Epilogue 1: Unconditional Love

46.9K 986 79
                                    

Third Person POV

East Hampton, New York
Valiente's Estate

"Nangyayari ngayon sa Valiente Estate, dito sa East Hampton, ang pinaka-aabangan ng lahat, ang kasal ng isa sa pinakamailap at pinakabatang bilyonaryo sa buong mundo na si Rafael Alejandro Valiente. Ang kasal na tinaguriang wedding of the year. Ang kanyang mapapangasawa ay ang napakagandang Dukesa ng Pushkin na si Anzhelika Tatiana Markovich, nag-iisang tagapagmana ng Markovich Empire.

Alam kong marami ang iiyak at manghihinayang sa malapitang pagkawala ni Rafael sa grupo ng mga nagsi-ilapang bilyonaryo sa buong mundo, at isa na ako ro-"

Pinatay ng warden ang TV saka nagsalita. "Angelo Giudici!" malakas nitong tawag.

Tumayo naman sa bangkong kinauupuan nito si Angelo saka tinungo ang kinatatayuan ng pulis. Nakatayo ito sa may pintuan ng seldang pinagtapunan sa kanya.

Nang makalapit ito, pinosasan siya ng isang kasama nito saka siya iginiya palabas.

...

Rafael Alejandro's POV

Titig na titig ako sa aking mahal, ang aking buong atensyon nakapokus sa magandang mukha nito. Bawat katagang binigkas ng pari, para itong hanging dumaan lang sa aking tainga. Parang dahong tinangay ng hangin o tuyong dahong nililipad dahil sa hangin.

Lahat ng tao, simula ng lumabas siya kanina at naglakad palapit sa akin, parang nabingi ako sa lakas ng tambol ng aking puso. Ang aking namamasang mga mata hindi kumukurap sa isipang baka lahat ng ito'y panaginip at biglang magising ako sa katotohanan, at siya'y biglang maglaho.

Limang buwan akong naghintay. Limang buwan din akong nagpakasikap ligawan siya. Para akong asong sinusundan siya, sinusuyo, at sa buong buhay ko, sa limang buwan na iyon ko lang naramdaman ang kahalagahan ko sa buhay.

Serving them and my son, it was the best part of my life.

Parang bigla akong nagising sa mahimbing na pagkakatulog at natauhan. I've wasted my time, kung sinu-sinong babaeng kinama ko, at wala akong naramdamang kasayahan pagkatapos. Para lang silang mga basahan na pagkatapos kong gamitin, itatapon na. Dapat nuon pa natauhan na ako.

Napangiti ako ng tumitig din ito sa aking mga mata. Alam kong para akong tangang nakangiti sa kanya, at hindi maikakaila sa mukha ko ang sobrang pagmamahal ko sa babaeng nasa harapan ko ngayon.

Naikasal na kami sa Las Vegas, ngunit dahil sa pangarap nito ang grandeng kasalan, at para official narin sa mga mata ng tao na siya'y akin, nagpakasal kaming muli. At kahit ilang beses kong ibigay ang kasal na ito, hindi parin sapat upang makabawi sa mga ginawa ko sa kanya.

She deserved the world.

Nang araw na iyon na binigkas ni Elvis Presley, ang minister na nagkasal sa amin sa Chapel na iyon, na siya'y asawa ko na, iyon ang araw na para akong hinugot sa malalim na pagkakalublob sa putikang lupa. Lahat ng agam-agam sa puso ko at takot na baka panaginip lang ang lahat, sa oras na iyon, lahat at naglaho ang mga pangamba ko.

Dumating kami sa New York, nag-aabang ang Duke sa amin. Hindi maipinta ang mukha nitong sumalubong sa akin. Nag-usap ang maglolo, at nalaman ni Bella ang pinagdaanan ng matanda pagkatapos nitong maglaho, ang muntikan din nitong pagkamatay.

Hindi nagpakita si Bella sa matandang Duke dahil naniwala si Bella na baka hindi siya tanggapin dahil sa isiping isa siyang dalagang ina. At pumapangalawa ay ang pagkakaalam niya na ang lolo na niya mismo ang magdadala sa kanya pabalik sa akin.

At hindi ko siya masisisi.

I've been an asshole. Napakaliit ng pang-unawa ko.

Hindi ko siya pinahalagahan.

The Infamous Rafael Valiente (TagLish Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon