Chapter 38: Acceptance

19.3K 458 10
                                    

Third Person POV

Nagtatrabaho si Kevin bilang isang waiter sa isang hindi kalakihang restaurant malapit sa bahay ng ate nito. Ito lang ang trabahong kaya nitong gawin dahil hindi na siya pwedeng bumalik sa army. Nagkaroon kasi ito ng injury at hindi na niya kayang magdala ng mabibigat na baril. May nakuha naman siyang severance pay mula sa pagiging army nito ng ilang taon, ngunit hindi ito sapat para sa pangangailangan niya kahit sa isang taon.

Isang buwan narin siyang nagtatrabaho sa restaurant simula ng bumalik siya sa Texas. Ipinagpasalamat naman niya at hindi siya namatay sa giyera sa Afghanistan ng tumalon siya sa sasakyang sumabog habang nasa giyera sila. Tumama ang likod niya sa isang malaking bato, kayat nabali ang ribs niya, at mabilis naman siyang natulungan ng ibang kasamahan nito. At bago pa man siya mawalan ng malay, nakita nito ng aid team na andun para tumulong sagipin ang mga nabaril.

Nakatira siya ngayon pansamantala sa bahay ng kapatid nitong madre. Malaki rin ang bahay na nabili nito, at tamang-tama dahil sa pagdating niya, at ngayon, makakasama din niya ang inampon nitong si Clara. Marami na siyang naririnig tungkol sa dalaga, at kahit hindi pa nito nakikita ng personal, mula sa mga kwento ng kanyang ate, napamahal narin sa kanya ang dalaga. Siya na ang pumalit sa pwesto ng kapatid nilang Clara din ang pangalan, na namatay sa batang edad.

At kahit papano, nagkaroon ng liwanag ang dating malamlam na buhay nila. Simula kasi ng mamatay si Clara, parang nawalan narin ng kulay ang buhay nilang magkapatid, lalong-lalo na ang ate nitong si Theresa. At ngayong dumating si Clara Bell, nagkaroon ng kulay ang bahay nila, at ngayon, madadagdagan pa ng isang anghel. Sobrang excited ang ate niya, lalong-lalo siya.

Mahilig silang magkapatid sa mga bata, kaya nga ang ate niya hindi nito ginigive up ang foundation para sa mga batang ulila, walang pamilya, at paminsan-minsan, tumutulong din si Kevin.

Napangiti si Kevin ng wala sa sarili nito.

"Kevin!" malakas na tawag ng boss niya ang kumuha ng atensyon ni Kevin. Mabilis naman itong iniwan ang ginagawa saka nilapitan ang boss nitong nakatayo sa pintuan ng pinakusina ng restaurant.

"Sa opisina," sabi ng boss nitong si Jay. Matangkad ito at nasa apatnapu't taon. Walang asawa at anak, at mahilig sa babae.

Sumunod naman si Kevin sa boss nitong may katabaan, ngunit malakas parin ang dating sa mga babae. Mas matangkad si Kevin rito, at mas may matikas na katawan dahil narin sa klase ng trabaho niya dati.

Pumasok sila sa dulong kwarto, at tumambad kay Kevin ang isang napakagandang babae. Nakadamit ito ng maiksing bestida, at agad naramdaman ni Kevin ang biglang pagbilis ng tibok ng puso nito habang nakatitig ito sa dalagang parang diyosa sa ganda. Mahabang buhok, katawang parang hinubog para sa mga tulad nilang lalake, at labing nag-aanyaya ng halik.

"A friend of mine wants to meet you," sabi ng boss nito, saka nila siya iniwan pagkatapos binigyan ng babae ng isang halik sa pisngi, at ang pasimpleng pagdaan ng palad ng kanyang boss sa kanyang matambok na puwitan, alam na agad ni Kevin na may namamagitan sa dalawa.

Bigla namang parang natuyuan ng laway si Kevin ng sila nalang ang naiwan. Biglang nag-init ang buo nitong katawan, lalo na ng tumitig ng malagkit ang babae sa kanya, saka nito pinaraan ng kanyang mga uhaw na mga mata ang kanyang katawan, na para bang hinuhubaran siya.

To Kevin, she's the epitome of a temptress, seductive, hot as hell. He had to know her name.

"What's your name," tanong ni Kevin at ngumiti ang babae, upang lumabas ang mga pantay-pantay, at mapuputi nitong mga ngipin. Umiling ang babae, at medyo nadisappoint naman si Kevin.

"Kevin, right?" sabi ng babae, at tumango naman si Kevin. Nagtataka ito, kung ano ang kailangan ng babae sa kanya.

"I had a proposition. I know you need money. All you need is to keep her with you, don't let her out of your sight. Take care of her," sabi nito, at lalong nagtaka si Kevin kung sino ang tinutukoy nito.

The Infamous Rafael Valiente (TagLish Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon