Bumaba kaming apat ng bangka. Muli ay nakaapak ako sa impyernong 'to, madilim, maraming mga patay at nakakatakot ngunit hindi na ako matatakot pa dito.

"Bakit andilim?" Natatakot na saad ni Angel.

"Later you'll see our castle" sabi ni Hades sa takot na bata.

Hinawakan ni Hades ang kamay ko habang sa kabila naman ay hawak ko ang kamay ni Sheol. Si Hades naman ang may hawak kay Angel habang naglalakad kami papuntang impyerno. "Don't be afraid you're safe with me" sabi n'ya sa'ming lahat.

Yeah, my heart just feels so safe with him.

"Ito na 'yong impyerno" sabi ni Sheol nang makarating kami sa tapat ng malaking gate. Maya't-maya pa ay umalingawngaw na ang nakakarinding ingay nito nang kusa itong bumukas.

"Wooooah" hindi mapigilang mamangha ni Angel.

Hindi mga patay, iyakan at init ng apoy ang sumalubong sa'min kundi ang halimuyak ng mga bulaklak at nagliliparang paruparo.

Agad na tumakbo si Angel papasok at nilibot ang paningin n'ya sa buong lugar "Ang ganda po rito Ama, Ina! Sobrang ganda!" Manghang saad ng bata.

"This will be your home, our sanctuary, our kingdom. This is hell." Said Hades.

"H-hell?"

"Hindi ko inaakalang ganito pala ang mukha ng impyerno" nagtatakang wika ni Sheol habang nagmamasid sa paligid.

He's right. This is not the real image of hell.

"Welcome back Hell Royalties. It's good to see you again here!" Salubong samin ni Antheia na kasama si Sterope.

"Maligayang pagdating mahal na hari't reyna" bati naman ni Sterope.

Ugh, oo nga pala si Antheia ang naiwan sa lugar na'to kaya naging ganito na ang itsura.

"Isn't it great? This is heavenly hell, ang ganda na ng paligid!" Aniya.

Sabay kaming naglakad papasok para pumunta sa itim na kastilyo sa pusod nitong impyerno. Kasabay ng paglalakad namin ay ang unti-unting pagkawala ng mga bulaklak, paruparo at magagandang kulay sa paligid, lahat ay napapalitan na ng itim ,ang tunay na imahe ng impyerno.

"Ina bakit po nawawala ang mga bulaklak? Nakakatakot." Ani Angel na nagtataka sa mga pangyayari.

"It's fine Angel. Wag kang matakot." Sabi ko at hinawakan ang kamay n'ya.

Maya't maya pa ay nakarating na kami sa kastilyo. Gawa ito sa mga diyamanteng kumikinang-kinang, wala itong ibang kulay kundi pilak at itim lang.

Sa taas na bahagi nito nakahimlay ang trono naman ng demonyong si Hades.

"Galing dito si Demeter at hinahanap ka lang naman n'ya" bulalas ni Anthea sakin.

"Anong sinabi mo?"

"Wala"

"Wala?"

"Oo wala, you're with your husband of course! Ano paba ang ipapaliwanag ko sa kan'ya?" Pangangatwiran nito.

Umupo kaming pareho ni Hades sa trono.

"Umalis kana" sabi ko kay Antheia.

"Ano?" Natatawang tanong nito.

"Umalis kana Antheia. May malaking kasalanan kang nagawa sa impyernong 'to nong wala kami at sakin bilang kaibigan mo." Paliwanag ko sa walang hiya n'yang mukha.

"Anong pinagsasabi mo Proserpine?! Ako ang nangalaga sa impyernong 'to nong wala kayo! Tapos paaalisin mo lang ako ng ganito?! LAPASTANGAN KA!" Sigaw nito sakin.

"Lapastangan? Ang lakas ng loob mong tawagin akong lapastangan sa sarili kong kaharian Antheia!"

Tinignan ko ang mga batang nakatingin lang sa'min na nagpapalitan ng mga salita "Sterope, bigyan mo ng silid ang mga bata. Ipasyal mo sila sa kaharian." Utos ko.

"Opo mahal na Reyna"

"At nagdala ka pa ng mga mortal sa lugar na'to?" Panghahamon pa nito sa'kin.

"Bakit naman hindi? Sa'kin ang kaharian na'to. Ako ang reyna dito."

"Tignan natin Proserpine" sabi nito at ngumiti pa.

Nagkibit-balikat nalang ako at tinignan ang demonyo kong asawang nakatingin lang sa'min na parang walang pake. Tss, what do I expect?

"Tignan natin kung anong mangyayari Proserpine. Kung sana tinanggap mo ang kapalaran mong maging mortal nalang, edi sana hindi na mangyayari pa ang aasahan mong mangyayari." Ani nito na may bakas na tuwa.

"Kung iyan ang ikasisiya ng halang mong kaluluwa Antheia"

"De novo" yan ang huling katagang sinabi n'ya bago s'ya mawala sa paningin ko at naghalo na parang bula sa impyernong 'to.

"Trying to be brave huh?" Agad kong tinapunan ng masamang tingin ang lalaking katabi ko sa kabilang trono.

"Just fighting for my right Hades" pagtatama ko sa kan'ya.

"You're fighting for our love my Queen" sabi pa nito at nilagok ang alak na hawak n'ya. Tss, where did he get that?

Ayan na naman siya sa love na yan.

"This is not about romance" sabi ko.

Tss, this demon. Alam kong alam n'ya kung tungkol saan ang pinag-usapan namin ni Anthea kanina.

"Then can you grant me something?" He asked out of the blue.

"What is-" and he just suddenly proscribed me from saying anything using his soft lips pressed with mine.

My heart felicitates inside as we gently moved our lips together and touch ourselves with love.

"Oh, I missed this. It's been a while." He chuckled in the middle of our passionate kisses.

We groaned as a sign of expressing love with each other. Claiming each one's body to gratify our flesh.

We're the hell royalties but believe me or not we're now touching the heavenly pieces of us. Being deeply in love with hell is heavenly wonderful.

-MariaClaraPart2

Myth 1- Hades: King Of Underworld (Completed) Where stories live. Discover now