Prologue

787 31 1
                                    

I am Francis Kit L. Felaez. Ang kapatid ng dakilang si Forth Raiko L. Felaez RPh.

Kailangang maipakita ko sa kuya ko na tama ang kagustuhan kong magaral ng BS Pharmacy at sumunod sa yapak niya.

Idol ko talaga kasi ang kuya ko. At dahil si kuya ay isang mabait na tao, gusto ko ding maging mabait kagaya niya.

"Hi mga Ninong!" Bati ko kina Ninong Lance at Ninong Marco. Nag mano ako sa kanilang dalawa bilang respeto. Baka di rin nila ako bigyan ng regalo sa pasko kapag hindi ako nag bless sa kanila.

Ayon sa kwento ni kuya, noong nagaaral pa daw siya dito sa school na ito, silang dalawa na daw talaga ang empleyado ng career center at hindi na sila umalis pa.

"Dito ka na ba magaaral Kit?" Tanong ni Ninong Lance.

"Opo. Sabi daw po ni kuya, kayo na din daw po ang bahala sa enrollment ko. Ito po yung pang enroll ko." Inabot ko kay Ninong Lance yung cheque para sa enrollment ko. Nagpaalam muna siya na aasikasuhin niya muna ang enrollment ko at lumabas na siya.

Si Ninong Marco naman ay may kausap na enrollee din.

"Magkano po ba yung uniform sa school na ito sir?" Tanong nung enrollee.

"2,500 Php ang isang set." Sagot naman ni Ninong Marco. Bahagyang lumungkot ang mukha nung enrollee.

"Ang mahal po. Yung libro po ba magkano?" Dagdag pang tanong nung enrollee.

"Depende sa professor mo kung gagamit kayo ng libro. Pero umaabot ng 1,000 pesos ang isang makapal na libro sa Pharmacy kagaya ng Pharmacology."

Mukhang BS Pharmacy din ang kukunin niyang kurso.

"Ahhh sige po. Pagiipunan ko po yan."

"Ano bang trabaho ng magulang mo?" Tanong ni Ninong Marco. Kung ikaw man, marinig mo yung sinabi niyang pagiipunan niya hindi kaba magtatanong?

"Nangangalakal lang po kami sir."

I am Underdosed (MingKit Fanfiction - Tagalog)Where stories live. Discover now