CHAPTER VIII

Depuis le début
                                    

Sa marahas na pag-ugoy ng hangin sa kanilang mga buhok, banayad ang mga braso ni David na kumabig sa kanya palapit dito. He cupped her cheeks then with his fingers traced the contours of her face down to her lips. "Let's think of nothing else for a while."

Tumungo si Esang, idinaop ang dalawang palad sa mga kamay ni David saka muling nag-angat ng mukha. Puno ng sinseridad ang mga mata nitong nakatunghay sa kanya. Tama ito, mas mahalaga ang pintig ng kanilang mga puso. Ng sandaling hawak siya nito. Ng sandaling tumitibok ang kanyang puso para sa lalaking natutunan na niyang mahalin sa loob lamang ng maigsing panahon.

Ipinikit ng dalaga ang mga mata nang maramdaman ang pagbaba ng mukha ni David sa kanya. Mas mabilis sa pag-ikot ng windmills ang pagtibok ng kanyang puso nang tuluyan nang sakupin ng binata ang kanyang mga labi.

It was her first kiss.

Ang halik na iginagawad nito sa kanya ang nagbalik kay Esang sa siyam na taong nakalipas, habang kandong ang noo'y walang malay na si David at pinagmamasdan ang kulay-makopa nitong mga labi. Now, they're on hers.

Ganoon pala ang pakiramdam ng hinahagkan. Nakakapagpawala ng agam-agam at pagdududa. Iyong pakiramdam na...nagiging totoo ang lahat ng ilusyon at mahika.

Yes, the first kiss was always sweet and magical.


MAGKAHAWAK-KAMAY na binabaybay nina David at Ysabela ang pabalik sa kotse ng binata. May ilang mga turistang katulad nila ay nakamasid sa nakakamanghang view ng windmills.

Panay ang linga ni Esang sa mga taong naroon nang walang anu-ano'y natawag ang atensyon niya sa isang eksena hindi kalayuan sa kanilang kinaroroonan. Binubuksan na ni David ang kotse samantalang siya ay nakapako ang mata sa kakatwang galaw ng isang lalaki sa likod ng isang magandang babae. Mukhang may masamang balak ang isang iyon. Binantayan niya ang bawat galaw nito.

Hindi nga siya nagkamali dahil kitang-kita niya ang simpleng paghablot nito sa bag ng babae saka tumalilis papunta sa direksyon nila. Parang tuod namang natulala ang ninakawang babae. Naghanda si Esang at nang tumapat ang snatcher sa kanya ay buong lakas niyang in-upper cut ang lalaki.

Tinamaan ito sa ilong at dahil sa impact ay sumadsad ito sa lupa. Tinangkang bumangon ng lalaki ngunit mabilis niyang sinegundahan ito ng malakas na sipa sa tagiliran hanggang muli itong humalik sa mga buhangin.

Agad na sumaklolo si David sa nakitang komosyon at ginapos ang dalawang kamay ng lalaki habang nakadapa ito. Isang nagpakilalang pulis naman ang lumapit at kumausap sa binata. Matapos ipakita ang tsapa nito ay ito na ang gumupo sa pumapalag pang snatcher.

Kinuha ni Esang ang ninakaw nitong bag. Kinabig naman siya ni David palapit upang yakapin. "Are you okay?" bakas sa mukha ang pag-aalala.

Sunod-sunod na tumango ang dalaga.

"You're brave, Ysabela. Pero pwede ba huwag kang basta-basta na lang gumawa ng bagay na posibleng ikapahamak mo? Paano kung ikaw ang ni-resbakan ng lalaking iyon? Paano kung may baril pala siya pagkatapos ay...?

Nangiti si Esang sa pag-aalala ni David. "Kaya ko ang sarili ko. Ano pa at sa Tondo ako lumaki. Sanay na akong ipagtanggol ang sarili laban sa mga masasamang loob."

"Kahit na. I don't want you to risk your life again. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa'yo. I can't afford to lose you, Ysabela. So please..."

Dinampian niya ng pinong halik sa gilid ng labi ang binata upang pawiin ang pag-aalala nito. "Okay ka na? O isang halik pa?"

Humupa ang galit ni David sa ginawa niyang iyon. Muli siya nitong kinabig palapit at muling ginawaran ng halik, hindi alintana ang mga taong nakapalibot sa kanila.

"Excuse me."

Napukaw ang dalawa sa paglapit ng isang babae. Agad na nakilala ni Esang na iyon ang hinablutan ng snatcher ng bag kanina. Ibinalik niya ang bag nito.

"Heto na ang bag mo, miss. Check mo na rin ang laman. Mag-iingat ka na sa susunod." Nakangiting saad niya.

Kumunot ang noo ni Esang sa nakitang reaksyon ng babae. Nakapagkit ang mga mata nito kay David, bakas sa mukha ang labis na pagkabigla. Nilingon niya si David, ganoon din ito. Natulala ito sa babaeng kaharap. Nalito siyang bigla.

"David? I thought you're in the states. Kailan ka pa bumalik?" tanong ng babae nang makabawi sa pagkagulat.

"Bernadette..."

Maang na nagpalipat-lipat ng tingin si Esang. Kay David na hindi maipinta ang mukha kung gulat, galit o indifferent ito. Kay Bernadette na alanganing ngumiti habang nakatitig sa lalaki.

Parang kinudlit ng kutsilyo ang dibdib niya sa nasaksihang palitan ng tingin ng dalawa. So heto na puno't dulo ng pagkaray ni David sa kanya sa Vigan. Ang babaeng dahilan ng pag-uwi nito galing New York. Ang dahilan ng ginagawa nilang pagpapanggap.

Ang dati nitong kasintahan na...mahal pa rin nito?

Hindi na naintindihan ni Esang ang maigsing palitan ng salita ng dalawa. Kung simpleng pangungumusta man o seryosong usapin ang namagitan sa mga ito, hindi na niya tinangkang alamin pa. Tila wala sa sariling nagpaalam lamang siya na mauuna na sa sasakyan.

Sa loob ay nakatutok ang mga mata niya sa kalsada. Hindi niya maatim tingnan ang dalawang nag-uusap. Nangilid ang luha sa kanyang mga mata ngunit bago pa pumatak iyon ay agad niyang kinusot ang mga mata.

"Iyan ang sinasabi ko sa'yo, Esang. Umasa ka kasi. Ano ba ang halik para kalimutan na lang ni David si Berbadette." Monologue niya, pigil ang iyak. "May pagawa-gawa pa kayo ng empanada together tapos ikaw namang tatanga-tanga, na-fall agad."

Pomormal lamang siya nang pumasok na rin si David sa kotse. "Bakit ka umalis? Ipapakilala sana kita-"

"M-masama ang pakiramdam ko. Gusto ko na sanang umuwi." Pakli niya saka humugot ng malalim na hininga.

Hindi na nagtangkang magtanong pa ng binata sa pag-iiba ng timpla niya. Binuhay na nito ang makina ng sasakyan saka pinaandar iyon. Buong byahe nila ay parang may malapad na dingding sa kanilang pagitan. Hanggang sapitin ang bahay, wala silang imikan.


PINANINDIGAN na ni Esang na masama ang kanyang pakiramdam upang hindi siya makasalo sa hapunan. Nagkulong na lang siya sa kanyang silid. Ngunit sa paglipas ng oras, hindi rin mapakali ang dalaga. Gusto niyang makausap si David. Pero sino ba siya para humingi ng paliwanag dito? She was just a fake girlfriend. Ipinamukha na iyon sa kanya kanina.

Maghahating-gabi ay hindi dalawin ng antok si Esang. Napabalikwas siya sa kama nang maulinigan ang pagbukas ng pinto sa kabilang kwarto. Bakit ngayon lang pumanhik si David?

Lumabas pa ba ito simula nang umuwi sila? Saan naman ito pupunta? Halos magngitngit sa labis na panibugho si Esang sa naiisip na baka nakipagkita ito kay Bernadette. Ano ba ang karapatan niyang magselos? Malamang sasadyain nito si Bernadette. Iyon naman ang ibibalik ng lalaki sa Pilipinas.

May naisip ang dalaga. Maingat niyang tinungo ang banyo. Sa adjoining door ng kwarto nito ay walang ingay na pinakiramdaman niya ang galaw sa kabilang silid. May mahihinang yabag siyang naririnig. Paminsan ay umuungol ang lalaki. Bakit kaya?

Mas idiniin niya ang tenga sa pinto at kamuntikan na siyang napasigaw sa biglang pagbukas niyon at derechong pagbagsak niya sa sahig ng silid ni David.

"Ysabela!" sinaklolohan siya ni David. Itinayo siya nito kahit ito man ay medyo pasuray-suray.

"Lasing ka?" kompronta niya rito, hindi pinansin ang pagkapahiya dahil sa nangyari.

Amoy alak kasi ito. Iyon marahil ang dahilan ng marahas na pag-ungol nito kanina.

David of New York Meets Esang ng TondoOù les histoires vivent. Découvrez maintenant