Paalam

30 7 26
                                    

Aalis ka na
Iiwan mo na ako
Bibitaw ka na
Mag-isa na naman ako

Lahat nalang ba, iiwan ako?
Lahat nalang ba, bibitawan ako?
Lagi nalang bang mag isa't
Walang kasama sa yaon?

Nanlalamig na ako
Wala nang kumot na babalot sa mundo ko
Wala nang balikat na iiyakan ko
Wala nang panyong papahid ng luha ko

Pagod ka na kasi
At nabingi narin
Siguro dahil sa akin
Sa ngawa ko't mga pasanin

Pero ano bang magagawa ko?
Di naman kita makokontrol sa desisyon mo
Pinili mo nang umalis ng naka yuko
Di tumitingin sa likod mo

Habang ako, eto nasasaktan
Nawalan na naman kasi ng isang kaibigan
Sa paglayo mong sinabayan
Ng ulan, kulog, at amihan
Parang nakikiramdam din ang kalikasan

Pero kahit na ganun
Ay babaunin ko parin ang mga panahong yun
Panahong masaya pa tayo't buo
Wala pang nagbabago

Yung water disconnection na sinabi mo
Di ko makakalimutan yun
Kahit na mabigat ang dibdib habang sinasabi ko ang mga problema ko noon
Napatawa mo parin ako

Basta kaibigan, salamat
Salamat sa panahong nailaan
Salamat sa masayang ala-ala
Salamat sa suporta

Hanggang sa huli nating pagkikita
Mahal kita, kaibigan.

TwingeWhere stories live. Discover now