Bibitawan na kita

45 7 4
                                    

Play the video for background music
---------

Ako lang naman kasi ang lumalaban
kaya napagod na
Ako lang naman ang naghihintay
kaya nasasaktan lang
Ako lang ang nag iisip na okay pa
kahit ang totoo'y hindi na
Ako lang yung umaasa na maibabalik pa kahit ang totoo'y malabo na

Ganyan naman talaga diba?
Yung nagmamahal ng lubos, siya pa ang kawawa
Yung taong kumakapit ng todo, siya pa nasasabihang tanga
Yung taong nangangarap, siya pa yung uuwing may baong sakit at luha

Unfair din ang mundo, ano?
Bakit kasi ganito
Nagkakasakitan lang ang mga tao
Yung mga taong katulad ko

Tulad ko na nawawalan na ng pag asa
Tulad ko na aatras na sa laban
Tulad ko na tatalikod na
Di dahil sa sumusuko na
Kundi dahil sa sobrang pagmamahal ko sayo, kahit kalayaan mo kayo kong ipagkaloob ng walang pagmamaktol

Ayoko na kasing pilitin
Ayoko ng labanan ang tadhana
At ipaglaban ang noon pa lang ay di na para sakin
Parang pinagtagpo ng panahon pero di itinadhana ng pagkakataon
Para ka lang pinatikim ng free taste pero babayaran mo lang din pala sa takdang panahon
Nakaka gago, pero yun ang totoo

Kaya naman, heto ako ngayon
Nasa harapan ng bahay mo
Umuulan ng malakas at tila nakiki ayon sa nararamdaman ko
Masakit, oo
Pero pinapa laya na kita, mahal ko

At kung dumating man ang araw na ang landas nati'y magkasalubong
Sana nama'y sa panahon na iyon
umayon na sa atin ang pagkakataon
At sa panahong iyon, sasaya na si ikaw kasama ako
Pero sa ngayon, bibitawan na kita, mahal ko

-----
Seryoso, RIP replay button 😂😂😂

TwingeOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz