CHAPTER II

7K 148 0
                                                  

ALAM niya kung gaanong minahal ni Fiona si Rill. Masakit dito na malaman ang katotohanang iyon tungkol sa ex-boyfriend. Sukat sa suhestiyong 'resbak' niya ay lumiwanag ang mukha nito.

Maang na napatitig siya rito. "Hep, hep! Huwag mong sabihing seseryosohin mo ang resbak na sinasabi ko? Nagbibiro lang ako."

"Ang sakit pa rin sa puso, pinsan. Parang gusto kong sumabog tuwing nakikita ko siya sa trabaho tapos deadma na lang sa akin. Mahal na mahal ko ang ugok na 'yun, eh. Minsan tuloy, naisip kong mukha siguro akong lalaki kaya niligawan niya ako noong una."

Muli siyang napapalatak ng tawa. Umasim ang mukha ni Fiona kaya muling sumeryoso si Esang.

"Ano'ng plano mo? Huwag mong sabihing sasagasaan mo si Rill, eh wala ka namang kotse. O pahahanapin mo ako ng gunman o mga halang na bituka sa Tondo para yumari sa ex-boyfriend mo. Kasalanan sa Diyos ang gagawin mo saka-sakali."

"May naiisip na ako. Pero saka ko na sasabihin kapag nakumbinsi kitang pumayag sa maliit kong plano." Lumabi si Fiona saka makahulugang tumingin sa kanya. Kinabahan siyang bigla. Mukhang gusot ang papasukin niya. Ano ba itong iniisip ng pinsan niya?

Inuntag nito ang pansamantalang pagliwaliw ng utak niya.

"Huwag ka nang mag-isip d'yan. Tara na at ipapa-rebond kita nang bonggang bongga. Ako naman, gagayahin ko ang hairstyle ni Madam Claudia. Pakiramdam ko kasi nasa bawat hibla ng buhok ko ang mga memories ni Rill."

"Hay naku, kung Madam Claudia ang peg mo, pihadong si Amor Powers si Rill. Kabog na kabog ka pa rin ng dating dyowa mo."

"Heh! Lalo mo pang pinasasama ang loob ko, eh."

Gumayak na si Fiona. Naiiling naman siyang nakamata rito habang nag-aayos. Saka na niya po-problemahin kung anumang evil plot ang naglalaro sa utak ng pinsan. Kaya nga hindi siya nagbo-boyfriend, eh. Mahirap pagkatiwalaan ang mga lalaki ngayon.

Ang malala, mahirap na ring kilatisin ang tunay na lalaki ngayon!

Sumagi sa isip niya ang nag-iisang lalaking nagsilbing prince charming ng kabataan niya. Matapos ang halos siyam na taon, kumusta na kaya ito ngayon?

Ang engot na si David Ferrer.

Paminsan-minsan kasi ay naalala pa niya ito. Ewan ba niya na sa kabila nang maigsing pagkakakilala nila at mahabang taong lumipas, laman pa rin ito ng isip niya. Isa pa yata siya sa libo-libong hopeless romantic sa mundo na umaasa sa 'fairy tale' at 'destiny'.


MATAPOS ang isang taon ng pag-stay sa New York, hindi alam ni David kung tama ang desisyon niyang bumalik pa. Umalis siya upang pansamantalang makalimot nang makipagkalas sa kanya ang ex-girlfriend na si Bernadette. Habang nasa Amerika, inabala niya ang sarili sa pagtatrabaho bilang sous chef sa isang kilalang restaurant doon.

Ngunit pakiwari niya, hindi sapat ang distansiya at bagong environment upang kalimutan ang nakaraan. Kaya heto siya, muling tutungtong ng Pilipinas para subukang harapin ang multo ng kahapon. Last week, natanggap niya ang balitang ikakasal na ang ex-girlfriend sa susunod na buwan. Galing mismo kay Bernadette and imbitasyon ngunit may pakiramdam siyang may nais ipahiwatig ang babae sa mensahe nito.

Hindi niya mawari pero may nagtulak sa kanyang umuwi at sa ikalawang pagkakataon ay makausap ito nang masinsinan. He needed to talk to her. Upang linawin ang mga bagay na malabo sa naging paghihiwalay nila noon.

Muling naglimayon ang utak ni David upang magbalik tanaw sa nakaraan. Sa dinami-dami ng babaeng nagkagusto sa kanya, tanging si Bernadette ang pumukaw sa pihikan niyang puso. Apprentice chef pa lang siya noon nang makilala ang anak ng may-ari ng Chinese restaurant na pinagtatrabahuhan niya sa Vigan.

David of New York Meets Esang ng TondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon