Chapter 1: Hydroxyethylrutoside

Start from the beginning
                                    

Kinalabit ako ni Ming.

"Mawalang galang na, pero uuwi na ako." Sabi ni Ming.

"Ha? Mamaya ka na umalis! Hintayin lang natin yung kuya ko." Sabi ko.

"Pero hinahanap na ako ni mama. Pinapauwi niya na ako." Dahilan pa niya. Ano ba? Di mo ba nagets na pag naghintay ka, may scholarship ka na?!

"Sinungaling! Hindi ka naman hinahanap ng mama mo eh. Narinig ko usapan niyo." Pagsisinungaling ko. Sinabi ko nalang na narinig ko usapan nila kahit hindi naman totoo.

Hindi na ulit kumibo si Ming. Nagpatuloy ako sa paglalaro hanggang sa matalo. Noob players!

Nang matapos akong maglaro, nagchat naman ang girlfriend ko. Si Felina.

"MAGREREPLY KA BA OR MAGBE-BREAK TAYO?!" Chat niya sa akin. Jusko po! Ano nang gagawin ko? Siyempre magrereply.

"Sorry na babe! Naglaro lang ako ng AoV." Reply ko. Hinintay ko yung reply niya pero, seenzoned ang Kit ninyo.

Hinintay ko pa yung reply niya pero wala. Seen talaga.

"Brrrrkkkk"

Tunog mula sa tabi ko. Nakayuko si Ming. Tunog kasi yun ng tiyan na nagugutom na. Nagwawala na yung mga ahas sa tiyan niya.

"Gutom ka na ba? Gusto mo bang kumain?" Alok ko kay Ming.

"Salamat nalang pero hindi pa ako gutom." Sagot ni Ming. Sige lang, mahiya ka pa Ming. Nagisip ako ng paraan para makakain siya.

"Samahan mo nalang akong kumain. Gutom na kasi ako eh! Narinig mo naman tiyan ko kanina diba?" Sabi ko. Kahit tiyan niya yung tumunog sa gutom.

Hindi siya sumasagot. Tumayo na ako at hinila ang braso niya para tumayo.

"Teka! Yung gamit ko." Sabi ni Ming. Kinuha ko yung gamit niya at pinaiwan ko nalang kay Ninong Marco kasama ang gamit ko.

Hinila ko siya palabas ng school at naghanap ng makakainan.

Siguro dito nalang sa McDo kami kakain.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong ko kay Ming.

"Wala kasi akong pera…"

"Two orders of 2 pc. Fried Chicken with BFF Fries, dalawang Caramel sundae, dalawang Triple cheeseburger. Upgrade the drinks to Monster Float."

Binayaran ko na at nagpa-assist na lang sa crew na dalhin yung inorder ko.

Nasa harap na namin ni Ming ang pagkain pero wala pang gumagalaw sa aming dalawa.

"Kain na." Sabi ko.

"Pasensya na pero wala talaga akong pambayad para sa mga binili mo. Hindi ko pwedeng…"

"Libre ko yan sa'yo. Kaya kumain na tayo. Wag ka na mahiya."

Sinimulan kong kumain dahil gutom na din ako. Gutom ulit ako.

"Salamat." Sabi ni Ming.

Nginitian ko lang siya at sinimulan niya na ding kumain.

Mukhang baligtad ang sitwasyon namin ngayon. The last time I checked, it was Ming who's hungry. Pero ako pa ata itong gutom na gutom.

Sa sobrang bilis kong kumain, nabulunan na ako. Ang hirap lunukin ng pagkain.

Inabutan ako ni Ming ng inumin para malunok ko ang pagkain. Tubig pa ang binigay niya at hindi coke. May dala siyang sariling tubig niya. Mas mahirap kasu kung coke ang iinumin ko habang nabubulunan ako.

Hinahabol ko ang hininga ko nang makainom at malunok ko na ang pagkain.

"Salamat." Sabi ko. Buti na lang talaga nandito si Ming at may dala siyang tubig.

Natapos na kaming kumain at bumalik na sa school. Hindi na namin nakain yung triple cheeseburger kaya pina take out ko nalang at dinagdagan ko pa ng french fries. Para na ito kay Ming dahil marami namang pagkain sa bahay.

"Iuwi mo na 'to Ming. Para sa'yo yan. Bigyan mo din ang mama mo." Inabot ko kay Ming yung take out order ko. Nahihiya pa siyang kunin kaya pinilit ko nalang na kunin ang kamay niya para tanggapin yung inaalok ko.

"Maraming salamat."

Nakaupo lang kaming dalawa dito ni Ming sa Career center habang hinihintay namin si kuya.

Parang may mali sa tiyan ko ngayon. Hindi ko muna inintindi kaya itinuon ko nalang ang pansin ko sa phone ko.

Hindi parin nagrereply si Felina. Di bale na nga! Lagi naman siyang ganyan.

Hindi na talaga kaya ng tiyan ko. Kailangan ko na itong ilabas.

Tinanong ko si Ninong Lance kung saan ang banyo at agad ko namang kinuha ang wet wipes ko sa bag.

Nang makaupo na ako sa inidoro, agad kong inilabas ang sama ng loob ko.

Nagtagal pa ako ng 20 minutes sa banyo at masakit na ang butas ng pwet ko. Kailangan ko na siguro ng Hydroxyethylrutoside para maibsan ang sakit nitong pwet ko mamaya.

I finally gave up. Hindi ko na kaya ang sakit ng puwet ko kahit na alam kong may ilalabas pa ako.

Bumalik na ako sa Career center. Nandoon na sina Kuya Forth at Kuya Beam. Sawakas dumating na din sila.

"Ako na ang magpapa-aral sa iyo hijo. Congratulations!" Sabi ni kuya Forth nang makapasok na ako sa loob.

Maluha-luha si Kit nang sabihin iyon ni Kuya. Kinamayan ni Ming yung dalawa at nagpapasalamat.

"Nandito ka na pala Kit! Uuwi na tayo. Sumunod ka nalang sa labas." Sabi ni Kuya Forth. Nauna nang lumabas yung dalawang mag nobyo. Mag-nobyo ba talaga sila? Ang alam ko kasi mag-asawa na sila dahil sa bahay na din nakatira si Kuya Beam.

"Congrats! May scholarship ka na!" Sabi ko kay Ming.

"Sabay na tayong lumabas?" Dagdag ko.

Tumango lang siya at sumunod sa akin.

Habang naglalakad sa hallway, naisipan kong ilabas din yung cellphone kong depindot para hindi mahiya si Kit.

Kunwari lang na may itetext ako pero ang totoo, wala naman.

"Kit?" Sabi ni Ming. Tinawag niya pangalan ko! Kanina niya pa kasi hindi nababanggit pangalan ko.

"Hmm?"

"Pwede ko bang makuha ang number mo?"

•••

A/N: This time, generic names naman ng mga gamot ang title ng bawat chapter. One chapter down! Don't forget to vote and comment your reactions.

I am Underdosed (MingKit Fanfiction - Tagalog)Where stories live. Discover now