Ako ang taong yun

26 10 10
                                    

Nakita kita
Sa madilim na kwartong puno ng alak
Sa kwartong puno ng usok
At mga nagsasayawang ilaw

Mga taong lango sa sensayon na hatid ng musikang nasa alapaap

Umupo ka
Tinawag ang serbidora
Humingi ka ng alak
Alak na matapang at nakakalimot nang pansamantala

Alam ko, may problema ka
Problemang di mo alam kung pano aagapan
Problemang nararanasan lamang ng mga taong nagbibigay ng totong pagmamahal

Problemado ka dahil sa pag-ibig
Oo, Pag-ibig
Yan yung nararamdaman mo
Na nakaka sakit ng utak at puso
Nakakawala ng katinuan at pagkatao

Pinoproblema mo yung taong yun
Yung taong di naniwala sayo
Yung taong di mo ramdam ang pagmamahal sayo
Yung taong ni tawag ay di magawa sayo
Yung taong nagdulot ng pait sa iyong mundo

At alam ko
Sa sarili ko
Na ako
Ang taong yun
Patawad, mahal ko

TwingeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon