14: Hell's Unwanted Visitor

Start from the beginning
                                    

"I know he can help us."

"He can't..." Seryosong saad ni Hades at binaling ang tingin sa kabilang direksyon.

"... Demeter you need to talk with Eileithyia, it's all your fault."

Eileithyia? She's the goddess of child birth right? At bakit naman naging kasalanan ni Demeter ang lahat?

"What the hell are you talking about king of dead bodies?!" Galit na tanong ni Demeter dahil sa pag-akusa sa kan'ya ni Hades na may kasalanan ng lahat.

"Hundred years ago, after the abundance of harvest. You asked someone to turn you into mortal and kill Proserpine, and yeah you killed her, you killed my queen, your own daughter."

Agad na bumaba ang kaba ko sa tiyan dahil sa narinig ko mula kay Hades, maging sina Ares, Hermes at Ares ay nanlaki ang mata dahil sa gulat.

Fvck! Agad kaming napatingin kay Demeter na parang wala lang reaksyon sa sinabi ni Hades, my mother killed me? H-how? W-why?!

"You know about that." Nakangising wika ni Demeter.

"Yes I am because I'm Hades." Nakangisi ring saad ni Hades at binaling ang tingin kay Demeter.

There is something between the two of them, ugh! They're talking using their eyes.

"Maybe it's my fault but you started it. You abducted my daughter and bring her to this sunless place, you let her live with walking dead bodies. I will always be against with you Hades, even if all gods and goddesses will let you live together." Sabi ni Demeter na ikinangisi lang ni Hades.

That smile again, he's wearing that demonic smile again. But this demon just looked like an angel.

Tumayo si Demeter at binigyan ako ng isang napakagandang ngiti. What do I expect? She's a goddess. "If only I can, I will hug you tight my daughter."

Tama, hindi nila akong maaaring hawakan. Hindi ako maaaring hawakan ng sino mang diyosa o diyos na nakatira sa Olympus. Maging si Psyche na asawa ni Eros ay hindi maaaring hawakan ang isang diyosang naging mortal.

"Let her live in the world of life, she'll be safe there." Yan ang huling katagang binanggit ni Demeter bago s'ya tuluyang nawala sa paningin namin. Parang bulang bigla nalang naglaho. She really is a goddess.

She's my mother, so beautiful, the goddess of harvest, crops, vegetation and fertility.





"I won't let you live in that world alone, I'll go with you." ani Hades habang nakaupo sa trono n'ya at napatong ang ulo sa kanang kamay at hawak ang isang wine glass sa kaliwang kamay.

May dalang wine kanina si Hermes galing sa lupa. Tss, ang hilig n'ya masyado sa wine.

Pati rin pala ang demonyong 'to.

"Sinong maiiwan dito pag-sumama ka pa?" Tanong ko habang nakasandal ngayon sa trono ko.

Hindi raw ako uuwi sa bahay namin ni lolo sa gubat dahil totoo ngang 'yon mismo ang bundok ng Olympus. Pero isasama raw ako ni Ares sa bahay n'ya sa syodad. Hindi s'ya naninirahan sa Olympus dahil sa dami ng inaasikaso n'ya.

Si Hermes naman ay kung saan saan lang napupunta, isa s'yang kabuteng kung saan lang sumusulpot dahil s'ya ang mesahero ng mga diyos at diyosa.

"Si Sterope" sagot nito at tumikhim ng alak sa basong hawak n'ya.

"Sigurado ka bang kaya n'ya?" Tanong kong muli.

"She's been here for centuries."

"Ugh, kahit pa naman andito ka o wala, wala rin namang kapayapaang mangyayari sa lugar na'to." Bulong ko.

"I know but with your presence, there is."

Sasagot pa sana ako nang biglang dumating sina Ares at Hermes. Napalingon kami ni Hades sa kanilang dalawa, whats with the two of them?

Halatang halata ang pagdating nila dahil sa ingay "Ahahahahahaha tangna, ibang klase." walang tigil na tawa ni Ares habang papalapit sa'min.

"Are you out of mind?" Seryosong tanong ko sa nababaliw na si Ares.

Sa tingin ko hindi lang si Hermes ang gusto kong itapon sa ilog ng Styx parang gusto ko na ring isama si Hermes.

"Pfft" tinaasan ko naman ng kilay si Hermes na pinipigil ang kan'yang tawa.

Ba't natatawa ang dal'wang 'to?

"Stop laughing assholes" agad namang napatigil ang dalawa nang magsalita si Hades.

Tsss, tiklop parin pala ang dal'wang 'to pagdating sa demonyong si Hades.

"Ba't kayo natatawa?" Tanong ko.

"Si Hermes kasi may nakilala sa Facebook tapos ahahahaha" pagpapaliwanag ni Ares na hindi natapos dahil sa tawa.

"Facebook?" Kunot noo kong tanong. Ano ba 'yong facebook?

"Facebook? Aklat ng mukha? Anong nakilala n'ya d'on?"

"Pfft ahahahahahaha" agad namang humagalpak ng tawa ang dal'wa nang magtanong sa kanila si Hades. Parang wala na silang planong tumigil kahit maubusan man sila ng hininga.

T-teka? Tama naman si Hades ah, Facebook. Aklat ng mga mukha. Ba't sila natatawa.

"Pagdating n'yo sa mundo ng mga buhay malalaman n'yo ahahahaha. Mga ignorante." Natatawang saad ni Hermes na parehong ikinakunoot ng noo namin ni Hades.

Nagkatinginan kami sa isa't-isa na para bang tinatanong kung nabasa na'ba namin 'yon.

Kailaman ay hindi ko nakita ang aklat ng mukha o Facebook sa library namin.

Tungkol saan kaya yun?

-MariaClaraPart2

Myth 1- Hades: King Of Underworld (Completed) Where stories live. Discover now