CHAPTER VI

6.5K 138 0
                                    

ALAS-CINCO ng umaga ang nakatakdang oras ng alis nina Esang at David ngayong araw patungong Ilocos Sur. Gamit ng huli ang sasakyang hiniram nito sa pinsang si Klyv. Aabutin ng wala hanggang siyam na oras ang byahe mula Manila hanggang sa barangay San Pedro, Vigan kung saan nakatira ang mama at ilang kamag-anak ni David.

"Ano ito?" maang na tanong ni Esang nang abutin ni David ang isang envelope sa kanya.

Hindi pa man sumasagot ang binata ay hinalungkat na niya ang laman niyon. Ilang personal information ng lalaki ang naroon. May apat na pahinang papel na may nakasulat na kung ano-anong hindi niya maintindihan.

Nilingon siya ni David. "Naisip kong baka gisahin ka ni mama pagdating natin sa bahay so ngayon pa lang sauluhin mo na ang mga nakasulat d'yan. Para naman maging makatotohanan ang pagpapanggap natin."

Pinasadahan niya ng tingin ang partikular na pahinang naglalaman ng mga binabanggit nito. Aba, nakasulat doon kung saan sila unang nagkita, paano sila nagkakilala, kailan ang kanilang monthsary, first date, favorite anik-anik nila.

Kompletos rekados.

"Paano kung magtanong ang mama mo tungkol sa family background ko? Baka matakot siya kapag nalamang laking squatter ako."

"Huwag mong problemahin 'yun. Mabait si mama. Walang kaso sa kanya kahit saan ka pa nanggaling o ano ang trabaho mo. Ang mahalaga sa kanya, makita niyang nagmamahalan tayo." Pilyong ngumiti ito sa kanya.

Ewan ba ni Esang pero ang partikular na pagngiting iyon ni David habang nagliliwanag ang mga mata nito ay simpleng naghatid ng kiliti sa puso niya. Hindi kaya tuluyan nang nahuhulog ang loob niya rito?

Oops, hinay-hinay sa pag-assume.

Nababaitan lang siya kay David. Noong unang ipinakita nito ang concern sa kanyang kalagayan matapos ang insidente sa Resorts World. Ang pagsagot nito sa pagpapagamot ng mama niya kahit pa nga may pabor itong hiningi sa kanya. Lahat iyon ay patunay ng pagiging mabuting tao nito. Iyon lang ang dahilan kung bakit gusto niya ito.

Wala ng iba pang posibleng dahilan.

Naga-gwapuhan din pala siya rito. Katulad ngayong malimit ang panakaw niyang sulyap sa binata habang tutok ito sa daan. Posible pala talagang magsama-sama ang lahat ng magagandang katangian sa iisang katawan.

"Dalawa lang ang pwedeng mangyari sa kakatitig mo sa akin, either matunaw ako o ma-inlove ka na sa akin." Puna nito nang mahuli nito ang pagtitig niya. Agad niyang binawi ang tingin at idinako sa daan ang mga mata. Kagat ng dalaga ang pang-ibabang labi, walang maisip na dahilan.

"I'm just kidding." Bawi nito. "Tell me, Ysabela. May boyfriend ka na ba?"

Alanganing siyang ngumiti. "Ah...eh."

"Suitors?"

Naisip niya si Estong pero hindi na iyon counted. Ni hindi nga ito naka-first base sa kanya dahil binasted niya agad.

"Don't tell me walang lalaking nagkakagusto sa'yo? Ang hirap paniwalaan na walang nagkaka-interes sa'yo sa ganda mong 'yan." manghang wika nito.

Pilit itinago ni Esang ang tensyong lumukob sa kanya dulot ng papuring iyon ng lalaki. "Hindi ko rin alam, eh. Hindi yata umuubra ang mga lalaki sa akin." Sinundan niya iyon ng pagak na tawa.

Sukat sa sinabi niya ay namilog ang mga mata ni David, hindi makapaniwala. "Oh my, you mean T-bird ka? Hindi obvious, ha."

Siya, tomboy? Aba, somosobra na ang mokong na ito, ah! Hindi naman excuse ng pagmamagandang-loob nito ang husgahan siya, pagkamalang prosti noong nakaraan at ngayon nama'y tibo.

David of New York Meets Esang ng TondoWhere stories live. Discover now