Paper Planes III

6.3K 133 6
                                    

-----

"Wag mo ng isulat pangalan mo. Napuno mo na yung huling papel kakapasok mo dito, pumasok ka na suki ka na ng library." sabi ng librarian kay Aly nung isusulat na sana ni Aly ang pangalan niya. Aly chuckled.

"Sorry and salamat po ma'am." sabi ni Aly at pumasok na. Umupo na siya at nilabas na ang notebook at ballpen niya.

        Dito ang tambayan ni Aly sa school nila mas madalas pa siya dito kesa sa room nila. Papasok lang siya minsan pag may quiz or may activity sila. Kaya nga nagulat siya ng sabihin ni Laura na classmates pala sila e. Nagtataka rin ang iba kung paano pa siya nakakakuha ng high grades. Mas gusto kasi niya rito tahimik minsan dito pa siya nag-aaral. Weird. Kung yung iba gustong pumasok pero tamad mag-aral siya naman masipag mag-aral pero tamad pumasok. Sabihin na nating cutting. Minemessage na lang siya ni Kim kung  may mga projects, quiz etc. Close naman sila ng librarian kaya nga hindi na pinapalista yung pangalan niya.

        Patapos na siya sa sinusulat niyang kanta at iniisip na lang niya kung lalagyan pa ba ng bridge o hindi. Hindi naman lahat ng tinutugtog ng banda nila gawa nila dahil puro cover lang din naman sila binabase lang nila sa kung ano ang gusto ng mga tao. Madalang lang siyang magsulat, maisipan lang.

You don't know what you do 

Everytime you walk into the room

"Bahala na. Papatulong na lang ako kela Kief." sabi niya ulit at tinago na ang notebook at ballpen niya. Bigla namang nagvibrate ang phone niya. Pagtingin niya nagtext yung manager ng bar kung saan sila nag-gigig.

From : Synjin Reyes

Hey guys! People really missed you a lot are you going to play this saturday?

        Tinago na niya ang phone niya. Natulog na lang siya. Malamang tinext na din yung bandmates niya.

-----

"Baldo, gising." narinig ni Aly na boses at kinakalabit pa siya. Inangat niya ang ulo niya at nakita ang librarian. "Anjan na naman yung principal, alam mo na masipag maglibot. Lumayas ka na dito."

        Napangiti na lang si Aly at nagpasalamat sa librarian. Pagkalabas niya ay nagvibrate ang phone niya pagtingin niya ay nagmessage si Kim.

From: Kim Fajardo

 Quiz sa Filipino dalian mo parating na yun si Ma'am.

        Nag text back naman siya kay Kim.

To: Kim Fajardo

Sakto pinalayas nako ng librarian.

From: Kim Fajardo

Natulog ka na naman. Andito na si Ma'am bagal mo kasi.

        Ibinulsa na ni Aly ang phone niya at tumakbo na papuntang classroom nila. Pagdating niya ay nakita niya na nandun na nga ang subject teacher nila kaya kumatok na siya sa pinto.

        Pinagbuksan naman siya kaso ng teacher pa niya mismo.

"O Valdez?" bungad nito pero hindi pa rin siya pinapasok.

"Ma'am kalalabas lang niya!" pagtatanggol ni Kim kay Aly.

"Talaga Fajardo? Kungyari hindi natin alam na tambayan niya ang library." sabi naman ng subject teacher at tumawa ang mga classmates nila. "Pasok na." sabi nito kay Alyssa.

"Sorry po Ma'am." pagpapaumanhin ni Aly at umupo na she even saw Laura smiling at her so she smiled back.

       Nagdiscuss lang naman atsaka quiz pagkatapos, mga 20 items lang naman tungkol sa Florante't Laura.

Paper Planes (AD) [COMPLETE]Where stories live. Discover now