Paper Planes XXVII

3.5K 95 0
                                    

-----

Nagmamadaling maglakad si Ly palabas ng gate ng school. Nakatanggap kasi siya ng message galing kay Nanay Celia na may Dengue raw si Kian. At syempre dahil sa pagiging napaka maaalalahanin. Didiretso na siya ng ospital. Hindi na nga siya nakapagpaalam kay Vic na aalis na siya eh. Nag-abang na siya ng masasakyan.

"In a hurry?" napalingon siya sa nagtanong, si Dennise. Nasa tabi na pala niya 'to.

"Ah oo." sagot naman niya at tumingin ulit ng masasakyan.

"Bakit?" tanong ni Dennise. Tinignan niya ulit 'to.

"Si Kian, may Dengue raw kaya pupunta akong ospital."

"Hala si Baby Kian? Pwedeng sumama?" tanong niya ulit. Tinanguan naman siya ni Ly at pumara ng jeep. Sumakay na silang dalawa at pumunta na ng ospital.

Nang makarating sila ay agad dumiretso si Ly sa private room kung saan nilipat si Kian. Si Den naman nakasunod lang sa kanya. Pagkarating nila sa room ni Kian ay agad kumatok si Ly, agad naman siyang pinagbuksan ni Nanay Celia.

"O, nauna ka pa kay Nicko. Pasok." sabi ni Nanay Celia at gumilid siya para makapasok sila.

"Parating na rin siguro yun Nay." sagot naman ni Ly at nagmano.

"Kasama mo pala si Dennise!" masayang sabi ni Nanay.

"Opo Nay." magalang na sagot ni Dennise at nagmano kay Nanay. Si Ly naman kagaya kahapon, lumapit agad sa natutulog na si Kian at nagtanong tanong na naman.

"Nay kamusta po si Kian?" tanong niya saka tumingin kay Nanay Celia. Lumapit naman si Nanay Celia sa kanya, sumunod din si Dennise.

"Maayos ang kalagayan niya Nak hindi naman kritikal. Ang sabi ng doktor wala pang isang linggo ay makakalabas din ang bunso." paliwanag ni Nanay.

"Pa'no naman po kasi siya magkakadengue? Malinis naman po sa bahay tsaka airconditioned yung kwarto." tanong ni Ly.

"Ssh Ly, andami mong tanong. Umupo ka nga muna. Ang mahalaga hindi malala ang sitwasyon ni Baby Kian. Nay kayo din po umupo na, baka pagod din po kayo." sabi ni Den at hinawakan si Ly sa braso para paupuin. Hindi naman na tumutol si Aly. Si Nanay din umupo na.

"Salamat Dennise, pagpasensyahan mo na siya. Ganyan talaga silang magkakapatid mag-alala kapag may nagkakasakit na isa sa kanila." pagpapaliwanag ni Nanay at nginitian siya.

"Naiintindihan ko po Nay, ako rin po ganyan pag may nangyayari sa mga taong mahalaga sa'kin." sagot naman ni Dennise at nginitian din si Nanay. Si Ly naman tahimik lang. Pinapakalma niya sarili niya.

Ganito sila mag-alala matapos ng nangyari sa mama niya, kapag may sakit ang isa pupunta agad yung iba. Lalo na si Aly. Pero kapag sinabing hindi naman malala o gagaling agad ay nakakampante na sila pwera kay Aly, hindi siya titigil mag-alala hangga't hindi gumagaling. Sa takot na rin na mawala pa ulit ang isang miyembro ng pamilya nila.

Biglang may kumatok sa pinto kaya agad tumayo si Nanay at binuksan ang pinto dahil siya ang pinakamalapit. Tinignan nila kung sino. Si Nicko, nagmano siya kay Nanay at pumasok.

"Ano pong balita Nay?" tanong ni Nicko at napansin niya ang dalawa. "Andyan pala kayo. Kasama mo pala Ly yung girlfriend mo." sabi niya ng nakangiti.

"Hello kuya Nicko!" natatawang bati ni Den.

"Kuya hindi ko siya girlfriend." sabi ni Aly habang nakatingin sa kanya ng masama.

"Kidding!" panggagaya ni Nicko sa sinabi non ni Den. Natawa naman silang tatlo, si Ly nakasimangot lang.

Dahil na rin siguro sa ingay ay naalimpungatan si Kian. Agad napatingin ang lahat sa direksyon niya. Agad tumayo si Aly at lumapit kay Kian.

"Kian musta? May masakit ba sa'yo?" agad na tanong ni Aly na para bang ilang araw hindi gumising si Kian. Natatawang lumapit sa kanya si Nicko at hinila siya sa balikat palayo kay Kian.

Paper Planes (AD) [COMPLETE]Where stories live. Discover now