"Na mahal ka pa rin niya? Na wala lang siyang choice kaya ka niya kinalasan noon? Come on, David. Kung talagang mahal ka ng ex-girlfriend mo, ipaglalaban ka niya kahit buong mundo pa ang komontra sa relasyon ninyo."

Nagtiim ang mga bagang ng lalaki. May point ang pinsan. Pero sa ngayon, gusto niyang panghawakan ang katiting na pag-asang magbago pa ang lahat. O kahit makumpirmang tuluyan na ngang naglaho ang pagmamahal nito sa kanya.

Iyon naman ang dahilan kaya siya bumalik ng bansa, hindi ba? Ang makahanap ng pagkakataong makausap ito nang masinsinan. Puso sa puso. Hanggang hindi nangyayari iyon, kailangan niyang kumilos nang palihim. Her mother did not want him near Bernadette. Galit na galit ito sa ex-girlfriend niya dahil sa mga nangyari.

Hindi siya hawak ng ina sa leeg ngunit ayaw niyang bigyan ito ng sama ng loob sa balak niyang gawin. When he almost ruined his life because of Bernadette, her mother too, was distraught. Iyon ang dahilan ng paghihigpit nito sa kanya na bumalik sa kanila sa Vigan hangga't hindi pa naikakasal sa fiance nito ang dating nobya. Alam nitong maghahabol pa rin siya.

Pinukaw ni Klyv ang paglilimayon ng utak niya. "She's getting married, David. Malinaw nang hindi ikaw ang choice niya. Ano pa'ng kumpirmasyon ang hinahanap mo?"

"Kailangan lang maging malinaw ang lahat, Klyv." Pagod ang tinig na sagot niya rito. "You know me."

"Well, you have always been decisive at everything. Alam kong hinding-hindi ka na mapipigilan sa gusto mong mangyari. Pero sana isipin mo rin ang sinabi ko sa'yo kanina. Marami pang ibang babae na maglalaway na makuha ang atensyon mo. Come on, you're the hot chef, David Ferrer!"

"Iyan ang gusto ko sa'yo, eh. Suportado mo ako sa lahat ng bagay."

Napahalakhak ang pinsan. "Anyway, you are free to use the loft just in case gusto mong mag-uwi ng chicks. Siguraduhin mo lang na sa basurahan mo itatapon ang mga ginamit mong condoms at hindi sa ilalim ng kama, okay?" nambubuyong saad nito.

"Huwag mo akong igaya sa'yo, Klyv Ferrer. Pinsan kita pero hinding-hindi ko maaatim ang mga kalokohan mo."

"C'mon, it defintely runs in the blood, David. Siyanga pala, hindi ko pa rin nakakalimutan iyong pangako mong amerikana sa akin kapag dinalaw kita sa New York pagbalik mo."

Iiling-iling na itinaas ni David ang dalawang kamay. Wala na talagang pag-asang magbago ang pinsan niyang ito.

"ESANG, samahan mo na kami dito nang ganahan naman kami sa inuman. Alam mo namang bihira ang maganda rito sa barangay. Isang shot lang, babe."

Nasundan iyon ng malakas na kantyawan ng mga kasama ni Kaloy, numero unong tomador sa kanilang lugar. Hindi iyon pinansin ni Esang bagkus ay derecho siyang naglakad paliko sa kanilang eskinita. Ngunit bahagya siyang napaigtad nang mamalayan ang pagkabig sa kanyang kaliwang braso mula sa likuran. Antimanong umigkas ang kanyang kanang kamay. Dumapo iyon sa mukha ni Kaloy na nagulat sa ginawa niya.

"Pucha! Hindi porke't babae ka, hindi kita papatulan." Sapo nito ang pulang-pulang pisnging pinatamaan niya. Sumidhi ang kantyawan ng grupo nito na nakaupo sa tomahan.

Nakataas ang isang kilay na inalsahan niya ito ng boses. "Hindi porke't babae ako ay basta-basta mo na lang ako hahawakan. Ikaw ang bastos, Kaloy." Matigas na sabi niya.

Sukat doon ay lumapit ang lasing na lalaki na na-challenge sa pambubuyo ng mga kasama. Napa-atras siya.

"Pakipot ka lang naman, Esang, eh. Alam kong bibigay ka rin." Langhap niya ang alcohol sa nakakasulasok nitong hininga.

"Subukan mong lumapit at tatamaan ka sa akin." Malakas ang loob na wika niya. Palihim niyang kinapkap sa bulsa sa likod ng pantalon ang Swiss knife na lagi niyang bitbit.

David of New York Meets Esang ng TondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon