Chapter 49: Shopping

24.5K 536 8
                                    

Manhattan Mall

Rafael's POV

Nasa loob kami ng Manhattan mall sa children's department. Dinayal ko ang numero ni Anna ang substitute PA ko habang namimili ang aking si Bella. "Yes, Ms. Valiente," agad nitong sagot ng kumunekta ang linya. Nakapamulsang hinanap ng aking mga mata si Bella habang kausap sinagot ko si Anna.

"I need you to do three things for me," pagsisimula ko. Ramdam ko naman ang pag-alerto nito. "First, fire Katherine." Napasinghap ito ng marinig ang sinabi ko.

"Si-sir?" nauutal nitong sabi.

Inignora ko ang pagkagulat nito. "Second, arranged our flight to Vegas tomorrow, and I don't want to see Ms. Mackenzi ever again. Find a replacement, anyone, I don't care. I don't want to see her face when we embark the plane tomorrow morning," matigas kong babala.

"Noted, Sir." Agad naman nitong sagot. "Mr. Valiente," agad nitong tawag bago ko pa man ito patayan ng tawag.

Kumunot ang aking noo. "Yes?" malamig kong sagot.

Ramdam ko ang paglunok nito. "T-Thank y-you, Sir!" nauutal nitong sabi.

Hindi ako sumagot, basta ko nalang itong pinatayan.

"Who are you firing?" tanong ni Bella na ikinalingon ko rito. Hindi ko napansing nakalapit na pala ito sa aking likuran. Akala ko busy parin ito sa pamimili ng mga damit para kay Raffy na ngayo'y nakatulog na sa stroller nito na nasa aking tabi. Napagod sa kakatakbo kanina.

"Katherine." Mabilis kong sagot saka ito hinalikan sa labi. "Are you done?" tanong ko ng maghiwalay ang aming mga labi.

Nagtatanong ang mga mata nito, at naalala ko ang pangako kong hindi na magsisinungaling dito at wala ng itatago sa kanya. "And Charlote." Maikling sagot ko.

Tumaas ang kilay nito. "Did you fuck her, too?" diretsahang tanong nito.

Napalunok ako saka bumagsak ang aking ulo at balikat sa matinding guilt na biglang dumaloy sa aking puso. "That was before. They are all my past," mahinang sabi ko saka ako tumingin sa mga mata niya.

"Should I feel threatened everytime, Rafael?" tanong nito na parang naiiyak.

"No!" biglang sagot ko saka ko ito hinila sa akin at niyakap ng mahigpit. "Don't be, mahalko." masuyong sabi ko. "Lahat ng iyon nagawa ko dahil sa sobrang selos na nararamdaman ko, at hindi na ako nakakapag-isip ng tama. Hinding-hindi na mauulit iyon, mahalko. Ikaw lang ang tanging gusto ko, tanging isinisigaw ng puso ko, wala ng iba." Pangako ko rito, saka ko siya hinalikan sa gilid ng kanyang ulo.

Mabilis naman nitong pinunasan ang luha nito at parang may kamay na humawak sa aking puso saka ito pinisil ng mahigpit.

"I love you," mahinang bulong ko rito saka hinawakan ang magkabilang pisngi niya at pinakatitigan. "Don't ever doubt it. I will never look to any woman the same way as I look at you, mahalko. You will always be the queen in my heart, in my life. You will always be my love." Saka ko ito hinalikan sa ilong bago sa labi nito.

Tumango naman ito. May kislap ang mga mata nitong ma-asul asul na unti-unting namamana na ni Raffy.

Humiwalay na ito sa akin. Humarap ito sa isang rack ng mga shirt. "Anong tingin mo rito?" Itinaas nito ang hanger kung saan nakahang ang short sleeve na checkered shirt at khaki short na pair nito. "It looks cute, isn't it?" tanong nito. Limot na ang nangyari kanina.

Tumango ako biglang pagsang-ayon. Hindi ko kailanman naisip na magtatambay ako sa mall, kasama ang babaeng halos nagpabaliw sa akin, sumusunod sa bawat sasabihin nito, pero walang kasingsaya. At ipagpapalit ko ang lahat, kung ang kapalit lang ay palaging nasa tabi nito.

The Infamous Rafael Valiente (TagLish Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon