Paper Planes XXXV

3.1K 88 4
                                    

-----

In every yes or no questions, there will only be a yes or yes answer for Dennise and the more Alyssa says no, the more Dennise takes it as a yes.

More like, Dennise never asked. It's more of a command rather than a favor.

Others be like:

"Pwede mo ba 'kong ihatid?"

Dennise be like:

"Hatid mo 'ko."

Sinulit nga ni Dennise ang bawat araw niya, madalas kasama niya si Alyssa. Pasalamat na lang si Aly at hindi na na-ulit ang pag-cut nila sa klase. Pinaniwalaan naman siyang na-late siya, dahil first time nangyari 'yun ay pinagbigyan naman siya pero 'pag naulit pauuwiin na agad siya.

"Hay, oo nga pala 'di na siya dito nag-aaral." Sabi ni Kiefer at napabuntong hininga, kumpleto kasi sila sa usual spot nila sa canteen. Si Gretchen lang ang wala. "Pero, masasanay din tayo." Sabi pa niya.

"Ta's si Den naman ang g-graduate ngayong school year." Sabi naman ni Vic at tumingin silang lahat kay Den kaya napatigil si Den sa pagsubo ng pagkain niya.

Ibinaba ni Den ang kutsara niya at tinignan din sila saka nginitian.

"Ano ba guys? Cheer up! Wala pang-one month nung nag-start ang classes pero pang-last day na mga mukha niyo." Masayang sabi ni Den. "Susulitin ko na 'tong year na to." Napayuko naman ng bahagya si Aly sa narinig at napakamot sa sentido.

"Sulit na sulit." Bulong ni Aly at wala namang nakarinig sa kanya.

"Tama tama. Sulitin na lang natin bawat year." Sabi naman ni Thirdy at inalis na nila ang mga negative thoughts kumain na lang ulit.

Mga ilang linggo ay nakakasanayan na rin nilang wala si Gretchen kahit na minsan ay nakakalimutan nilang naka-graduate na nga pala siya.

"Teka ba't ang tagal ng beat?"

"Par kain tayo sa labas."

"Sunduin ko lang si Gretch sa room nila."

Madalas ganon, pero ngayon ay sanay na rin sila. Nakakausap naman nila si Gretchen, sa social media, text, tawag at minsan nagkikita rin sila. Sila Vic at Kim naman ay mga varsities na ng volleyball, si Kim ang naatasang captain ball nila, kaya naging busy na sila at madalas wala si Kim sa klase.

Ang Portmanteau naman, tuloy pa rin sa pagtugtog. Minsan wala si Gretchen kaya kailangan nilang mag-adjust. Ayaw rin naman nilang maghanap ng kapalit niya. Kasalukuyang nag-aaral si Gretchen sa Ateneo de Manila University, dream school nilang halos lahat.

Naglalakad na si Aly pauwi sa kanila, galing siya sa sementeryo dahil dinalaw niya ang mama niya nang mag-vibrate ang phone niya. Napatigil siya sa paglakad at kinapa ang bulsa niya. Pagkakuha ng phone niya ay nakita niyang tumatawag si Kim. Agad naman niyang sinagot 'yon.

"Oh Kim bakit?" Agad na tanong niya aa kabilang linya.

"Anong bakit? Asan ka na, mag-m-movie marathon na tayo!"

Naalala naman ni Aly na may usapan nga pala silang tatlo na mag-oover night sila ngayon kila Vic, tinignan niya ang oras sa relo niya. Alas sais na.

"Oo nga pala, malapit na 'ko." Sagot naman niya.

"Okay dalian mo ah ingat bye!"

Binaba na nila ang tawag, nilagay na ni Aly sa bulsa ang phone niya tsaka nagmadaling umuwi.

-----

"Waaaaah!" Napasigaw sila Kim at Vic sa gulat, si Aly naman napatakip ng tenga at napapapikit. Nanonood kasi sila ng horror. Nakapwesto sila sa kama ni Vic habang nanonood. Si Aly sa gitna, si Kim sa kaliwa at si Vic sa kanan.

Paper Planes (AD) [COMPLETE]Where stories live. Discover now