"Hanggang sa Muli"

2.2K 10 0
                                    

Noong bata pa ako ang dami kong mga pangarap sa buhay, ang dami kong gustong gawin at puntahan. Kapag may makikita akong eroplanong dumadaan sa himpapawid, nangako ako sa aking sarili na makasakay din ako nyan balang araw.

Wala akong ibang hangad kundi ang magkaroon ng magandang buhay ang aking pamilya. Sa matagal na panahon hindi ko man lang naranasan kung paano mamuhay ng marangya tulad ng aking nakikita sa mga pelikula at telenobela.

Dahil sa ako ay bata pa noon, hindi ko pa pasan ang mga problema sa buhay, ang problema ko lang ay kung paano ko takasan ang aking Nanay na katabi ko sa pag tulog tuwing hapon para makipaglaro sa aking mga kaibigan.

Noong nasa high school na ako, doon ko pa lamang naranasan ang konting problema na sa wari ko'y kay bigat-bigat, katulad nalang ng mga school projects, mahihirap na mga research, assignments at higit lalo ang pang araw-araw na allowance at pagkain.

Masaya ang naging high school life ko, ang dami kong natutunan sa buhay, may mga bagay na bigla mo nalang ma realized na "Wow! Life is Beautiful!" Doon ko din naranasan ang uminom kasama ang mga kaibigan, mag cutting classes, gala doon, gala dito, tila walang kapaguran sa paglalakwatsa. Kahit walang sapat na pera basta't kasama ang mga kaibigan ay masaya ka na.

Mas nadagdagan ang mga problema ko noong nag-aaral na ako sa koleheyo, mas malaking pera ang kailangan na pambayad sa matrikula. Tapos may professor ka pang terror, mga kaibigang pasaway, at may panahon talagang gusto ko ng sumuko at ayoko ng ipagpatuloy pa ang pag-aaral.

Ngunit hindi ako bumitaw sa aking mga pangarap, ayokong masayang lang ang paghihirap ng aking mga magulang para makapag tapos ako sa pag-aaral. Bigla akong natauhan na mas higit kong kailangang magsikap upang makakuha ng matinong trabaho kaysa mapunta ako sa kung saan.

Hindi ako perpektong anak, sa sobrang dami ng mga nagawa kong kasalanan sa aking mga magulang hindi sapat na ubusin ko ang mga luha sa aking dalawang mata para mapatawad nila ako. Ganunpaman nagpapasalamat din ako na nagkaroon ako ng mabubuting mga magulang katulad nila na mapagmahal sa kanilang mga anak.

Sa kanila lang ako umaasa sa lahat ng aking pangangailangan, minsan nga kinukupitan ko pa sila. Hindi naman kasi ako ang nag banat ng buto kaya hindi ko ramdam ang hirap nila. Ang tanging alam ko lang ay humihingi ako sa kanila kung may kailangan. Minsan nga pag hindi ako mabigyan nag rerebelde na. Galit na ako sa kanila, ang hindi ko lang alam nahihirapan na din pala ang aking mga magulang kung paano kami tustusan.

Noong tapos na ako sa pag-aaral at nagkaroon na ako ng pagkakitaan, hindi ko lubos maisip na magiging magulang din pala ako sa hindi inaasahan. Mahirap magkaroon ng malaking responsibilibad sa pamilya lalo na kung hindi naman ganun ka sapat ang iyong kinikita. Kung ano ang hirap na dinanas ng aking mga magulang noon ganoon na din ako ngayon.

Mabigat ang krus kapag pasan mo lang itong mag-isa, mahirap pag wala kang karamay, pag wala kang maka-usap, higit lalo pag walang tutulong sa bigat ng krus na iyong pinapasan. Kahit gaano ka katibay kung hindi na kaya ng iyong katawan at isipan mas nanaisin mo na lamang ang lumisan agad kaysa dahan-dahan kang pinapatay ng iyong problema sa araw-araw.

Hindi naman sa gusto mong iwasan ang problema, hindi mo lang nagawan ng paraan at hindi na kayang solusyunan. May mga problemang kaya mo pang hawakan, ngunit sadyang may problema talagang baon-baon mo hanggang kamatayan. Ang buhay natin ay may hangganan. Nagkataon lamang na nauna kang nagpakilala kay kamatayan.

Sa aking mahal na pamilya at malalapit na mga kaibagan maraming salamat sa pagmamahal. Ang inyong mga ngiti at mga halakhak ay mananatili sa aking isipan. Wala man akong yaman na iiwan sa inyo, tanging mga masasayang alaala ko lamang ang sana'y h'wag ninyong kalimutan.

Hindi dito nagtatapos ang ating buhay, naniniwala akong mag tagpo din tayo sa kabilang mundo. Kung naging mahina man ako humihingi ako ng kapatawaran. Hanggang dito nalang sirugo ang pintig ng aking pulso. Humihingi ako ng patawad sa lahat ng taong nasaktan ko, sa lahat ng binigo ko, at sa lahat ng mga umaasang makasama pa nila ako sa matagal pang panahon.

Bago ko pa man inisip at sinulat ito, humihingi na ako ng tawad sa ating Panginoon, alam kong napapatawad na nya ako sa lahat ng mga nagawa kong kasalanan. Umaasa akong makikita ko din sa kabilang buhay ang tunay na kasiyahan, katahimikan at kapayapaan na matagal ko ng inaasam-asam.

Mahal ko kayo!

Hanggang sa muli, paalam!

Star 😘

Essay - SanaysayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon