"Oo. Wala naman kaming masyadong gamit ni Blue. At saka iyong ibang gamit naman na nandito, hindi sa akin. Nandito na sadya ang mga iyan noong tumira ako dito."

Humarap ito habang tumatango-tango. "So, shall we go then?"

Sasagot na sana siya ng oo pero may naalala siyang bigla.

"Sandali lang. Magpapaalam lang ako kay aleng Mameng." The man's forehead creased because of confusion. "Siya kasi ang may-ari ng bahay na ito. Sa kanila ako nagre-rent kaya kailangan ko pa rin namang magpaalam sa kanila na aalis na kami dito ni Blue."

Unti-unti namang nawala ang pagkakakunot ng noo ni Liam saka marahang tumango.

Kinuha niya si Blue sa crib nito saka sila mabilis na lumabas papunta sa katabing-bahay, kina aleng Mameng.

Nasa labas ang mga ito at nakiki-usyoso sa magarang sasakyan na nakaparada sa tapat ng bahay niya kaya hindi na siya nahirapan na hagilapin ito.

"Uy Alisson! Bigtime ka na ha!"

Napangiwi siya sa naging pagsigaw na iyon ng asawa ni aleng Mameng na si Mang Ramon.

"Oo nga, Alisson! Hindi mo naman sinabi na tumama ka pala sa lotto. Wala ba kaming pabalato dyan?"

Nanlaki ang mga mata niya roon.

Saan naman nakuha ng mga ito ang ideya na tumama siya sa lotto samantalang ni hindi nga siya tumataya sa mga ganoon?

"Naku, hindi po aleng Mameng. Hindi po sa akin ang kotseng 'yan." Umiiling-iling niyang tugon sa mga ito.

Napuno ng bulungan at pagtataka ang mga miron na nandoon at kasama ng mag-asawa na nakikiusyoso.

"Ah! Alam ko na! Doon siguro 'yan sa lalaking lumabas dyan kanina! Doon kay Fafang Pogi! Omg!" Napatingin siya kay Ramonita, ang anak na bading nina Mang Ramon, ng magtitili ito na animo'y kinikilig at nangingisay-ngisay pa. "Asawa mo ba 'yun, Ali?"

Saglit siyang napatunganga roon.

Lumapit ito sa kanya saka isinabit ang braso sa kanyang braso, hindi alintana na buhat niya si Blue, saka siya sinundot-sundot sa tagiliran. "Ikaw ha. Hindi ka man lang nagsi-share dyan. Si Mr. Papabol pogi pala ang dadey ni Blue. Ang swerte mo naman, girlaloo. Ang hot ng tatay ng junakis mo."

Kung mayroon lang siyang kapangyarihan, baka kanina pa niyang napagdikit ang labi nitong katabi jiya sa sobrang kadaldalan. Ang daming alam! Hindi naman tunay.

"Alisson, are you done there?" Lahat sila'y napatingin kay Liam ng mula sa pinto ng bahay ay lumabas ito, sumandal sa hamba niyon at humalukipkip na para bang labis na ang pagka-inip sa tagal niyang magpaalam sa mga kapit-bahay.

Nagmuwestra siya rito ng sandali lamang saka muling hinarap ang kaninang mga kausap na ngayon ay daig pa ang nakakita ng anghel ang mga mukha.

"Aleng Mameng, nasabi ko naman na po sa inyo. Salamat po sa lahat." She genuinely smiled at the lady whose still in Cloud9 upon seeing a handsome man. "Aalis na po kami. Ramonita, Mang Ramon, Aleng Mameng, ingat po kayo. Salamat ulit." Bahagya siyang yumukod sa mga ito.

Muli niyang nilingon si Liam pero hindi niya ito nasumpungan sa may pinto pero ilang saglit lamang ay muli na itong lumabas bitbit ang tatlong bag gamit ang isa lamang nitong kamay.

Marahan itong naglakad palapit sa kinaroroonan nila na parang isang modelong naglalakad sa runway. Hindi niya tuloy maiwasang mapalunok lalo pa't habang naglalakad ang lalaki ay hindi ito humihiwalay ng tingin sa kanya.

"Done?" She nod on that. Bahagya naman nitong ikiniling ang ulo patagilid. "Shall we, then?" Nang muli siyang tumango ay automatic na nag-landing ang kaliwang kamay nito sa likod niya, sa may bandang baywang saka siya iginiya papunta sa may passenger's seat.

BOSS Series 1: My boss, His daddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon