Magalang ulit akong ngumiti sa mag-asawang Yu pwera na lang sa anak nilang nakatitig sa akin. If my parents and his parents aren't here baka paulit ulit ko na siyang inirapan. He's giving that cold stare to me na nagpapakilabot sa akin plus I don't like the aura that is surrounding around him. He's giving a bad boy aura na tipong may gagawin siyang masama sayo. Na isang pagkakamali mo lang kakainin ka na niya ng buhay.

"Nice meeting you po Mr. and Mrs. Yu, I'm Blairre Scott, their only daughter" after sabihin yun ay tinanguan ako ni Mr. Yu and saka ngitian ganon din yung ginawa ng asawa niya sa akin. Hindi na ako nag-abalang tignan pa yung anak nila dahil pakiramdam ko ay nilalamig ako sa tuwing mapapadapo yung tingin ko sa mga mata niya na naglalabas ng malamig na expression na mas malamig pa sa yelo.

"You've totally grown up hija, the last time we saw you, you're only 12 years old. Now look at you, a stunning woman" Mrs. Yu said while smiling, bahagya din akong ngumiti sa kanya habang inaalala yung panahon na nakita niya ako when I was 12 years old. Hmmm? 12 years old.. 12 years... Napalaki yung mata ko ng maalala ko at agad na nag-iwas ng tingin sa kanila lalong lalo na sa anak nila na si Jhimro Yu. Bakit ngayon ko lang narealize? Ang tanga mo Blairre? Of course siya yun. Of course sila yun.

"You look stunning din po Mrs. Yu" marahan siyang tumawa at napangiti na1 lang ako dahil kahit na may edad na siya ay napakaganda niya pa din. She's so classy, simple and elegant as ever. Walang pimagbago, parang mas lalo pa siyang gumaganda habang nagkaka-edad. Napatingin din ako kay Mr. Yu, gwapong gwapo pa din siya katulad ng dati. Ang pinagbago lang ay ang mas nakakatakot na aura na ibinibigay ni Mr. Yu.

And of course my Mom and Dad are also the same na kahit mahahalata mong may edad na ay walang pinagbago ang hitsura. Looking so gorgeous pa din sila sa mga nagdaan na panahon.

"Call us Tita and Tito, Blairre" 

"So Princess, the reason why we called you here is to make a request at sana ay pumayag ka" I suddenly got nervous ng dahil sa seryosong sinabi na iyon ni Daddy. Humugot ako ng malalim na hininga at pilit na ngumiti sa kanila.

"You see Princess, your Tita Rebecca, Tito Jhake, Dad and I are childhood bestfriend" yea, I know. That's why... so yea, ayun nga. Nararamdaman ko yung tingin ni Jhimro sa akin pero pilit kong ipinagsasawalang bahala iyon dahil baka sumabog ako dito at hindi ko mapigilan na hindi umiyak sa harap niya mismo. Tumikhim muna ako ng isang beses bago ako ngumiti kay Mom at tinignan siya na parang sinasabi na ipagpatuloy lang niya yung sinasabi niya.

"And we promised each other na ipapakasal namin yung mga anak namin sa isa't isa if ever na maging opposite gender sila. And it happened, so Princess..."

"Let me process it Dad" putol ko sa balak pang ituloy ni Daddy na sasabihin. Napabuntong hininga ako at saka napatulala sa mga narinig ko. They made a promise na ang mga anak nila ay magpapaksal if ever na maging opposite yung gender. I am an only child and so as Jhimro. Napapikit ako ng unti-unti kong narerealize kung ano yung gustong sabihin nila. 

Nang buksan kong muli ito ay nakasalubong ko ang walang karea-reaksiyon na mga mata niya. Huminga ulit ako ng malalim at saka walang expression kong sinalubong yung mga mata ng aking mga magulang. Gusto kong magalit sa kanila sa gusto nilang mangyari. For goodness sake, we are on 21st century and arranged marriage, fixed marriage or whatever you call it ay hindi na naaayon sa panahon ngayon.

"Princess.." malungkot na sabi ni Daddy na naramdaman niya siguro yung hindi ko pagsang-ayon sa gusto nilang mangyari. Hinawakan ni Mommy yung kamay ko at marahan iyong pinisil saka ako naluluhang tinignan. And that sight made my heart ache. Gusto kong magalit sa sarili ko dahil ako ang dahilan kung bakit naiiyak si Mommy ngayon.

"You don't have to give your answer to us now. We can wait Princess, pag-isipan mong mabuti ha?" malungkot niyang sabi saka isang beses pang pinisil yung kamay ko bago ito pakawalan at mag-iwas ng tingin sa akin. Nahihiya akong tumingin sa mag-asawang Yu na ngayon ay malungkot din nakatingin sa akin.

"Princess, alam mo namang para sayo lahat ng ginagawa namin diba? Hindi kami gagawa ng ikapapahamak mo. We want you all the best and he is. Think about it carefully hmm? This is for your sake. I know na iniisip mo na nanghihimasok kami sa buhay mo, at pinapakialaman namin yung buhay mo. Hindi, okay? Hindi ka namin pipilitin kung hindi ka papayag. But please, think about it again" napalunok ako para pigilan yung nagbabadyang luha na tumulo sa mga mata ko.

They're disappointed in me, I know. Buong buhay ko ay ako palagi ang nasusunod, lahat ng hilingin ko ay binibigay nila. Lahat ng gustuhin ko ay nakukuha ko. Wala silang ginawa na ikasasama ko at ang tanging gusto nila sa akin ay ang ikabubuti ko. Tapos ito ang kauna-unahang bagay na hiniling nila sa akin at hindi ko pa mapagbibigyan. F*ck! Lintik na buhay to. Bakit kasi sa dinami dami pa ng taong pwedeng hilingin nilang pakasalan ko ay bakit siya pa. Bakit siya pa?!

"Daddy.." mahinang tawag ko sa kanya na nakakuha ng atensyon nilang lahat. Maging siya ay naramdaman ko ang pagtingin sa akin. Bakit kasi nanahimik siya? Payag ba siya? Payag ba siyang ipakasal sa akin? Why aren't you saying anything Jhimro?!

"I will do it" kita ko yung labis na pagkagulat sa kanila sa biglaang pag payag ko. Kagaya ng sabi ko ay lahat ng gusto ko binibigay nila. Ito ang kauna-unahang hiniling nila sa akin at ayoko silang biguin. I don't wanna see that kind of expression in them again dahil parang pinipiga yung puso ko sa sakit. I have to deal the marriage with him. I hope, we're on the same page. I hope.

"I don't want to be rude po but may importanteng meeting po akong naka-schedule sa oras na ito. So if you'll excuse me" magalang kong paalam sa kanila. It's true na may meeting ako with one of our business partner pero ang pinakadahilan kung bakit gusto ko ng umalis ngayon dito ay dahil hindi ako makahinga. At sa tingin ko ay hindi na tatagal at tutulo na yung luha kong kanina ko pa pinipigilan.

Nang tumango sila ay agad na akong lumabas pero di pa ako nakakalayo ay may humiltak na sa kamay ko at hinila ako palayo kung nasaan silang lahat. Hindi ko na kailangan pang tignan kung sino siya, dahil alam ko. Alam na alam ko na. Pinanatili ko yung tingin ko sa dibdib niya at di na nag-abalang tignan siya sa mata.

"What is it? Sasabihin mo na ba yung plano mo para di matuloy yung kasal?" pagkatapos kong magsalita ay saka ko lang inangat yung tingin ko at nakasalubong ko yung kulay asul na mga mata niya na madilim ang tingin sa akin. 

"Do you not know who I am?" napakurap-kurap ako sa tanong niya. Bumuntong hininga ako at saka bahagya siyang nginitian. Pinanatili ko din yung focus ng mata ko dahil nagsisimula ng uminit yung gilid nito. Nagsisimula na ding magblur yung paningin ko. Stay calm Blairre.

"Of course, I do. Who wouldn't know you? Kahit na nga ba madalang lang akong manood ng TV at magbasa ng mga magazines ay kilala kita. You are the infamous Jhi--"  

"Blairre" putol niya sa sasabihin ko. Napatitig ako sa mata niya, matalim yung mga ipinupukol niyang tingin sa akin. At kahit na labis labis yung bilis ng tibok ng puso ko ay hindi ako nagbaba ng tingin at nanatiling nakatingin ang mga mata ko sa kanya.

"DO YOU REALLY NOT KNOW WHO I AM?!"

Tuluyang lumandas yung luha ko sa pisngi ko ng dahil sa tanong niya.

"I know. I do know you, Jhimro"

---

Lines seems familiar? Yea, sorry na pooo. Hahahahaha.

sorry po sa wrong grammars

VOTES and COMMENTS are highly appreciated. Thank You!

DreamerCWriter

When They Meet Again (Revising...)Where stories live. Discover now