Paper Planes XXXVI

3.2K 95 9
                                    

-----

"Oh basura basura!" Rinig ni Aly na sigaw ni Nicko sa labas ng kwarto niya at kumatok sa pinto niya. Nagulat si Aly kaya madali niyang tinapon ang mga basura sa kwarto niya sa basurahan.

"Ako na magbababa kuya!" Sigaw niya habang sinasalin pa kung alin ang mga itatapon na niya at hindi. General cleaning nila ngayon, dahil pinalaki rin naman silang 'wag masyadong umasa kay Nanay Celia. Pwera lang talaga sa pagluto.

"Sige! Bilisan mo ah dadating din 'yung truck ng basura ngayon!" Rinig niyang sigaw pa ni Nicko at bumaba na. Bumalik na si Aly sa ginagawa niya. Nilagay na niya sa basurahan ang mga papel papel na may kung ano-ano ang nakasulat, tinapon na rin niya 'yung ibang gamit na sira na. Tumayo na siya at dali-daling binitbit ang basurahan niya at pumunta na sa may pinto nang may masagi siya. 'Yung mga books at notebooks.

"Hay!" Sabi niya at binaba 'yung basurahan para pulutin 'yung mga nalaglag. Isa-isa niyang pinulot ang mga 'yon at tinignan kung may itatapon ba siya sa mga 'yon, binubuklat ang mga pahina. Inayos niya ang paglagay. Nang matapos ay tumayo na ulit siya. "Ay meron pa pala." Sabi niya nang may nakita pa siyang isang notebook na mas malayo. Nilapitan at pinulot niya ang light green na notebook. Binuklat niya ito at tinignan kung magagamit pa ba. Bigla siyang napangiti nang makita ang nasa last page nito.

To do list:

1. Be patient. ✔

Try to be patient when you're with her. You'll get used to it maybe?

2. Befriend with her. ✔

3. Be her close friend.

4. Make her promise that she won't tell anyone about your secret.

5. To succeed.

"Oo nga pala," sabi ni Aly sa sarili. "'Eto nga pala dapat ang ginagawa ko." Napa-iling na lang si Aly.

*tok *tok *tok

"Hoy 'Ly ang tagal mo! Andiyan na 'yung truck!" Nagulat siya sa sigaw ulit ni Nicko at kinakalabog ang pinto niya. Nahagis niya 'yung notebook sa study table niya at dali-daling kinuha ang basurahan niya at lumabas na.

"Ah 'eto na kuya ibababa na nga eh." Sabi niya agad sa kuya niya nang tignan siya nito.

"Sige, kunin ko pa 'yung iba." Sabi naman ni Nicko at tumalikod na sa kanya.

"Ah teka kuya," tawag niya kaya napalingon sa kanya si Nicko. "Sa tingin mo ba close friends na kami ni Den?" Tanong niya, alam niyang obvious na pero gusto niya lang malaman sa iba. Kumunot naman ang noo ni Nicko.

"Anong tanong 'yan?" Tanong din sa kanya ni Nicko. "Lagi na nga kayong magkasama halos, 'di pa ba kayo close non?"

"Sige salamat kuya." Sagot naman ni Aly at ngumiti, Nicko shrugged at tumalikod na dahil ang weird ni Aly.

-----

"Hi I'm so pretty."

Pinatong ni Aly sa kama niya ang laptop tsaka siya humiga at humarap sa taong kausap niya sa screen. Nakatukod ang siko niya at 'yung ulo niya nakapatong sa kamay niya. Basta 'yon.

"Ano namang pakulo mo ngayon Pakoy?" Tanong naman ni Aly sa kanya. Parehas silang nakahiga, parang magkatabi sila sa kama pero nasa ibang bahay.

"Wala naman Ineng." Den grinned. Napahilamos naman ng mukha si Aly. Nalaman kasi ni Den ang nickname ni Aly nung one time na tawagin si Aly ng dad niya, sakto tumatambay si Den sa kanila no'n.

"'Wag mo nga 'kong tawagin niyan." Reklamo ni Aly at tumawa si Den.

"You started it. I told you not to call me Pakoy." Sabi naman ni Den then smiled sweetly.

Paper Planes (AD) [COMPLETE]Where stories live. Discover now