Untitled 2

35 8 5
                                    

HAHA grabe
HAHA ang galing
HAHA ang sakit
Ng nangyayari sakin

Yung tipong nawawalan ka na ng gana
Yung tipong konti nalang susuko ka na
Yung nasa gilid ka na ng bangin
Isang tulak na lang, mawawala ka na din

Ang hirap naman nito
HAHA p*ta, kaya ko ba to?
Tang*na, kailangan pa ba ng ganito?
O ako lang ang maswerteng g*go?

Sa kakaisip ko ngayon
Pati pagtulog, nawaglit na sa bukabularyo ko
Tumitilaok na ang manok
Pero heto parin ako
Nakatanga habang kaharap ang laptop ko

Wala na, blangko na ako
Pati pag-aaral nadadamay ko
Ayoko na ng ganito
Sawa na ako sa ganitong senaryo

Alas dos na, naka bukas pa din ang mga mata ko
I'm wide awake, sabi pa ng kantang narinig ko
Pero lumalabo na ito
Buhat ng mga luhang tumutulo mula rito

TwingeWhere stories live. Discover now