Paper Planes XII

4.8K 113 5
                                    

-----

"Oy san ka nagpunta kahapon bigla kang nawala?" tanong ni Ara kay Aly habang naglalakad silang tatlo.

"Ha? Ah m-may naalala kasi akong kailangan ko pa lang gawing project kahapon kaya di na rin ako nakapagpaalam." pagsisinungaling niya ng hindi tumitingin sa dalawa.

"Sana minessage mo man lang kami, halos hanapin ka pa kaya namin sa buong school." sabi naman ni Kim.

"S-sorry. Nawalan ako ng load." sabi naman ni Aly.

"Load? Di ba nakaline ka?" gulat na tanong ni Ara.

My acting skills are the worst!

"Load ba sabi ko? Sabi ko LOW-batt ako." sabi ni Aly feeling proud of herself.

"Ay sorry na." sabi naman ni Ara.

"Ly!" rinig nilang tatlo na may sumigaw, pagtingin nila ay yung president ng English club tumatakbo papalapit sa kanila. "Eto pala." sabi nito sabay abot ng susi kay Aly.

"Uh ano to?" tanong ni Aly at kinuha yung susi.

"Susi sa music room. Kung gusto niyong magpractice pwede pero 3 hours lang." hingal pa na sabi nito. "Eto pala ang excuse letter niyo." dugtong nito at may inabot na papel kay Aly.

"Ah salamat." sabi ni Aly at inilagay ang susi sa bulsa niya.

"Salamat din galingan niyo ah." sabi pa nito sabay ngiti at umalis na.

"Teka memessage ko sila." sabi naman ni Aly sabay kapa ng phone niya sa bulsa. "Ay! Nakalimutan ko pala  phone ko, nasa side table ko." sabi naman ni Aly. "Puntahan ko na lang sila."

Naglakad na sila pero si Kim nauna na sa classroom nila, si Aly naman kasama si Ara dahil pupuntahan nga niya ang bandmates niya.

Nung makapunta na sila sa classroom ay tinawag na ni Ara sila Jirah at Thirdy at lumapit naman ang mga ito kay Aly.

"Ano yun Par?" tanong ni Thirdy kay Aly.

"Oh hindi tuloy celebration ng lolo niyo?" tanong ni Aly.

"Ang gulo ni Lolo eh, Sunday na lang daw para siguradong makakapunta lahat so tuloy tayo sa Saturday!" sabi ni Thirdy.

"May quizzes ba kayo ngayong araw, o kaya assignments na hindi pa nagagawa?" tanong naman ni Aly.

"Yung akin tapos ko na mga assignments ko, pero may quiz kami mamaya sa social studies." sabi ni Jirah.

"Ay talaga?" gulat na tanong ni Thirdy.

"Ay opo Ferdinand, bakit Ya?" tanong ni Jirah kay Aly.

"Pinagbigyan kasi tayo ng english club na magpractice sa music room ng 3 hours. So kung may assignments or quizzes kayo gawin niyo na." sabi naman ni Aly.

"Tara na mamaya pa yung quiz namin eh." sabi naman ni Thirdy.

"Sige pupuntahan ko pa yung dalawa." sabi naman ni Aly.

"Sama kami Ya maaga pa naman para sa first subject eh." sabi naman ni Jirah at kumapit sa braso ni Aly.

"Sige." sabi ni Aly at pumunta na sila sa room nila Kiefer.

Pagdating nila dun ay tinawag ni Thirdy ang kapatid niya at lumapit naman to.

"Oy anong meron?" tanong ni Kiefer ng makalapit na ito sa tatlo.

"May quizzes ka ba mamaya o assignments na hindi pa nagagawa?" tanong ni Aly.

"Quiz wala naman, assignments? Ahh, yung sa Math di ko pa tapos ang hirap isolve eh." sabi naman ni Kiefer.

Paper Planes (AD) [COMPLETE]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora