Paper Planes XXIX

3.5K 87 3
                                    

A/n: uhm yung vid, wala lang. Mababasa niyo sa last part haha

-

"Pagkatapos ay ilagay na ang hotdog."

Sabi ng babae na nasa video.

Kasalukuyang nakikipagdigmaan si Aly sa kusina habang pinapanood niya ang tutorial na "How To Cook A Hotdog" sa laptop.

Sinunod naman niya ang sinabi ng babae.

"Aaah!" Nabigla siya dahil biglang may tumalsik na mantika. Lumayo siya sa kawali at maingat na ginaya ang sunod pang steps ng tutorial.

"ALYYYYYY!"

"AHHHHHH!"

Napahawak si Aly sa kamay niya. Sa gulat sa sigaw kanina ay nausog niya ng bahagya ang kawali at natalsikan ng mantika ang kamay niyang nakahawak sa hawakan. Sa sobrang hapdi ay agad siyang tumakbo papuntang lababo at binasa ang kamay niya sa running water.

Halos mangiyak-ngiyak siya sa hapdi. Pulang pula ang kaliwang kamay niya.

"Anong nangyari?!" Rinig niyang may nagtanong. Nilingon niya ito at nakita niya ang nag aalalang si Vic. Tinignan niya ito ng masama.

"Ba't ka ba sumisigaw?" Inis na sabi niya.

"Tinatawag kita kanina. Tapos sumigaw ka rin." Naguguluhang sagot nito.

"Natalsikan ako ng mantika sa gulat." Sabi naman ni Aly kaya nagulat si Vic with matching hawak pa sa bibig saka lumapit pa kay Aly.

"Nako sorry par, naexcite kasi ako." Paghingi ni Vic ng paumanhin at hinawakan sa balikat si Aly. "Teka may niluluto ka ba? Sige ako na bahala doon." Pumunta na si Vic sa may kawali at tinuloy ang pagluto ni Aly ng hotdog. Nilinis niya rin ang mantikang tumalsik sa hawakan.

Napabuntong hininga naman si Aly. "Bakit ano bang nangyari ba't mo ko tinatawag?" Tanong niya habang nasa may lababo pa rin. Nilingon naman siya ni Vic at ngumiti nang wagas.

"Balak ko na kasing tanungin si Sheila. Tutal matagal ko na rin siyang nililigawan." Masayang sabi ni Vic. "Hihingi sana ako ng favor na tulungan niyo kong mapasagot si Shiela!" Excited na sabi niya.

"Ayos." Tanging nasabi ni Aly.

"Kaso ayon nga. Natalsikan ka pa ng mantika dahil sa'kin. Sorry talaga par." Humikbi pa ito para mas effective. "Iuusog ko na lang. Next week! Magaling na yan par." Pinatay na niya ang kalan at saka nilagay na ang hotdogs sa plato. "Eto na tada!" Nakita naman ni Aly na maayos ang pagkakaluto ni Vic.

"Salamat par, sinalba mo pa rin ako." Sabi ni Aly, pinatay na niya ang gripo at kinuha ang plato. Umupo na si Aly sa upuan upang makakain na rin, mahapdi pa rin ang kamay niya. Sumunod naman si Vic. "So anong plano?"

-----

"So tutugtugin niyo yung mga gusto niyang kanta then after non, e-entrance ako, mags-speech, tas boom! Will you be my girlfriend?" Pag e-explain ni Vic ng plano niya sa barkada, lahat naman nakikinig lang sa kanya. Nasa canteen sila ngayon.

"Ahhh." Sagot nilang lahat habang tumatango tango.

"Tas pinaso mo pa yung isa sa tutugtog magaling." sarkastikong sabi ni Kief.

"'Di ko talaga sinasadya." Sabi naman ni Vic.

"Ayos lang. Tutulong naman ako." Sabi naman ni Aly.

"Yes! Thank you par!" niyakap niya si Aly na katabi niya lang. Humiwalay din agad. "So eto yung list of songs guys." May kinuha siyang papel sa bulsa niya at binuklat. Nilagay niya 'yon sa gitna ng table para makita ng lahat.

Paper Planes (AD) [COMPLETE]Where stories live. Discover now