"Wake up, Ysabela. We're here." Mahinang yugyog niya sa dalaga. Naalimpungatang nagmulat ang dalaga saka dagling inayos ang sarili. Inalalayan niya ito pagbaba ng sasakyan dahil halatang pagod na pagod ang babae dahil naudlot ang tulog nito. Ang mga dalang gamit ay inihabilin na lang niya kay Mang Noli na siya ring sumalubong sa kanila.

"Good evening, Mang Noli. Ang mama ho?"

"Magandang gabi rin naman. Nasa loob ho si Mam Nora, ser. Magugulat 'yun kapag nakita kang narito ngayon. Walang nagsabing uuwi ka ng Pilipinas." Palipat-lipat ang tingin ng katiwala sa kanila ni Ysabela.

Nahinuha ni David na sinisino ng katiwala ang babaeng kasama niya kaya nagkusa na siyang i-introduce ito. "Siyanga pala, Mang Noli, siya si Ysabela, girlfriend ko." Aniya saka kinabig ang dalagang kinakabahang ngumiti.

"Magandang gabi ho, Mang Noli."

Nagliwanag ang mukha ng matanda. "Girlfriend ka ni Ser David? Aba ay tayo na at nang makaliskisan ka na ni Mam Nora. Siguradong matutuwa iyon kapag nalamang may girlfriend na ulit itong si ser."

Nagpatiuna na ito. Naiwan naman silang dalawa ni Ysabela. Humigpit ang kapit nito sa braso niya nang yayain ito papasok. Natatawa si David sa pagka-tensyonada ng dalaga pero pinawi niya iyon sa pamamagitan ng pag-akbay dito. Ewan ba niya ngunit pakiramdam niya ay tama ang lahat ng iyon. May bahagi ng puso niya ang sobrang fascinated sa fake girlfriend niya.


"IKAW talaga, David. You always surprise me. Hindi mo sinabing uuwi ka. I'm glad na kasama mo rin itong si Ysabela. You really have an exquisite taste dahil napakanda nitong kasintahan mo. Napakabait pang bata." Magiliw na komento ng ginang nang sabay-sabay na sila tatlong dumulog sa hapag-kainan.

Masasarap ang mga pagkaing nakahain pero tila nawala ang lahat ng gana ni Esang. Nine-nerbyos siya sa presensya ng ina ni David.

Maganda pa rin ang ginang sa kabila ng edad nito. She exuded this classic beauty in her. Iyong gandang hindi lumilipas. Tulad ng sinabi ni David, mabait at natural itong magiliw. Wala ring kaso rito nang ikwento niya ang tungkol sa buhay niya at ng pamilya niya sa Tondo.

The classy, old lady did not mind at all. Bihirang katangian iyon ng mga taong nakaririwasa sa buhay. Ang ikinababahala lang niya ay paanong sasagutin ang ilang kasinungalingang sinaulo pa niya.

"Pasensya na kayo, ma. Biglaan ho ang uwi ko. Hindi ho kasi ako makapaghintay na makita uli itong si Ysabela matapos naming magtagpo at magkagustuhan sa New York."

Tumingin sa kanya si Nora. "So, Ysabela. Since you mentioned you live in Tondo, how do you two met in New York?"

Itinigil ng dalaga ang pagsubo. Alanganing lumingon kay David saka tumikhim. Presence of mind, girl.

"N-nanalo ho kasi ako ng promo sa isang contest na sinalihan ko. Trip to New York ho ang premyo. Nagtagpo ho kami ni David sa restaurant na pinagtatrabahuhan niya nang ikalawang araw ng pamamasyal ko. Nagkapalagayang-loob kami hanggang sa loob ng isang linggo, nabuo ang relasyon namin." Nagawa niyang i-detalye ang bagay na iyon.

Bravo, Esang! Bravo!

"We had fun in New York. I thought we both complement each other. Marami kaming bagay na napagkakasunduan kaya naging mabilis ang lahat. Util we found ourselves falling for each other. Nang matapos ang bakasyon niya, sa Skype at Facebook na lang namin itinuloy ang communication namin. You know, to keep things together. Mahirap ho ang long-distance relationship." Mahabang paliwanag ng binata.

Poised na sumubo ng fish fillet ang matanda. "Well, hindi naman mahalaga kung matagal o maigsing panahon ang pundasyon ng relasyon n'yo. What matters most is the love you have for each other. I'm so happy for both of you. Nakikita kong mahal na mahal ninyo ang isa't isa." Naligayahang pahayag ng matanda.

"Maraming salamat ho." Nakangiting tugon ni Esang. Bahagya siyang umibot nang kunin ni David ang isang kamay niya at halikan iyon. Parang nagbara yata ang kapiraso ng fish fillet sa lalamunan niya sa ginawang iyon ng lalaki.

"I'm so lucky na nakilala ko si Ysabela. She really makes me happy. Right, love?" He glowered at her.

Bakit ganoon? Parang totoo sa pakiramdam ang pagkukunwari nilang lahat? Nangiming tumango ng pagsang-ayon ang dalaga.

"Oh, I see it in your eyes, hijo. Ngayon na lang ulit kita nakitang ngumingiti nang ganiyan katamis. Might it be because I'm hearing wedding bells?"

Kapwa sila naubo ni David. Alerto namang sinalinan niya ng tubig ang lalaki at hinagod-hagod ang likod nito.

"Don't you think it's too fast, mama? I and Ysabela are not headed out to that point yet. Ini-enjoy muna namin ang company ng isa't isa." Amused na sabi ng binata matapos makainom ng tubig.

Nabahiran ng lungkot ang mukha ng magandang ginang.

"I'm not getting any younger, son. Wala na ang papa mo. This house seems so empty ever since you've gone to New York. Ngayong masaya naman kayo nitong si Ysabela, gusto ko sanang lumagay na kayo sa tahimik as soon as possible. You know I've been toying the idea of having grand kids around. Right, Ysabela?"

Si Esang naman ang halos kamuntikan nang mabulunan sa ideyang iyon. Humihingi ng saklolo na tiningnan niya si David. Nakatitig na pala ito sa kanya, matamis ang mga ngiti.

Natutuwa ba itong nagigisa siya ng mama nito? O nag-a-assume siya ng mali dahil mukhang napaka-genuine ng ekspresyon ng mukha ni David? Sa ilang araw na nagkasama sila, ngayon lamang niya nakita ang pagka-genuine ng mga ngiti nito. Walang halong pagpapanggap.

Him fonding at her like this was something she did not prepare her heart for. Sumandaling nagsalubong ang mga mata nila, pansamantalang na-lock na tila ba walang ibang nakapaligid sa kanila.

Si David lang at siya.

Kapwa lamang silang nagbalik sa reyalidad nang tumikhim ang matanda. "Oh, love birds. Hindi maitatangging in-love kayo sa isa't isa. O siya, kung ayaw n'yo pa'ng pag-usapan ang pag-aasawa, tapusin na natin ang pagkain at gusto kong makausap pa kayo nang masinsinan. Especially this gorgeous lady here...Ysabela."

Nahihiyang binawi ni Esang ang mga mata sa pagkatulala kay David. Biglang naging awkward ang ambiance sa pagitan nila ng binata. Upang mawaglit sa isip ang epekto ng nangyari, ipinokus na lang niya ang atensyon sa pagkain. Saka lang talaga siya nakadama ng gutom matapos ang question and answer portion.


MAALINSANGAN ang gabing iyon kaya naisipan ni Esang ang mag-shower bago matulog. Hindi sapat ang aircon para pawiin ang pagkabanas na nadarama. Pakiwari niya ay nanggigitata din siya dulot ng mahabang byahe. Magkatabi ang silid na inokupahan nila ni David.

Pagkatapos ng kwentuhan nila sa ibaba kanina ay nauna nang pumanhik para magpahinga ang binata. Pagod marahil sa mahabang oras ng pagmamaneho. Matapos kunin sa travelling bag ang pantulog na isusuot, naghanda na ang dalaga para pumasok sa banyo.

"Nasaan ang banyo?" usal niya sa sarili. Palinga-linga siya sa silid. Nang makita ang nag-iisang pinto ay dumerecho siya roon. Maingat niyang binuksan ang seradura hanggang tumambad ang malaking banyo na mas malawak pa yata sa bahay nila sa Tondo. Maraming pasikot-sikot at para siyang maliligaw. May isa pang pinto siyang nakita sa loob.

Para saan iyon?

Nagkibit-balikat siya saka agad na tinungo ang malaking bath tub sa pinakadulo. Na-excite na isinampay niya ang mga undies sa tubo kung saan naka-hang ang shower curtain na nakatabing rito.

"Ay, ang bongga." Parang batang iwinasiwas niya ang kamay sa pag-agos ng tubig mula sa built in temperature control mechanism nito. Mataman siyang naghintay hanggang sa mapuno iyon. 

David of New York Meets Esang ng TondoWhere stories live. Discover now