"Hindi po. Pero, Doc... nag-aalala na po kasi talaga ko kung may sakit ba ko or what.. uhmm.."

"Okay, I can help you. I'll just ask you some questions."

"okay, Doc."

"Nasabi mong madalas ka mahilo? Bukod dun, ano pang kakaibang nararamdaman mo these days?"

"Hm, yung katulad po kanina, madalas kasi feeling ko yung mga kamay ko hindi sumusunod sakin, sa tuwing may hinahawakan po ako o dinadala, hindi ko po sila magawang hawakan ng maigi or what."

"So you're unable to hold things properly.., and i think you're experiencing involuntary movements. Madalas ka din mag-fall kapag naglalakad ka?"

"Opo!Opo!" Mygooosssh. Kinakabahan na talaga ko.

*sighs* -Doctor

"Doc, ano po bang problema? May sakit ba ko?"

"Well, I suspect you inherited Wilson's disease."

"P-po?" I'm trembling now.

"It is an autosomal recessive genetic disorder in which copper accumulates in tissues; this manifests as neurological or psychiatric symptoms and liver disease. In other words, the chromosomes abnormality causes the body to retain copper and the copper retained in the body which later affects the brain and liver. Sa state mo kasi ngayon, your mental capabilities, seems to have reacted to the disease na." 

Speechless na ko. Ayaw mag sink-in sa utak ko ng mga sinasabi ng doctor.

"I suggest you have to check-in the hospital para mas ma-obserbahan namin ang lagay mo and for the treatment also."

"Gagaling pa naman ako diba? kahit na di na ko magpa-confine??"

"Miss, if you wait much longer, mas lalala pa ang lagay mo. The paralysis of the body will just become more serious. Kapag hindi natin na-control ang patuloy na pagdami ng copper and the damage to your liver,  Liver transplant will be needed."

Liver transplant? Eh sino naman magdodonate sakin? Wala naman akong ibang kamag-anak na kundi si Tita lang din. Wala... Wala....

"You need to undergo treatment. Kaya kailangan mong magpa-confine."

Magpapa-confine ako? Ayoko.

"No, Doc. Huwag na po Di na kailangan."

Di ko na naintindihan yung mga sumunod na sinabi ni Doc.

Hindi. Hindi ito totoo. Kung totoo man ito, bakit ako pa? Bakit? Mabait naman akong tao, wala akong inaagrabyadong kapwa ko. Bakit ako pa?

Bakit?

Dali dali ko na din tinawagan si Tita about dito.

“Tita?”

“Oh, Ces? Napatawag ka! Miss na miss ka na ng Tita alam mo yun ? "

“Tita, nandito po ako sa ospital ngayon.”

"T-tita, may wilson's disease daw po ako. " patuloy ko.

Biglang tumahimik naman sa kabilang linya ...

“T-tita?” I can’t help it. Naiiyak na ko.

“Ces, listen. "

“Tita? Ano’ng kailangan kong pakinggan? Diretsuhin mo na ko, Tita. Alam kong alam niyo kung ano’ng problema.“

"Ang Mommy mo, namatay siya dahil sa sakit na iyan. Genetic ang sakit na iyan. Simula pa nung sa Lolo’t Lola mo, Ces. Hindi ko lang akalain na madali mong mamamana ang sakit na iyan sa murang edad.“ Naririnig ko ang paghikbi ni Tita sa kabilang linya.

Di ko na siya sinagot. In-end ko na yung call. Di ko alam kung anong mararamdaman ko.

Hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa din itong mangyari.

"Ces, sige iiyak mo lang iyan. Nandito lang ako, aalagaan kita. Mahal na mahal kita, alam mo iyan.” Di ko napansin, nasa tabi ko na si Karl at tinatapik-tapik na niya ko sa likod.

Karl’s Corner

"Karl?? Alam mo ba kung anong meron sakin??”

Di ko na lang siya sinagot. Pero ang totoo, alam ko na lahat-lahat. Di ko napigilang makinig sa pinag-uusapan nila ng Doctor. Nag-aalala lang talaga ko ng sobra.

“Ces, tandaan mo, nandito lang ako palagi.”

"Karl? Mapagkakatiwalaan ba kita na hindi mo sasabihin kina Eunice, Hya, Cath at maski kay Bridge ang tungkol dito at lalong-lalo na kay Evo?“

Kaya mahal ko itong babaeng ito eh, napakabuti niya kasing tao na maski sa mismong oras na ito, na buhay na niya ang nasa alanganin, mas iniisip niya pa rin kung ano’ng mararamdaman ng mga malalapit na tao sa buhay niya. Alam ko, ayaw lang niya masaktan ang damdamin ng mga taong malapit sa kanya.

“Kung iyan ang gusto mo, sige.” Kasabay ng pagsabi ko non, bigla na lang siya umiyak ng umiyak.

“Karl, salamat.”

"Pero sa isang kondisyon Ces, kailangan mo mag-stay dito sa hospital."

"Ayoko. Please... Wala na din naman mangyayari. Gusto ko lang ngayon, umuwi na."

Ilang beses ko pang pinilit si Ces na magpa-confine pero ayaw papilit. Hay. Di ko na din alam kung anong mararamdaman ko dahil alam ko sa sarili ko, mahal ko pa rin si Ces.sorry, Bridge pero it doesn't mean na hindi ko mahal si Bridge.

Hinatid ko na lang si Ces sa bahay nila.

"Ces ? Saan ka galing ? ” –Evo na halatang may pag-aalala sa mukha niya.

 Bigla na lang din niya niyakap si Ces sa sobrang pagkasabik na makita ito.

“Ah, eh… sinamahan lang ako ni Karl, kasi ano… uhm, nagresign na ko sa work.” –Ces

“Puwede ka naman sakin na lang magpasama di ba?” –Evo

”Pare, ang sabi niya kasi, tulog-mantika ka daw kanina. Osya, Una na ko Ces, Evo.“

At nag-evaporate na ko dun.

Ces’ Corner

“Selos ka na naman??” Haha ! Selos na naman ang baby ko ! Alulu >///< ...

Suddenly, kinintalan niya ko ng halik sa mga labi ko.

“Adik ka talaga!! Sumosobra ka na talaga ah!“ sabi ko sabay pinagpapalo-palo ko siya.

Ang saya ng ganito, tumatawa kami ng wagas. Nang parang walang problema. Ang saya-saya pa namin naghahabulan na parang mga bata.

Bigla kong napatigil, pinapanuod ko na lang siya ngayon na nakangiti, tumatawa.

Ngayon, napapaisip ako.

Hindi ko kaya.

Hindi ko kayang makita siyang masaktan.

Hindi ko siya kayang saktan.

Hindi ko kayang makita na mapalitan nang malungkot na ekspresyon ang mukha niya.

Hindi ko kayang makita na mahirapan at masaktan siya sa hinaharap.

Hindi ko kaya dahil sobrang mahal ko siya.

----

VOTE, FAN, COMMENT, RECOMMEND :DD ADD TO RL :DD

More importantly,

COMMENT PLEASE : )

Para malaman naming kung may bumabasa pa? :)

FOUR CORNERS OF LOVE by Princes & EuniceWhere stories live. Discover now