Untitled 4

25 4 5
                                    


Uy, kamusta na?
Pansin ko nagbago ka na
Di ko alam kung maganda ba o nah
Pero sana naman sabihin mong oo, maganda nga

Balita ko may problema ka
Nakakainis lang, wala kang sinabi kaibigan
Kaya sige, ngayon ako nalang
Ako nalang ang magsasabi ng problema ko, makinig ka

Alam mo, may kasalanan ako sayo
Oo, kasalanang nagawa ko
Yung tawag ko kasi sayo iba na
Mula sa kaibigan, naging mahal na

Pero syempre, wala kang pakialam
Ni ha ni ho di mo na magawa
Di mo na ako nakikita't kinakausap
Kahit magpapansin pa ako sayong harap

Ang hirap naman ng buhay ngayon
Puro problema nalang ang kaharap ko
Nadagdagan pa itong pagmamahal ko
Pagmamahal na di mo gusto

Oo, alam ko naman yun
Ramdam ko nga din eh kahit manhid ako
Kahit sagad sa buto ang pagka baliw ko
Pero basta galing sayo, gogora ako

Umiiwas ka pag tayo na ang diskusyon ng mga tao
Ay oo nga pala, wala ngang tayo
Ang meron lang ay ako at ang sarili ko

Basta, kaibigan kong mahal, mag iingat ka
Wala ka na sa tabi ko para samahan kita
Nakalimutan mo na ako, wengya ka
Pero kahit ganun, mahal parin kita.

                               -----

Ate, eto na 😂😂😂 pagpasensyahan mo na. Bangag ako ngayon eh.😂😂😂

TwingeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon