12: Escape From Hell

Magsimula sa umpisa
                                    

Sabunutan kita diyan Hades e.

Tumayo naman si Ares pero bago pa s'ya sumunod kay Hades at ningitian n'ya muna ako at nagsalita "Wag kang mag-alala matututo ka'rin kung paano gamitin ang cellphone di ka na magiging ignorante, di gaya ng ib-"

"Ares" tawag ni Hades sa pangalan nito dahilan para maputol ang kan'yang sasabihin.

Kumaway nalang si Ares sa'kin at naglakad paalis para sundan si Hades. Tss, as if I'm interested with that thing.

Maya't-maya pa ay nawala na silang pareho sa paningin namin. Siguro nag-uusap na sila ngayon.

"Sterope maaari mo ba akong samahan?" Seryosong tanong ko kay Sterope.

"S-saan po mahal na Reyna?"

"Kay Charon, sa ilog ng Styx."

Agad na nanlaki ang mata ni Sterope dahil sa sinabi ko "P-po? S-sigurado po ba kayo mahal n-" Sabi n'ya na may halong panginginig sa kan'yang boses.

"Oo, tara na." Sabi ko at agad na tumayo.

"P-pe-pero po mahal na-"

"Sterope tara na."







Wala nang ibang nagawa si Sterope kundi ang sundin ako. Halatang labag ito sa kan'yang kalooban ay ginawa n'ya nalang dahil sa utos ko. Hayss, I'm sorry Sterope but I need to do this.

Styx river is the river from the real world that connects to the Underworld. Si Charon ang s'yang bangkero na naggagabay sa mga patay patungong impyerno, s'ya ang bangkero ni Hades. Ito ang daan na sinabi ni Psyche sa'kin para makalabas ng impyerno.

Isang napakadilim na daan ang tinatahak namin ni Sterope, puno ito ng hamog at ng mga buwitreng nagliliparan sa kung saan. May dala-dala kaming gasera na nagsisilbing ilaw namin, hindi na kasi naaabot ang lugar na'to ng naga-ilog na apoy sa impyerno na nagsisilbing ilaw doon.

"Mahal na reyna, sigurado ho ba kayo rito?" Kinakabahan na tanong sa'kin ni Sterope habang ginagabayan ako sa daan patungong ilog ng Styx.

"Sterope may kailangan kang malaman."

Napatigil kaming dalawa ni Sterope nang may makita kaming ilog sa malapit, siguro 'yon na ang ilog ng Styx. Nasa pinakadulo na kami ng patay na gubat habang seryosong nakaharap sa isa't-isa. I want to tell Sterope everything.

"Ano ho ba 'yon?"

"Hindi ako si Proserpine." Walang pag-aalinlangan kong saad.

Agad namang kumunot ang noo ni Sterope dahil sa sinabi ko.

"P-po? Kayo ho ang mahal na reyna, isangdaang taon ho kayong nakatulog at hinintay ho namin kayo."

"Mortal ako Sterope at ang mga imortal ay kailanma'y hindi magkakasugat pero nasugatan ako, patunay na'yon na hindi ako si Proserpine." Pangangatwiran ko sa kan'ya.

Gusto ko nang makaalis sa impyernong ito, gusto ko nang bumalik sa bahay namin, sa dating buhay na meron ako. Iba'ng-iba na ang lahat ngayon, kung dati ay puro puti ang suot at nakikita ko ngayon ay puro itim na.

"Kayo ho ang mahal na reyna, kilalang kilala ho ng hari kung sino kayo kaya sapat na po 'yon para mapatunayang kayo ho si Proserpine." Malumanay n'yang paliwag sa'kin.

Ugh, ba't ba ayaw nilang maniwala? Hindi ako si Proserpine.

"My name is Faith and I'm not Proserpine-"

Magsasalita pa sa'na si Sterope nang may isang malaking boses ng lalaki ang nagsalita "Sino kayo?"

Agad kaming napalingon ni Sterope sa lalaking nagsalita. Isang malaking lalaki na nakasuot ng manggas na kulay ube. "Charon?" Bulong ko habang naglalakad papalapit sa kan'ya palabas nitong patay na gubat.

Myth 1- Hades: King Of Underworld (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon