"Katulad ni Bernadette?"

Natawang umiling si David. "Katulad mo."

"A-ako?" Lumapit pa ang lalaki at kagyat na kinapitan siya sa braso nang kamuntikan na siyang lumubog sa tubig sa sinabi nito. Nang makabawi ang kanyang mga binti ay muli niya itong hinarap. Ga-dangkal ang pagitan ng kanilang mga mukha.

"Yes. Ikaw nga, Ysabela. In fact, tatanungin sana kita kung ano ang gusto mong kainin mamayang hapunan. Ipagluluto kita."

"Siomai at gulaman lang, solve na ako. Iyong lasa ng mga nabibili sa tabi-tabi."

Napahalakhak ang binata sa sagot niya. "Mukhang wala pa 'yan sa cookbook ko. Pero sige, dahil gusto mo, iyon ang masusunod. But on a serious note, I like your perspective in life. You're contented with simple things. You appreciate almost everything. Parang kahit mahirap ang naging buhay mo, ang gaan-gaan ng pagtrato mo sa lahat ng bagay."

"Simple lang naman kasi ang buhay namin sa Tondo. Simple ang mga pangangailangan. Kung ano ang meron, iyon ang pagtitiyagaan. Bawal magreklamo. Bawal umasam ng alam mong hindi mo makukuha."

Gaya mo. Gaya ng puso mong nakabilanggo pa rin sa nakaraan. Mahirap kasing umasa sa isang bagay na sigurado, sigurado kang hindi mapapa-sa'yo.

Ngunit nagtatalo ang utak at puso ni Ysabela. Nitong mga huling araw, laging ipinadadama ni David na espesyal siya. Bihira na ang pagkakataong napag-uusapan nila ang tungkol kay Bernadette, maliban na lamang kung siya ang mang-uurirat ng tungkol doon. Bahagi pa rin kaya ng pagpapanggap iyon?


HINDI maipaliwanag ang masayang pakiramdam kapag kasama mo ang taong ipinadadama sa'yo na mahalaga ka. Hindi na importante kung bahagi iyon ng special task nila pero pakiwari ni Esang, komportable na sila sa isa't isa ni David. Hindi na nga nababanggit ng binata ang ex-girlfriend na hinahabol nito. Sa tuwing magkasama sila, ipinadadama nito na siya ang focus nito.

Totoong-totoo ang concern at pag-aalaga na ginagawa sa kanya ng binata. Pakiwari niya ay sasabog siya sa saya sa kilig na hatid niyon sa kanya.

Malimit ang naging pamamasyal nila sa magagandang tourist spots sa Ilocos Sur sa mga huling nalalabing araw. Kasama na roon ang food trips nila, joy rides at pagkuha ng larawan ng mga lugar na napupuntahan nila. They were really acting like a loved-up couple. Walang malinaw na usapan kung ano ang estado ng relasyon nila pero kontento na si Esang sa ganoon.

"You know what, Ysabela? I grew up near this place pero ngayon ko lang na-enjoy nang husto ang lugar na ito." Magdadapit-hapon na nang magkasama nilang pinuntahan ang windmills sa Bangui, Ilocos Norte. Tatlong oras na byahe iyon mula sa Vigan.

"Ang gaganda nila, David. Nakakatuwang tingnan ang mga windmills kasi parang hindi sila napapagod. Patuloy sa pag-ikot, walang pakialam sa paligid nila basta nariyan lang ang hangin na magpapagalaw sa kanila. Sana gan'yan ang buhay." Wala sa sariling turan niya, nakapako ang mga mata ng dalaga sa mga 'higanteng bentilador'.

Sumulyap si David sa kanya. Hinigit nito ang hininga saka ibinalik ang mga mata sa magandang view. "Yeah, life might have fucked us up a couple of times but look at us, we are standing strong and tall. Gaya ng mga higanteng bentilador na 'yan. Thank you, Ysabela."

"Para saan naman? Ako ang may utang sa'yo, remember?"

Not long before David held both her hands. Humarap ito sa kanya. "Salamat kasi hindi mo ipinagdamot sa akin ang sandaling ito. A few days ago, I was itching to go back to this place to find out something for myself. Pero ngayon..."

"David..."

Tumikhim ang lalaki. Si Esang ay halos maduling sa pagkakalapit ng kanilang mga mukha. "Ito naman ang mahalaga sa ngayon, hindi ba? Hindi man natin masabi ang mga nasa puso natin but for now it is what matters to me. You and I and the windmills. Nothing else. No one else."

David of New York Meets Esang ng TondoWhere stories live. Discover now