Chapter 23: Marka ng Pag-ibig

35.4K 832 12
                                    

Clara Bell's POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Clara Bell's POV

Nagising ako ng ang gaan ng aking pakiramdam. Nagpapasalamat ako sa Diyos at tuluyan na yatang nilubayan ako ng aking bangungot.

Napangiti ako ng maalala ko ang nangyari sa amin ni Rafael. Nang tingnan ko siya sa aking tabi, ang sarap ng tulog nito at nakapulupot pa ang kanyang kamay sa akin. Kahit sa pagtulog, sobrang possessive nito.

Ramdam na ramdam ko ang saya, para akong nililipad sa ikasiyam na langit. Hirap na ngang pigilan ang nararamdaman ko para sa kanya. Araw-araw yatang lumalaki ang nararamdaman ko para rito.

Naalala ko na naman ang nangyari, ang pagbibigay ko ng aking sarili, hindi ko ito pinagsisihan, at kung sakaling bigyan ako ulit ng isang pagkakataong itama ito, wala akong babaguhin kahit isa.

Maingat akong umikot para magkaharap kami. Hinaplos ko ang halos perpektong pangahan nito, Kahit nakapikit ito, mapanganib parin tingnan. Pero sa ilang araw naming pagsasama, naramdaman kong para din itong bear. Matigas tingnan pero, may malambot na puso.

Pinaraanan ko ng aking daliri ang kanyang pisngi, pababa sa kanyang pangahan, at paitaas muli ng biglang kinuha nito ang aking kamay at saka hinila ako, at ako'y napatili dahil sa gulat. Ngayon nakapatong ako sa kanya, ngunit ang kanyang mga mata ay nakapikit parin, at may ngising naglalaro sa gilid ng mga labi nito.

"What do you want to do today?" tanong nito ng nakapikit pa, sa malamig at sobrang lalim na boses, para itong galing kweba at lalong nag-init ang aking pakiramdam. Naramdaman ko ang kahubdan nito sa ilalim ko at ang biglang pag-iinit ng aking katawan ng maramdaman ko ang tayong-tayo nitong kaibigan na sumudundot sa aking hita, at dalawang kamay nito humahaplos sa aking hubad na likod, nang-aakit.

Takte, ang aga-aga.

Hindi pumasok sa aking isip ang mga pinagsasabi nito dahil nakapokus na ang aking isip sa buhay na buhay nitong alaga. Ramdam ko rin ang biglang pagkabuhay ng lahat ng aking dugo at parang may kumikiliti na sa ibabang parte ng aking tiyan.

Hindi ko pansin na kanina pa pala ako nakatitig kay Rafael, at nakangising sinalubong nito ang aking mga mata. Ang aking paghinga, ay bumagal, at panay ang aking lunok.

I want him again, pero hindi ko alam kung papanong sabihin.

"Mahalko?" tawag nito sa akin, at napakurap naman ako, sabay lunok.

"Hindi ko alam. Ikaw? May ideya ka?" namamaos kong balik rito, pero ang aking isip naglalakbay sa gising na gising nitong kaibigan.

"Do you need anything, mahalko?" bulong nito, malapit na malapit sa aking pisngi, ang lalakeng-lalake nitong hininga tumatama sa aking pisngi malapit sa aking labi, kaya't napapikit ako at lalong nag-apoy ang aking pakiramdam. Ramdam ko ang aking pamamasa sa gitnang bahagi ng aking hita. Napalunok ako at sinalubong ang maiitim nitong mga mata.

Nang binukan ko ang aking mga mata, nakangisi ito sa akin. Mukhang nag-eenjoy sa aking paghihirap. Nakagat ko ang aking mga labi, I really want him again, pero hindi ko masabi. Ayaw ko namang magmukhang desperada.

The Infamous Rafael Valiente (TagLish Version)Where stories live. Discover now