Napahalukipkip si Ysabela, iwas ang mata sa kaharap. "Huwag mo na akong komprontahin, please. Uuwi na ako."

"No, with your state of mind, hindi ka pwedeng umuwi nang walang kasama. Delikado sa'yo ang mag-isa sa hitsura mong 'yan." Sinuri ni David ang kabuuan niya. Bigla siyang na-conscious sa nakitang bahagyang paglilis ng suot niya sa parteng dibdib.

Namulang inayos niya iyon. "Okay lang ako. Isa pa, hindi ko naman hinihingi ang tulong mo dahil kaya ko ang sarili ko." Ilag niyang sabi rito.

Tumigas ang panga ng lalaki sa hayagan niyang pagtanggi. Pagkuwan ay muli siya nitong hinawakan sa pulsuhan saka hinila upang maglakad.

"Come on, you need to sober down. Para mawala 'yang kalasingan mo."

"Hindi ako lasing, ano ba?" marahas siyang humulagpos sa kamay nito ngunit hindi hamak na mas malakas si David. Para siyang batang karay-karay nito patungo sa direksyon ng isang 24-hour convenience store. Patuloy ang pagpumiglas niya hanggang patawid na sila papuntang 7/11.

"Stop resisting, miss. Kanina pa kita tinitingnan sa venue and you looked really bothered since you came. Then you came out of nowhere and kissed some random guy? Sino'ng hindi magsasabing hindi ka lasing? O baka naman...escort girl ka?"

Sukat doon ay antimanong umigkas ang kamay niya hanggang kumawala iyon sa higpit ng kapit ng binata. Nang magawa iyon, dinistansiya niya ang sarili saka dinuro ito.

"Hoy, Da-...mister pakialamero. Una sa lahat hindi ko hiningi ang tulong mo para lang husgahan ako gaya nang hinala mo. Pangalawa, hindi ako lasing. Isang baso lang ang nainom ko, okay? Ikatlo, hindi ko hinalikan ang lalaking iyon dahil lang gusto ko. May misyon ako at..." hindi niya itinuloy ang sasabihin.

Ipinilig niya ang ulo saka hinarap ito nang mas malapitan. Nagkamali yata siya ng desisyon. Nakapagkit ang mga mata nito sa kanya na waring hinihimay ang bawat hilatsa ng mukha niya. Naapektuhan siya roon.

Nagyuko ng ulo ang dalaga saka kalmadong hinarap ang lalaki. "Uuwi na ako kaya pwede ka nang bumalik sa loob. Thank you sa pagsalba sa akin sa loob kanina at sorry rin dahil nasigawan kita." Pagpapakumbaba niya.

Siya lang naman itong over-reactive. Kung alam lang ni David na ang presensya nito ang dahilan ng tensyonado niyang pakiramdam. Iyon lang at gumilid siya dito paharap ng kalsada habang humahagilap ng taxi. Hinalungkat niya ang cellular phone mula sa pekeng Loui Vuitton pouch at pumitad roon. Tatawagan niya si Fiona para sabihing mauuna na siya.

Ngunit bago pa man mag-ring ang numero nito at nasilayan niyang humahangos na ang pinsan sa kinaroronan nila ni David. Her cousin looked worried.

"Oh my God, kung saan-saan kita hinanap, Ysabela. Nakita ko ang nagyari sa inyo ni Mister Chua kanina. Ano, okay ka lang ba?"

Tumango siya.

"At sino naman iyang yummy hunk na naharbat mo?" pabulong na tanong nito saka sinulyapan si David na nakatayo pa rin malapit sa kanila. Mas nagulumihanan ito sa namamagitang bulungan nilang magpinsan.

Lumapit ang curious na binata. "Hi, I'm David Ferrer. Kaibigan mo ba siya? I mean si...what's your name?" he stealthily glowered at her.

Dahil lutang ang utak, si Fiona na ang umimik. "She's Ysabela, my cousin. Ako naman si Fiona, receptionist ako sa Resorts World." Pakilala ng pinsan. "Siyanga pala, magkakilala ba kayo nitong si Ysabela? Secret boyfriend ka ba niya?" walang habas na tanong ni Fiona na ikinapula ng pisngi niya. Pinadapuan niya ng pinong kurot sa tagiliran ang hitad.

Natawa si David. "No. We just met inside. She seemed really drunk kaya inilabas ko muna. Concerned lang ako sa pinsan mo."

"Hindi ako lasing! Bakit ba ang kulit mo?" angal niya.

David of New York Meets Esang ng TondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon