"Mabuti nga sa inyo! Akala niyo siguro hindi namin alam na kanina niyo pa kami sinusundan, magdamag kayo diyan!" sabay tawa ni Mhaika.

"Palabasin mo kami dito Mhaika! Mananagot ka sa'min." sigaw ko.

Tumawa sila ng malakas.

"Pasalamat kayo hindi 'yan kulungan ng baboy, dapat sa inyo sa kulungan ng baboy! Pwe! Mga inahing baboy!" sigaw pa ni Mhaika.

"Bye, Oink-oink." Sabi ng kasama nitong babae. Sabay tawanan nila ng malakas.

Mga yabag ng paa nila ang naririnig namin habang papalayo sila, alas otso ng gabi pinapatay ang mga ilaw sa loob ng school. Ang tanging bukas lang na ilaw ay yung nasa unahan at labas.

"Tawagin natin si Ella Marie, sabihin mong na kulong tayo dito sa loob ng Library." Ani Annaliza.

Umupo ako at sumandal sa dingding. "Kanina pa lowbat cellphone ko, ubos na rin ang laman ng power bank ko. Ikaw na piggy besh."

"Lowbat na rin besh, paano na tayo?" nanlulumong sabi ni Annaliza.

Sa halip na sagutin ko siya, napasigaw ako dahil sa biglang pagpatay ng ilaw at aircon.

"Piggy Besh, baka mamatay tayo dito, walang hanging pumapasok dito." Ani Annaliza.

Muli akong tumayo. "Sirain nating dalawa ang lock ng pintuan."

"Paano? Access Card ang gamit diyan para magbukas at siguradong naka-double lock na ito."

"Tulong! Tulungan niyo kami! Sigaw ko habang pinupokpok ko ang pintuan. Tumulong din sa'kin si Annaliza, ngunit sumakit na ang kamay namin wala pa rin nakarinig ng hinihingi naming tulong, tuluyan na kaming pinanghinaan ng loob. Kusang tumulo ang mga luha naming dalawa.

"Naging masama ba tayong estudyante para pag-initan tayo ng mga tao dito, piggy?" malungkot na tanong ni Annaliza. Kitang-kita ko ang lungkot sa mukha niya, damang-dama ko ang mga hinanaing niya.

Lumapit ako sa kanya at inakbyan ko siya, pilit akong ngumiti para ka Annaliza. Nakakaramdam ako ng takot ngunit hindi ko 'yon pinapahalata dahil ayokong panghinaan din ng loob si Annaliza. "May mga tao talagang mahilig maghusga ng kapwa nila, hindi nila iniisip na nakakasakit na sila."

"Magda-diet na talaga ako bukas, piggy."

Tumingin ako sa kanya. "Hindi mo kailangan baguhin kung sino ka para lang mahalin O gustuhin ka ng ibang tao, hayaan mo'ng tanggapin ka nila tulad ng pagtanggap mo sa sarili mo."

Tumingin siya sa'kin. "Paano mo nagagawang mag-isip ng ganyan Loren?"

"Mas masakit kasing pilitin ang sarili para lang magustuhan ka ng iba."

"Inaantok ka na ba?" tanong niya.

"Hindi, ang lamok kasi tapos ang init na." sagot ko.

"Sana may Shawn din tayo na magliligtas sa'tin."

"Akala ko ba kayo ni Hairu?" biro ko kay Annaliza.

Ngumiti siya sa'kin. "Hindi pa ako sinasagot, ayaw siguro ng matabang girlfriend. Eh, ikaw?"

"Si John Patrick, ayun close lang kami kapag kasama niya si Shawn, nakikisama lang siguro sila sa'tin dahil girlfriend ng kaibigan nila si Ella Marie."

"Piggy besh, baka tayong dalawa ang forever na magkasama, tatanda tayong dalawa sa home for the agent."

Tumawa ako. "Saklap naman no'n."

Habang nag-uusap kaming dalawa ni Annaliza, nakarinig kami ng mga yabag ng paa mula sa labas. Imbes na sumigaw kami para humingi ng tulong. Nanahimik kaming dalawa, alas-nueve na ng gabi kaya naman siguradong wala ng ibang tao sa loob ng university kung hindi kami lang, O  kaya magnanakaw or multo, pawisan kaming dalawa habang nanginginig kami sa takot ni Annaliza, pakiramdam ko papanawan na ako ng ulirat. Ilang saglit pa biglang nawala ang mga yabag ng paa.

"N-natatakot ako Loren, ayoko na dito." Aniya. Habang tumutulo ang luha niya.

"Wag kang matakot nandito lang ako." Sabi ko sa kanila.

"Loren! Annaliza!"

Nagkatinginan kaming dalawa ni Annaliza. " Boses 'yon ni John Patrick at Hairu 'yon di ba?"

"Loren! Annaliza!"

Tumayo kaming dalawa at kinalampag namin ang pintuan. "Tulong! Tulong!" sigaw ni Annaliza.

"Nandito kami! Tulungan niyo kami! Tulong!"

"Loren, Annaliza!" narinig naming sabi nila, nasa likod na sila ng pintuan.

"Buksan niyo ang pintuan nasa loob kami ng Library John Patrick." Sabi ko,

"Manong Buksan niyo ang pintuan." Ani Hairu.

"Pasensya na po, hindi ko alam na may tao pa sa loob ng library." Sagot ng matandang lalaki. Marahil ito ang security guard ng school.

Nabuhayan kaming dalawa ng pag-asa ni Annaliza, labis ang tuwa naming dalawa. Ang buong akala namin, walang maghahanap sa'ming dalawa ni Annaliza. Pagbukas pa lang ng pintuan tumapad sa'min si John Patrick at Duke Hairu. Napaluha ako ng makita ko sa mukha ni John Patrick ang pag-aalala.

"John Patrick—" tipid akong ngumiti sa kanya.

Nagulat na lang ako ng bigla niya akong kabigin at yakapin ng mahigpit.

"Thanks God  I found you, Kanina pa ako nag-aalala sa'yo, bakit hindi ka nagte-text sa'kin?"

Kusang tumulo ang luha ko at ang mga kamay ko ay kusang tumugon ng yakap sa kanya. Ngayon ko lang nailabas ang kaninang takot ko. "A-akala ko walang maghahanap sa'min para iligtas kami."

"Mula pa kanina hinahanap na kita, wag kang mag-alala safe ka na."

"Thank you!"

Nilingon ko si Annnaliza at Hairu, napangiti ako dahil tulad naming dalawa ni John Patrick magkayakap din silang dalawa.

"Let's go umuwi na tayo, ihahatid na namin kayo sa bahay niyo." Ani John Patrick.

Tumango ako sa kanya, pabilis naman nang pabilis ang tibok ng puso ko, habang magkahawak ang kamay naming dalawa ni John Patrick habang naglalakad kami palabas ng School. Gusto ko sanang magtanong kung ano ba ako sa kaniya, ngunit natatalo ako ng hiya. Pagdating namin sa car park sumakay ako sa kotse ni John Patrick, samantalang si Annaliza naman ay sa kotse ni Hairu sumakay. Tahimik lang ako habang nasa loob ng kotse niya, sinadya pa'ng lakasan ni John Patrick ang aircon ng kotse niya.

"Ano ba ang nangyari kanina? Bakit kayo nakulong sa library?" basag ni John Patrick sa katahimikan.

"Narinig kasi naming pinag-uusapan ni Mhaika si Ella Marie, sinundan namin sila hanggang library. Nilinlang nila kami dahil sinadya nila kaming makulong doon."

"Ang sama talaga ng babaing 'yon, pagbabayaran nila ang ginawa nila sa inyo!"

"Hayaan mo na, baka pag-initan lang nila kami sa school."

"Hindi ako makakapayag na muli nilang gawin 'yan sa inyo lalo na sa'yo."

Tinitigan ko siya. "Bakit naman?"

Bigla siyang nagpreno. "Dahil malapit na kitang sagutin, at malapit na kitang maging girlfriend." He wink.

Sandaling huminto ang pag-ikot ng mundo ko sa sinabi niya. Bumilis ang tibok ng puso ko, pero teka lang! Ako ang sasagutin niya?

Hinampas ko ang. Balikat niya, bawasan mo nga kayabangan mo!" nakataas pa ang kilay ko.

Tumawa siya ng malakas, bumagay naman sa'kin dahil gwapo ako at mahal mo ako, kaya bagay lang sa'kin ang magyabang."

"Tse! Conceited." Sabay irap ko sa kanya.

"Yes I am, magkagusto ba naman sa'yo ang pinakamagandang babae sa school hindi ka magyayabang." Ngumiti pa siya sa'kin.

Nawala ang mga ngiti ko sa labi ko, "Ah, gano'n ba? Sino naman 'yon?"

"Ha-ha-ha! Gusto mo ba'ng magpakilala sa sarili mo?"

"Ako?"

Tumango siya sa'kin. Tapos nakangiting inilapit ang mukha niya sa mukha ko. "Ang ganda mo talaga, can I kiss you?"

Parang may sumabog na fireworks sa langit ng sabihin niya 'yon, speechless ako, ano ba ang dapat kong sabihin. Shoul I say Yes? Or pabebe pa ako?

"Oh, my pignesh! Oxygen please!"




MY PIGGYBANK GIRLFRIEND BOOK 1Where stories live. Discover now