Council Meeting

Magsimula sa umpisa
                                    

"Kung sa tao pa, masyadong sopistikado ang galaw ng pusang to." sabi ko.

"Ibig mong sabihin sosyal ang pusang yan? Nagha-high heels ba yan? Nagpapatawa ka ba Azure?" sabi ni Arzen. Agad ko syang tinapunan ng tsinelas.

"What?!" maang maangan niya.

"Buti pa tumigil ka na Arzen baka masapak pa kita ng di oras." banta ni Zap. Pinaikot naman ni Arzen ang mata niya.

"Oo na." at umaktong zinipiran ang bibig.

"Tapos ano Azure?" tanong ni Zap. Just as i was about to open my mouth to answer Zap ng biglang may kumatok sa pinto.

Nagtaka naman kaming tatlo. Binuksan ito ni Arzen since sya naman ang pinakamalapit sa pinto. Bumungad nga samin si Razor.

Ano kayang kailangan niya dito?

Nagkatinginan kami ni Zap.

"Ano nanamang kailangan mo Razor?" tanong ni Arzen.

"Council Meeting." sabi niya.

"Oo alam na namin ang tungkol dyan. Bukas pa yun diba?" sabi ni Zap at lumapit sa pinto. Ako naman ay pasimpleng itinago si Maple, natatabunan kasi sya ni Arzen kaya sigurado akong hindi niya nakita ang pusa.

"Nagkakamali kayo. Ngayon na yun." nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Ba't minadali? Ano bang nangyayari sa Council?

"Sumunod na kayo." sabi pa niya at umalis na. Nagtatakang nagkatinginan naman kaming tatlo. Di man namin alam ang totoong agenda ni Mr. White pero napagkasunduan pa rin naming pumunta na.

"Nakakapagtaka to." saad ni Zap habang naglalakad kami papunta sa meeting hall.

"Talaga." sabi ni Arzen na pawang nahulog sa malalim na isipin.

Ano kayang dahilan ng Council? bakit sila nagpatawag ng daliang meeting?

Nang makarating kami sa Meeting Hall na nagimbal kami sa nakita namin.

"Anong-?!" gulat na sabi ni Zap.

"Bakit nandito sila?!" di naman makapaniwalang sabi ni Arzen habang ako naman ay nananatiling nanlalaki ang mata.

Anong ginagawa ng lahat ng Council Members dito? Mula intels hanggang sa board members?!! Gaano ba kalaking problema ang kinakaharap ng Council para tipunin lahat ng miyembro?

"Ano ba talagang nangyayari?" bulong samin ni Arzen. Napailing nalang kaming dalawa ni Zap. Miski kami kasi ay walang ideya sa nangyayari. Ito palang kasi ang unang beses na nagkatagpo tagpo lahat ng miyembro ng Council.

"Umupo na muna tayo." sabi ni Zap. Tinanguan nalang namin siya at sumunod sa kanya patungo sa pinakalikod na pwesto kung saan nakita naming nakaupo na dun si Razor.

Tinanguan lang siya nila Zap at Arzen saka kami umupo. Nilibot ko naman ang tingin ko sa kabuuan ng Meeting Hall, para lang kasing teatro ang itsura nito. Sa harap ay may Stage at podium, dyan pupwesto mamaya si Mr. White. Ang mga dingding naman ay Sound proof para maiwasan na may makarinig sa labas kahit na nasa ilalim ng eskwelahan ang meeting hall. Oo, nasa ilalim nga pati ang iba pang mga network of connections ng Council sa labas ay dito sa ilalim nakabase.

Tahimik lang kaming naghihintay ng biglang may dumating. Si Ley na mukhang nagtataka rin sa kung bakit tinipon kami dito. Sa pagkakaalam ko kasi mga 1/4 ng population ng eskwelahan ay kasapi ng Council kaya nakakapagtaka talagang titipunin kami, masyado iyong marami.

Tumabi sya kay Arzen so bale ganito ang ayos ng pagkakaupo namin:

Ley-Arzen-Ako-Zap-Razor

Nasa may bandang likod kami, yung madilim na parte.

Lost Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon