Panginoon

30 10 21
                                    

Nahanap ko ang sarili ko
Nahanap ko ito kaharap ng Panginoon
Nasa loob ng kapilya at nagtatanong
Masama ba akong tao para maranasan ito?

Binuhos lahat ng pighati
Lahat ng pait at pagkamuhi
Sa Kanya ay nanalangin
Na sana'y makunan ang hinanakit

Humanap ng masasandalan
Balikat na makakapitan
Tatrapo sa luhang nahuhulog
Mula sa matang napapagod

Alam kong nakikinig Siya
Alam kong nakikita Niya
Alam kong nagbabantay Siya
Alam kong nandito lang Siya

Alam ko namang nagkasala ako
Na may mali din ako
Lahat ng yun ay inaamin ko
Pero lahat ng ito'y pinagsisihan ko

Alam kong sa paglapit ko Sayo
Ako'y magiging ayos
Alam kong babalik ako sa pagiging ako
Yung buo at masayahing tao

Sa gabay Mo, hihimbing ang tulog ko
Mawawaksi ang sakit na nararamdaman ko
Sa piling Mo ako'y magiging bago
Taong mas malakas pa sa inaakala ko.

TwingeWhere stories live. Discover now