Paper Planes XXXIV

2.9K 91 5
                                    

-----

"Uy! Teka lang!" sabi ni Aly kay Den, na hila-hila siya habang tumatakbo silang dalawa. Hindi naman alam ni Aly kung saan siya dadalhin ni Den. Napapagod na siya lalo pa't may nakasukbit sa kanyang gitara na iiwan niya dapat sa music room pero ayon nga hinila siya. Kanina pa niya siya pinatitigil pero tuloy pa rin si Den sa paghila sa kanya at pagtakbo habang nakangiti. Umakyat sila sa hagdan, muntik pang madapa si Aly pero nakapag-balance naman siya. Naguguluhan lang siya sa mga pangyayari na wala na siyang nagawa kung 'di magpadala kay Den. Hindi siya pinapansin at sinasagot ni Den pero nakahawak pa rin siya sa kanya.

Umakyat ulit si Den sa hagdan kaya umakyat din si Aly at napansin naman niyang nakalagpas na sila sa classroom niya.

"Den lagpas na 'ko sa classroom namin late na 'ko!" Sigaw ulit ni Aly at ulit, hindi siya pinansin ni Den. Wala nang nagawa si Aly.

Matapos ang ilang palapag na inakyat nila ay tumigil din si Den kaya muntik nang mapasubsob sa kanya si Aly. 'Buti na lang at na-preno niya ang sarili. Parehas silang hinihingal pero si Den nakangiti pa rin.

*click*

Pinihit ni Den ang pinto at binuksan 'yon. Nakita ni Aly ang rooftop kaya tumingin ulit siya kay Den.

"Ano bang ginagawa natin dito? Late na tayo parehas." Sabi naman ni Aly. Masayang tumakbo naman si Den palabas, nang nasa rooftop na ay tinaas niya ang mga kamay niya at pumikit. Tila nilalasap ang hanging dumadampi sa mukha niya. Napa-iling na lang si Aly at sumandal sa may pintuan. Nagcross-arms siya at pinanood lang si Den.

"Woooh!" Sigaw ni Den at binaba na ang mga kamay saka nilingon na si Aly.

"Ba't mo ba 'ko hinila dito? Tapos ka na? Kasi late na talaga tayo." Agad na tanong naman ni Aly at tinignan ang oras sa relo 7:27.

"Not. Yet." Sabi ni Den. "And, you can go to your classroom na. Nagpahatid lang ako." Den smiled at her sweetly. Aly expected this.

"Magc-cut ka sa klase? At the very first day?" Tanong ni Aly emphasizing her last question. Ngayon nga ang first day ng bagong school year nila at parehas silang late na nakapasok dahil si Aly, napuyat na naman, at si Den, matagal lang talagang kumilos. Nagkasabay sila sa may gate at nagulat na lang siya nang hilahin siya bigla ni Den. Then boom nasa rooftop na sila, late na sila at,

"Cut sa klase? 'Ly there's no such thing as class in the first day of the school year. Puro introductions lang 'yan for sure." Sabi naman ni Den at umupo sa sahig ng rooftop. 'Ly has a choice, it's either to leave Den alone or be with her.

Lumabas na rin si Aly at naramdaman niya ang hangin sa balat niya, 'buti na lang hindi pa ganon kainit. Umupo si Aly sa tabi ni Den, nakatingin lang sa harap. Nilapag niya ang gitara niya sa tabi niya. She chose to be with her. Parehas lang silang nakatingin sa harap nakatingin sa tanawin sa baba nang may marinig si Aly na tumunog kaya napalingon siya kay Den. Napakunot ang noo ni Aly, may nilagay si Den sa bulsa niya.

"Achievement!" Sigaw ni Den.

"Teka ano 'yon?" Tanong ni 'Ly na tinukoy 'yung nasa bulsa ni Den kaya napatingin di si Den sa bulsa niya at tinignan si Aly.

"Oh nothing. Just my inhaler." Sagot ni Den na lalong nagpakunot ng noo ni Aly.

"May asthma ka?" Gulat na tanong ni Aly.

"Oo?" Takang sagot ni Den.

"Ngayon ko lang nalaman." Sabi naman ni Aly. Napakamot naman siya sa batok niya. "Ano nga pala 'yung achievement mo?" Pag-iba niya ng usapan.

"Makapagpahangin dito." Simpleng sabi ni Den at tumingin lang sa harap. Na-weird-an naman si Aly sa sagot niya. "Lagi kasing may tao dito, kaya ngayon ko naisipan."

Paper Planes (AD) [COMPLETE]Where stories live. Discover now