Epilogue 2: The Infamous Rafael Valiente

2.5K 63 5
                                    

Rafael Alejandro's POV

Nakarating naman kami sa PP Haven's resort, na pag-aari ng aking mga kaibigan na sina Nicolas Petropoulis at Demetrio Pallos. Parehong taga Greece.

Nakilala ko sila mula kay Stavros Demakis. Mga kaibigan nito simula highschool, at naging kasundo ko naman ang mga ito, kung kaya't napasama narin ito sa mga kaibigan ko.

Binigay nila sa amin ang isa sa pinakaexclusive nilang ensuite bungalow na nasa tubig. Kompleto ito ng mga gamit, amenities.

At mayroon itong napakagandang view. Nakikita ang pagsikat at paglubog ng araw mula sa deck namin.

Pinahiraman din nila kami ng isa sa kanilang yate. At plano ko itong gamitin araw-araw para dalhin si Bella sa buong isla, at magalugad namin ang iba't-ibang islang nakakonekta. And of course, to take her under the sun, under the water, and under the moonlight.

Dapat buntis na ito pagbalik namin. Lumalaki na kasi si Rafael.

Ngayon ang ikatlong araw namin, at pareho kaming nakapanligo  lang. Nakatihaya kami sa dalawang lounging chair sa itaas ng third deck ng yate, nagbababad sa init ng araw. At buti nalang maganda ang panahon ngayon. Maliwanag na maliwanag ang sikat ng araw ngunit hindi naman ito masakit sa balat, at nakakatulong din ang simoy ng hangin. Malamig ito sa balat at napakapresko.

Tiningnan ko ang aking asawa na nakapikit ang mga mata na natatakpan ng medyo may kalakahihang sunglasses ngunit lalong nagpadagdag sa appeal nito.

Lantad na lantad ang katawan nito sa kulay berdeng haltered na swimsuits na gamit nito. Ang pipis nitong tiyan na parang hindi nagbuntis, sa dibdib nitong medyo nadagdagan yata ng laki, at ang mahahaba nitong hita.

Mukhang tulog na tulog ito. Napangiti ako habang nakatitig rito.

Hindi parin ako makapaniwalang asawa ko na siya, at andito ngayon, kasama ko, on our honeymoon.

Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam ng totoong kaginhawaan at kontento sa buhay.

Kompleto na aking buhay at wala na akong mahihiling pa. Pinunan nito ang lahat ng kulang sa aking buhay, sila ni Raffy. My treasures.

Nakita ko siyang tumagilid paharap sa akin. Ngumiti ako. Gising na ito. "Want to go for a swim, mahalko?" tanong ko rito, nagbabakasaling umoo ito. Kanina pa kami sa tubig, nagjet skiing halos sa buong araw. Mag-aalas tres na yata at mas lalong nakakahalina ang tubig.

Ang malasul na tubig ay napakakalma at tahimig sa buong paligid, tanging alon lang na sumasalpok sa hindi umaandar na yate ang tanging naririnig namin at ang hangin.

"Kakabalik lang natin dito sa yate, hon. Wala pa ngang isang oras eh," reklamo nito. Napangisi naman ako.

Alam ko naman iyon. Gusto ko lang siyang mayakap muli, mahawakan ito at mahalikan. Kahit wala akong nakikitang tao sa paligid namin, alam kong nagmamatyag ang piloto namin kung saan man ito naroon at ang ibang crew ng yate.

Tumaas ang kilay nito ng makita nito ang pagngisi ko. "What about in the cabin?" tanong ko rito.

Ngumiti ang aking asawa ng pagsang-ayon.

At sa loob ng cabin, muli ipinahatid ko ang aking pagmamahal, pagsamba sa kanya. Tinugon naman nito ng kasing-init ang bawat galaw ko, bawag indayog, at sa pangakong walang hanggang kaligayahan.

At sa magkaisang basang katawang, sumasayaw kami sa magkaparehong ritmo, at kahit ng makarating sa nakakaliyo at nakakapanlambot butong paroroonan, magkasabay na isinisigaw ang bawat pangalan namin.

At ilang beses pang naulit, halos walang kapagurang pagpapaligaya sa isa't-isa.

Mabilis na lumipas ang araw, at mabigat ang dibdib kong matatapos na mapagsolo ko ang aking asawa, ngunit masaya naman kasi makakasama at mayakap kong muli ang aking anak.

The Infamous Rafael Valiente (TagLish Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon