng mga kapitbahay eh.." sabi ko at nilagyan ko naman s'ya ng hotdog sa plato n'ya.

"Ano?!" naiinis na naman s'ya.

"Ano bang mali sa ginawa ko? Nagsaing lang naman ako sa hardin mo? Masama ba 'yon?" sabi ko sa kanya.

"We have electric stove. Oh God! Why are you so stupid?" tanong n'ya na naman sa akin. Nakahawak pa s'ya sentido n'ya.

"Maka-stupid grabe naman! Turuan mo kasi ako magpipindot ng mga gamit dito! Kasalanan ko ba 'yon? Patawaaaaaad poooo.." nag-bow pa ako sa harap n'ya. Buti na lang at hindi ako gaanong sensitive sa mga harsh na salita. Sakto lang. Hehe

"Tss.." naihanda ko na lahat ng kakainin n'ya. Yung kanin, yung hotdog, yung juice. Ay grabe, yan lang talaga ang kinaya ko.

"Kain ka na pogi.." pag-aalok ko sa kanya.

Hinawakan ko naman yung kamay n'ya at sapilitan kong pinahawak yung kubyertos.

"Huwag mong sabihin na ako pa magsusubo sa'yo?" tanong ko sa kanya. Hawak hawak ko yung isang saging at dahan dahan ko 'tong binabalatan.

S'ya naman ay nasa harapan ko. Magkaharap kasi kami. I mean yung upuan n'ya nasa harap ko.

"Oy pogi yung bangs mo..tumatakip sa mata mo." hinawi ko yung bangs n'ya. "Kumakain ka kasi, bawal 'yan. Sige kain ka pa.." sinimulan n'ya na tusukin ng tinidor yung hotdog na pinrito ko.

"Sarap sarap?" tanong ko sa kanya. As usual, seryoso na naman s'ya. Nakatingin s'ya sa akin habang ngumunguya. Ako naman ay patuloy sa pagkain ng saging.

Nakatingin ako sa kanya as in eye to eye contact kaming dalawa habang kumakain ako syempre ng saging. Feel na feel ko pa ang pagsubo ko. As in subong subo ko yung saging na kinakain ko. Ang laki kaya! Sarap sarap eh..maraming ganito sa probinsya.

Bigla namang kinuha ni pogi yung juice at inis-straight yung inom.

"Uhaw ka?" inabot ko sa kanya yung inumin ko. Hindi naman s'ya sa akin makatingin, halos namumula yung tenga n'ya.

"I'm full.." tumayo na s'ya sa kinaupuan n'ya. Ako naman ay takang taka sa kinikilos n'ya. "You are really great in terms of eating banana and hotdog Eumice.." at pumunta s'ya sa banyo. Baka mag-tooth brush? Ay ewan! Ako naman naiwang nakatulala habang dinadigest yung sinabi n'ya. Magaling daw ako kumain ng saging at hotdog? ANO DAW?!

These Three JerksWhere stories live. Discover now