Paper Planes XXIII

5.3K 145 11
                                    


-----

"Teka may assignment ako sa Chemistry." sabi ni Den kay Aly.

"Sige edi gawin mo." nagtatakang sabi ni Aly dahil bakit pa kailangang sabihin ni Den na may assignment siya eh maglalaro lang naman sina ni Mosh.

"Let's play na Kuya!" excited na sabi ni Mosh at hinihila pa ang dulo ng shirt ni Aly.

"Wag mo siyang ngingitian ah?" sabi ni Den kaya lalong napakunot ang noo ni Aly.

"Wag ngingitian? Bakit anong masama don?" tanong naman ni Aly.

"Basta. Teka nga kukunin ko na lang yung Chemistry ko. Wag kayong maglalaro ng basketball habang wala pa ko ah?" sabi ni Den pero tinignan lang siya ni Aly. "Aly!"

"O-oo! Hintayin ka namin." sabi naman ni Aly at pumasok na si Den sa bahay nila para kunin yung gamit niya.

"Kuya let's play na." sabi ni Mosh sa kanya.

"Let's wait for Ate Den daw eh." sabi naman ni Aly.

"Okay." sabi naman ni Mosh. Mayamaya ay bumalik na rin si Den at pumwesto sa may table sa gilid.

"Sige na laro na kayo." sabi naman ni Den.

"Bakit kailangan ka pa naming antayin?" tanong naman ni Aly.

"Don't ask, laro na lang kayo." sabi naman ni Den at ginawa na yung assignment niya.

Nagsimula ng magshoot sila Aly ng bola at si Den naman patingin tingin sa kanila dahil nababahala siya sa sinabi ni Kim na pag ngumiti siya eh di malayong mainjured yung kalaro niya. Dapat na ba talaga siyang matakot? Eh halos tumatawa pa nga si Aly habang nakikipaglaro eh. Nakita naman niyang nagdribble na si Aly at nililito na niya si Mosh.

"Ly!" sigaw niya kaya napatingin sa kaniya yung dalawa. "A-ah wag mong papagurin masyado si Mosh ah?" sabi naman niya at tumango lang sa kanya si Aly at naglaro na ulit sila.

"Hindi naman niya siguro pipilayan si Mosh di ba? Kundi lagot siya sa'kin." sabi ni Den sa sarili.

Tinapos na niya agad yung assignment niya para matignan na niya yung dalawa.

"Kuya I want to dunk!" excited na sabi ni Mosh.

"You might fall on the floor Mosh!" biglang sabi ni Den.

"But I really want to try." sabi ni Mosh habang nakanguso.

"I'll just carry you na lang, okay?" sabi naman ni Aly.

"Okay!" excited na sabi ni Mosh at sumakay sa balikat ni Aly.

"Oy ingat kayo ah?" paalala naman ni Dennise.

"Hindi naman to nakakamatay." sabi ni Aly kay Den at ngumiti ng bahagya. Binigay na ni Aly yung bola kay Mosh at pumunta sila sa dulo para may bwelo. "Okay 1.. 2.. 3!" sigaw ni Aly at tumakbo.

"Yah!" sigaw ni Mosh at dinakdak na yung bola sa ring at nashoot niya ito. "Yey! I did it! Thank you Kuya! Ate I got to dunk!" masayang sabi ni Mosh at sumuntok pa sa hangin.

"Congratulations Baby Mosh!" lumapit si Den at hinalikan sa cheek si Mosh.

"Congratulations Little Jordan." sabi ni Aly at nag-appear sila ni Mosh habang nasa balikat pa rin niya si Mosh.

"Tama na yan pawis na pawis na kayo. Pumasok na tayo." sabi naman ni Den at sinundan naman siya ni Aly papasok ng bahay nila. "Ate pakilinisan naman po si Mosh pawis na pawis eh." sabi ni Den. Binaba naman ni Aly si Mosh. "At ikaw para kang bata sumunod ka sakin." umakyat naman silang dalawa sa kwarto ni Den.

Paper Planes (AD) [COMPLETE]Where stories live. Discover now