"Paalam, Mahal Ko"

2.6K 10 2
                                    

Ayokong makita kang umiiyak habang ang anino ko'y unti-unting nawawala sa iyong mga paningin. Ayokong mag iwan ng masasakit na alaala habang ako'y maglalakbay sa lugar kung saan hindi ko alam. Ayokong marining ang bawat hikbi ng iyong pag-iyak dahil kapalit noon ay mabigat na pakiramdam sa aking sarili. At ayokong mag lakad na nabibigatan ang dalawa kong mga paa sa bawat hakbang na aking tatahakin dahil kapalit noon ay mga luhang pilit na pinipigilan.

"Mahal kita, sobra sobra!" Iyan ang lagi mong bulong sa akin sa t'wing tayo ay nakahiga at patulog na. "Mahal na mahal din kita!" Iyan din ang mga katagang lagi kong sinasabi sa iyo. Natutulog tayo ng magkatabi at magkayap hanggang sa ating paggising. Ngunit sa isang umaga biglang may dumating na hindi kanais-nais sa ating pagsasama. Sa di inaasahang pagkakataon sunod-sunod na mga pagsubok ang dumating sa buhay natin at bigla nalang natin naisip na hindi pala tayo ang naka tadhana sa isa't-isa.

Kung nasaktan ka man, mas lalo akong nasaktan. Walang may gustong maghiwalay tayo ngunit sadyang may mga bagay lang siguro na hindi na angkop sa pagmamahalan natin at dapat natin itong respetuhin. Hindi naman ibig sabihin na nawawala na agad ang pagmamahal natin para sa isa't-isa. Kailangan lang nating tanggapin na may mas mahigit pang darating sa buhay natin. Hindi man sa kasalukuyan ngunit alam naman nating may nakalaan na magandang kinabukasan para sa ating dalawa.

Nakita mo man akong masaya ngunit may nakatagong lungkot sa likod ng aking maskara. Dahan-dahang pumapatak ang luha sa aking mga mata at hiling ko sana'y kaya ko ang lisanin ka ng tuluyan sinta. Taon man ang bibilangin bago maka usad ang sugatan kong damdamin, hiling ko'y kahit saglit man lang ay mapawi ang tinik na naka tusok sa aking puso. Balang araw ay matatamasa din natin ang tunay na kaligayahan na nag-uumapaw sa saya.

Maraming salamat sa pagkakataong naging akin ang puso mo pansamantala. Hindi man ako ang totoong nagmamay-ari sayo ngunit mapalad akong ika'y napasaakin kahit sa isang saglit. Habambuhay kong gunitain ang mga masasaya at malulungkot nating nakaraan. At lagi mong tatandaan na lagi kang may puwang sa aking puso. Nandito lang ako kong kailangan mo, laging bukas ang aking puso para sayo.

Nawa'y makita na natin ang liwanag na daan para sa ating kinabukasan. Sana'y matagpuan na natin ang ating mga sarili sa taong tanggap tayo at handa tayong mahalin. At higit sa lahat matupad na sana natin ang lahat ng ating mga mithiin. Hindi man tayo nagkatuluyan mananatili parin tayong magkaibigan.

Hanggang sa muli, paalam, Mahal Ko!

Lubos na nagmamahal,

Star 😊

Essay - SanaysayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon