"Kapag walang boyfriend, tibo agad? Hindi ba pwedeng priority ko lang ang pamilya ko? Over ka na, David."

"Oh, I'm sorry at nagkamali na naman ako ng akala. Well, that's the other thing I like about you. Family-oriented ka. Nakikita kong mahal na mahal mo ang pamilya mo kasi priority mo sila lagi."

Nangiti si Esang saka saglit na tumanaw sa tanawin sa labas. Kapagkuwan ay muling itinuon sa harap ang paningin.

"Maiba ako, hindi ba pamilya rin ang rason kaya kayo naghiwalay ng ex-girlfriend mo? Mas pinili niyang sundin ang pamilya n'ya?"

Nabanggit sa kanya ni David ang rason ng hiwalayan nito at ni Bernadette pero parang gustong magsisi ng dalaga sa hindi sinasadyang pag-ungkat sa bagay na iyon. Humulma ang panga ng lalaki sa pagkuyom ng bagang nito dahil sa sensitibong usapin. Humigpit ang hawak nito sa manibela saka marahas na nagbuga ng hangin.

"I'm sorry." Tanging nasambit niya.

David drew a deep breath then threw her a reassuring smile. "No, it's fine. Totoo naman ang sinabi mo. Teka, nagugutom ka na ba? Pwedeng mag-stop over muna tayo para kumain?"

Sumang-ayon si Esang. Kanina pa nangungutoy ang tiyan niya. Nahihiya naman siyang ilabas ang baon niyang nilagang itlog at tira-tirang barkilyos na isinupot niya. Humimpil ang sasakyan nila sa isang fastfood at convenience store sa gilid ng highway. Bahaging Pampanga na sila.

Parang walang nangyaring nanumbalik naman ang sigla ni David habang magkasama silang kumakain. Todo asiste ito sa kanya. Naroong ikuha nito ang lahat ng kailangan niya: tissue, tubig, toothpick.

Parang malulunod siya sa tuwa dahil sa pag-aasikaso nito. Buong buhay ni Esang, kargo na niya ang sarili. Sanay siyang pinagtatrabahuhan ang lahat ng bagay. Sanay siyang tinatratong maton. Namulat siya sa pamumuhay na siya si Esang ng Tondo. Independent. Street thug kung kinakailangan.

Pero sa pagkakataong nagagawa pinagsisilbihan siya ng binata, bago sa kanya ang pakiramdam na iyon. For that particular moment, she felt like she was a...princess. He made her feel like a princess.

Dahil doon, mas sumisidhi ang nararamdaman niyang paghanga rito. Iyong nag-iibayo na ang nararamdaman niyang kilig. Ngunit alam niyang hindi siya pwedeng umasa.

Gaya nang laging bilin ng mama niya.

Gaya ng paulit-ulit niyang isinaksak sa utak nang tanggapin ang misyong ito.

Dahil trabaho lang ang lahat ng ito. Kinomisyon siya ni David na magpanggap na girlfriend nito sa loob ng dalawang linggo. May kabayaran iyon. Pera, hindi puso. Kung pwede lang sanang pairalin ang puso, pero...

Walang fairy tale. Hindi happy-ever-after ang laging kahahantungan ng lahat ng bagay.

PANAY ang sulyap ni David sa himbing na si Ysabela. Papasok na sila ng Vigan pero hindi na niya tinangkang gisingin ito. Tutal naman ay may ilang minuto pa bago sila makapasok sa coastal barangay ng San Pedro kung saan siya lumaki at nagkaisip.

Malapit lang din doon ang bahay ng pamilya Ongpauco. Sumagi tuloy sa isip niya ang magiging reaksyon ni Bernadette sakaling malaman nito na nagbalik siya.

Sa dami ng stop-over nila para kumain at gumamit ng banyo, mag-aalas-siyete na nang sapitin nila ang malaking ancestral house ng mga Ferrer. Isa sa pinakamalaking angkan sa Vigan ang pamilya nila. Pamoso rin ito sa mga naging achievements sa larangan ng medisina at food and wellness business. Sa katunayan, ang lolo niya ang founder ng pinakamatandang pagawaan ng empanada sa buong Ilocos Sur. Naabutan pa niya iyon bago naisara dahil wala sa mga anak nito ang nais magmana ng negosyong iyon. Kabilang na ang kanyang namayapang ama na pinili ang maging doctor gaya ng kanyang lola.

David of New York Meets Esang ng TondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon