Paper Planes XLII

3.6K 88 12
                                    

-----

"Par mamaya na 'yan o kaya bukas mo na lang asikasuhin. Wala namang pasok oh baka manawa pa si Lau kung puro ka surprises." Rinig ni Aly na may nagsalita kaya nawala atensyon niya sa ginagawa niya at inangat ang ulo para makita kung sinong nagsalita. Si Kim at may hawak itong bola, nakapasok na pala ito sa kwarto niya nang 'di niya namamalayan. Nakatutok kasi siya sa ginagawa niya sa study table.

"Pero kayo nag-suggest nito." Pagdepensa ni Aly sa sarili. Lahat naman ng surprises na ginagawa ni Aly ay puro ideya ng barkada dahil wala naman talaga siyang alam sa mga gano'n.

"Oo nga, pero 'di naman namin sinabing araw-arawin mo." Sabi pa ni Kim. "Tara magpahangin ka naman sa labas, sayang araw oh. Magkikita naman kayo sa monday." Hinawakan siya nito sa balikat at sinenyasang sumama sa kanya. Binitawan ni Aly ang ballpen at tinigil ang pag-susulat ng kung ano-anong sweet notes (na sila Kim rin ang nag-isip para sa kanya). Halos para lang siyang robot na sumusunod sa gagawin. Itinago na niya 'yung mga papel saka tumayo.

"Anong gagawin natin?" Tanong ni Aly pagkatayo.

"Ano na mga par? Ang tagal niyo naman ready na sila kuya oh!" Sabi ni Vic na bigla na lang sumulpot sa may pintuan.

"Eto na nga oh." Sabi naman ni Kim. Lumabas na silang dalawa sa kwarto para umalis na. "Volleyball par." Nakangiting sagot ni Kim. Agad namang napatingin si Aly.

"Pass. 'Di naman ako marunong niyan eh." Agad na tanggi ni Aly at tumigil sa paglalakad. Hinatak naman siya nila Kim at Vic.

"Ops. Bawal tumanggi. Eto hihingin kong pabor tutal marami naman kaming natulong sa'yo." Sabi naman ni Kim.

"Aray ko teka! May kapalit pala 'yon eh ba't gan'to?" Reklamo ni Aly habang nagpupumiglas.

"Par gan'to kasi 'yan. Pupunta si Mela dito baka next week, eh siyempre kelangan kong mag-practice ng volleyball para dagdag pogi points." Paliwanag ni Kim at binitawan na nila si Aly. Nag-unat naman si Aly.

"Bakit pa kayo maglalaro? Ba't 'di na lang kayo magdate?" Tanong naman ni Aly dahil ayaw niya talagang mag-volleyball. Hindi siya marunong maglaro no'n kaya kulelat siya 'pag 'yun ang nilalaro nila.

"Nah. Tuturuan ka naman namin." Sabi naman ni Kim. "Tsaka nagmumukha 'kong napakagaling 'pag dito kita kalaban." Sabi pa nito at tumawa nang malakas, sumabay na rin si Vic.

"Bawian mo nga sa basketball 'yan 'Ly." Sabi naman ni Vic.

"Ano ba mga Par, papa-impress lang ako. Ayoko namang isipin niyang mas malakas pa siya sa'kin ang pangit tignan no'n." Sabi ni Kim. "Ah basta, okay lang 'yan par tuturuan ka nga namin. Anong silbi ng pagiging athlete namin? Para 'di tayo puro basketball." Napabuntong hininga naman si Aly.

"Ang sakit sakit niyan sa kamay at braso eh." Sabi naman ni Aly.

"Masasanay ka rin sa sakit." Sabi naman ni Kim at binatukan siya ni Vic. "Aray!"

"'Wag kang huhugot." Sabi ni Vic at napakamot na lang ng ulo si Kim.

Nakarating sila sa court at andoon na rin ang dalawang kuya ni Aly, naghihintay sa kanila.

"Ang babagal! Laro na!" Bungad sa kanila ni Paulo.

"May nag-iinarte kasi kuya." Sabi naman ni Kim. Lumapit na silang tatlo sa dalawa.

"Teka, apat naman pala kayo eh. Mag 2 on 2 na lang kayo." Sabi ni Aly.

"Ano naman? Tuturuan ka nga namin." Sabi naman ni Vic.

-

"Ayoko na!" Sigaw ni Aly. Napaupo na lang siya sa sahig. Kita niyang namumula na ang mga braso niya. Tinawanan naman siya ng mga kalaro niya.

Paper Planes (AD) [COMPLETE]Where stories live. Discover now